Masarap ang feeling ng nagmamahal ano? Yung tipong ok lang kahit ano mangyari sa yo basta mahal mo yung isang tao. Yung tipong kaya mong lumipad sa alapaap kahit walang tulong nung bato o damo.
Ganyan tayo e. Matututo kang maniwala na love will keep us alive. Lagi kang excited gumising para lang magkasama kayo. Makakalimutan mo yung ibang parte ng buhay mo para lang sa mahal mo. Sinasabi nila na magtira ka para sa sarili mo pag nagmamahal ka. Pero ganyan naman lahat ng payo e. Puro ideal words lang pero mahirap i apply sa totoong buhay. Pag nagmahal ka ng tunay kasi isusuko mo lahat yun. Paggising mo sya ang una mong maiisip. Isusubo mo na lang yung pagkain e ibibigay mo pa sa kanya. Natututo kang magtipid para lang may pang date kayo. Kahit wala kang tulog, pupuntahan mo sya para lang magkasama kayo. Ganyan ang pag ibig. Gagawin kang tanga, para lang sumaya ka.
Bibilang ng ilang taon, mapapatunayan mo na worth it naman pala ung mga ginagawa mo. Kumbaga sa mga love team na tulad nina KathNiel, nagclick ang pagsasama nyo. Magiging masaya kayo ng ilang taon. Sabi nga nila e pag umabot kayo ng 2 years, aba may potensyal. Sa loob kasi ng 2 taon, makikilala nyo na ang lahat ng baho nyo. At pag umabot kayong magkasama pa rin, maswerte ka. Kapag umabot naman daw ng 5 taon, mejo sure ka na raw nyan. Kumbaga true love na daw talaga yan. Kakasalin na raw. Wala na raw makakasira nyan kasi malalim na pundasyon. E limang taon na kayong nagmamahalan, nagmumurahan, naghahagisan ng plato, ngayon pa ba naman aayaw? Kaya siguro nga may punto naman nga.
Pero may kaakibat na takot ang pagtagal ng isang relasyon. Aabot kayo sa puntong magkakasawaan kayo. Yung tipong pag gising mo e tropa na agad ang hinahanap mo. Yung pagkain sunod sunod mo nang isusubo.. may bulos pa. Nakasanayan nyo na ang isat isa kaya nawawala na rin yung tinatawag ni optimus prime na spark. Yung away nyo lalo lang lumalala, kasi nga, hindi na kayo natatakot na mawala ang isat isa. Dadating ka rin sa puntong magtatanong ka na sa sarili mo kung mahal mo pa nga ba yang damuho na yan. Magtatanong ka na kung pagmamahal o panghihinayang na lang ang nararamdaman mo. Minsan may makikilala ka pang iba. Makakahanap ka ng kilig sa ibang tao na hindi mo na maramdaman ngayon.
Ngayon, pano mo masasabing sigurado na ang matagal na pagsasama? Pano mo mababalik ang dati kung tadtad na ng lamat ang relasyon nyo? Bigla ko naisip yung kasabihang "asawa nga nasusulot, jowa pa kaya?". Sa lahat ng kasabihan tungkol sa relasyon, parang ito lang ang mas malapit sa katotohanan.
Ang tanong ngayon, paano naman kung isa lang ang nagsawa?
Monday, August 25, 2014
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment