Matagal tagal ko na rin pala hindi ito nabibisita. Yung mga plano ko isulat, ayun nabulok na lang. Kaya wala rin gano nagbabasa na dito kasi nga naman, ningas kugon lang ako. Puro simula, walang natatapos. Hayaan nyo na lang ako magsimula ulit. Ngayon lang.
E kasi naman itong si Malungkutin aba, bigla na lang sumaya. Lahat ng mga akala ko dati e imposibleng mangyari e nangyari sa kin. Totoo ata nga ata yung mga fairy godmother. Hindi ako sanay sa mga magagandang bagay. Ang alam ko lang, pinagsakluban ako ng langit at lupa. Ang alam ko lang, ginawa ang salitang malungkutin para sa kin.
Bakit nakakaranas ako ng mga makatulo na ihing kilig? Yung mga bulate ko sa tyan, parang sabay sabay nagbobody slam at nagbavibrate sa tyan ko (yun din ata yung tawag nilang butterflies in the tummy). Lahat ng nakikita ko magaganda. Kahit yung tindera na mukhang mangkukulam na binibilhan ko ng pop cola e parang nagiging kamukha ni marian rivera. Nawiwili ako makinig sa mga love song at may pasayaw sayaw pa. Yung kwarto ko na kasama ko lagi nagseselos na kasi bihira na ko tumambay dun. Hay.
Ganito ba ang feeling ng in love?
Lahat ng sama ng loob ko e parang naflush ko sa inidoro. Nawala na ang bitterness, kahit ampalaya ang kinakain ko ay parang asukal ang nalalasahan ko. Yung pusoo ko na dinaanan ng pison, chinop chop, dineep fried, pinakain sa mga aso ay bigla na lang bumangon galing hukay.
Eto ba feeling nung mga nakikita kong magjowa na gusto ko tirisin dati?
Masarap sa pakiramdam. May rason ka ngayon lagi na ngumiti. Akala ko dati, yung mga muscle ko sa bibig e sa pagkain ko na lang magagamit. Nakakatakot lang sa umpisa kasi hindi mo naman inakala e. Andyan ang takot na bigla na lang matapos yung kaligayahan mo. Tapos maririnig mo pa sa radyo yung kanta ni cookie chua na may lyrics na "ang lahat ay may katapusan". Kasi nasanay ka nang mag isa tapos biglang magkakaroon ka na ng kadamay sa lahat. Hindi mo na kailangang umiyak mag isa. Meron ka nang isang fan na sisigaw sa tuwa. Meron nang bibilib sa mga ginagawa mong kalokohan. Kasi tinanggap ka nya kung ano ka. Tinanggap nya ang pagiging malungkutin ko. Kaya masarap talaga mainlove.
Hindi na po si malungkutin tong nagsusulat. Sorry po sa kakornihan. Lasing lang ako. Lasing sa pagmamahal.
Ayiii...
Thursday, August 21, 2014
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment