Friday, October 28, 2011

Forbidden Love?

Friday, October 28, 2011
"E ano nga ba ang pakialam ko kung magalit sila? E sa mahal ko e, paki ba nila!"

Yan. Eksakli. Yan ang mga madalas na linya ng mga taong pumapasok sa bawal na pag ibig. E bakit nga ba? E ano nga ba ang alam ng mga impokritong tao tungkol sa pag ibig? Naranasan na ba nilang may kahati sa atensyon? Naranasan na ba nilang umagaw ng mga nakaw na sandali? Naranasan na ba nilang mag date habang katext nung isa ung jowa nya? Wala. Wala silang alam. Ang hirap kaya nun diba? Kung tutuusin, mas bilib pa ko sa kabit, kasi nagagawa nyang isakripsyo lahat para dun sa isang taong yun. Hindi lahat kaya isuko ang pride ang makuntento sa hating pag-ibig. Pede na nga syang barilin sa Luneta. Isa syang bayani.

Ang hindi ko lang maintindihan, sa dinami dami ng tao naman kasi na magugustuhan mo, e yun pang may kadena na sa leeg. Ilang bilyon ba ang mga tao? Anong probability na sa ilang bilyong tao na meron ang planetang ito, sya pa ang napili mo? Ang weird. Destiny? No way. Kahit kelan hindi ko matatanggap na dahil sinabi ng kalangitan, dahil nagtugma ang mga zodiac sign nyo, dahil nagpantay pantay ang mga planeta, dahil may falling star, ibig sabihin ay meant to be kayo. Ano kayo mga hayop? Na kahit sino na lang pwede?

Sabi ng iba, gusto nila ng challenge... ng thrill kaya nila nagagawa yun. Pwde ka namang tumalon sa hinulugang taktak o kaya mag slide mula Tagaytay papuntang Taal. Yun, napakachallenging nun. Anong thrill ang mapapala mo sa pagiging isang kabet? Yung thrill na baka mahuli? Yung challenge na kaya mong agawin ang isang taong taken na?

Ganyan daw kasi tayong mga tao - marupok. Mas inuuna ng tao ang puso kesa sa utak. Bakit nga ba ganun e ang silbi lang naman nga ng puso ay magbomba ng dugo para mabuhay tayo. Bakit pilit nating binibigyan ng ibang trabaho ang puso natin? Huwag na natin antayin na mastress ang puso natin at magpasa ng resignation letter.

Karaniwan, inililink ng mga tao (a.k.a. mga babae ang bawal na pag ibig sa mga lalake. Mga lalake raw ang madalas gumawa ng ganito. Mga lalake raw ang dapat sisihin kung bakit nauso ang salitang "Kabet". Oo normal sa lalake ang magkagusto sa iba. Narinig ko nga dati na ang mga lalake raw ay likas na polygamous. Pero wala namang magiging manyak, ma-EL na lalake kung walang malanding babae, diba? Wala namang mangyayari kung hindi mo titingnan o ieentertain yung thought na "Ui, pwede to ah?". Dito magsisimula ang walang katapusang turuan na wala naman talagang makakapagsabi kung sino ang nauna. Hindi kayo (mga babae) papayag sa sinabi ko diba?

Sa huli wala rin naman ako magagawa. Ano nga naman ba ang karapatan kong magsermon e wala naman akong alam sa mga ganyang bagay. Makukuha ko pa bang mangaliwa, e kahit nga kanan wala ako.....






.... Oo pinilit ko lang ipasok ang bitterness ko.

6 comments

Sunday, October 23, 2011

The Waiting Game

Sunday, October 23, 2011
GIRL: Nakipaghiwalay ako sa kanya ngayon. Sabi ko hindi na ko masaya sa piling nya. Hindi man lang nya tinanong kung bakit... Akala ko pipigilan nya ako... pero hindi. Hinayaan nya lang ako lumayo sa kanya. Nang di ko inaasahan, nawala sa kin ang lalakeng hinintay ko habambuhay...

.
.
.

GUY: Nakipaghiwalay sya sa kin ngayon. Sabi nya, di na sya masaya sa piling ko. Sa sobrang sakit ay hindi ko na natanong kung bakit. Gusto ko sya pigilan, pero kung hindi na sya masaya sa kin, wala nang paraan para pigilan sya. Hinayaan ko na lang na lumayo sya sa kin. Nang hindi ko inaasahan, nawala sa kin ang babaeng pinapangarap ko habambuhay....

.
.
.

Give and take nga daw ang isang relationship. Wag kayong maghintayan kasi baka mag end up kayong single. Wag din kayo masyadong paasa at pakipot. Malapit pa namang magpasko, mahirap matulog ng walang kayakap...

2 comments

Monday, May 16, 2011

Ako na ang bitter

Monday, May 16, 2011
Heto na naman ako. Nakatunganga sa maliit na monitor. Nag iisip ng masusulat. May naisip ako isulat kagabi tungkol sa boxing, pero dahil kahit ako e inaantok sa sinusulat ko, hindi ko na tinuloy. Erase. Erase. Erase.

Minsan nga naiisip ko kung bakit ba ako naging ganito katamad. May mga bagay akong nagagawa, pero hindi to the point na halos lahat e maiimpress ko. Hindi kasi ako yung tipo na mabait. Hindi ako yung tipong masipag. Hindi ako yung tipo na laging nagtataas ng kamay tuwing recitation. In short isa akong pako. Isang malaking pako.

Minsan nga naiisip kong wag na lang umuwi sa bahay. Kapag kasi nasa bahay ako, feeling ko wala akong kwenta. Sabi nga daw, border lang ako. Isipin mo yun? Sa mismong sarili bahay, sariling pamilya, ang tingin sa yo e border lang? Hindi ko naman sila masisi kasi nga lagi lang akong nakatapat sa monitor. Kapag mejo tinatamad na ay matutulog. Pagdating ng hapon pag nagbabalak nang magtago si araw, lalabas na ko. Yan ang daily routine ko. Gumising - Kumain - Magcomputer - Matulog - Gumising - Kumain - Matulog - Gumising - Labas - Inom - Matulog - Gumising. Parang napakabusy ng araw ko no?

Kasi nga naman, isa akong pako. Sana man lang e pukpukin ako ng magkasilbi naman. Pano ba ko kikilos kung natutulog pa ko? Pano ko ba malalaman kung anong gagawin kung walang magsasabi. Hindi ba border nga lang ako? Sana man lang e sabihan ako na " Hoy, gising na. Baka gusto mo itry mag gupit ng damo. Masaya daw yun." Hindi naman lahat e katulad nyo na masipag. Kapag hindi ka nakagawa ng kahit ano sa maghapon, magiging invisible man ka na parang wala silang nakikita. Sa huli, ako pa ang lalabas na nagmamataas at nagmamatigas. Ako pa ang masama at walang kwentang tao. Yan ang natatak sa isip ko simula bata pa ko.

Yeah. Yeah. Bago pa kayo magreact, alam kong walang tama sa mga sinabi ko sa taas. Random hinagpis lang yan. Nakakalungkot lang kasi isipin na para nga lang akong border. Kelan ko nga ba huling naramdaman na naging proud sa kin ang mga tao sa paligid ko? Kelan ko nga ba huling naramdaman na sinusuportahan ako sa mga desisyon ko? Alam kong may mga times na oo pero mas lamang kasi ang hindi kaya wala ako maalala. Masusunod ang mga desisyon ko pero alam kong puro nakakunot ang noo at naglalabasan ang mga varicose veins sa binti. Ni hindi nga nila alam ang gusto ko, ang hilig ko, ang kagustuhan kong magsulat. Ni hindi nga nila alam na ako pala si Malungkutin.

Hindi ako matalino. Hindi ako gwapo. Lalong hindi rin malakas karisma ko. Pinagsakluban nga ata talaga ako ng langit at lupa. Hindi ako yung tipong magiging paborito lalo na kung may choice. Kahit nga siguro ako na lang ang option, mag ka-call a friend pa sila. Siguro nga kaya sila ganun ay dahil nadisappoint ko sila ng maraming maraming beses. Kaya ayan, kahit siguro manghingi lang ng pamasahe e pag iisipan pa ng masama.

Akala ko, pag paulit ulit mong mararanasan ang isang bagay, masasanay ka at magiging immune. Bakit naman ang lintik na ako e hindi pa rin makamove on? Katakot takot na hiya at pagdodown sa sarili ang nararanasan ko araw araw. Minsan nga gusto ko laging may mga pagtitipon, outing reunions... kasi parang nagbabalik lahat sa dati na parang importante ka. Pero makaraan lang ang ilang araw, balik na naman sa dati. Kalorkey haha.

Kapag gumagawa ako ng paraan para magkalapit lapit, hindi ko ba alam bakit laging hindi natutuloy. Mag iipon ako para mailabas sila pero pagdating ng mismong araw, aba may lakad. Nakakalungkot isipin na bakit nga ba mag eeffort pa ko e wala rin namang silbi. Bakit kelangan mong subukan na magbago e simula pa lang wala na silang tiwala sa yo. Kesa naman nga makipagaway pa ko, mas pinipili kong magkulong na lang sa kwarto. Atlis kahit pano, sa loob ng apat na sulok ng kwarto na to, nagagawa kong maging boss ng sarili kong lugar. Nagagawa kong magsulat. Nagagawa kong tumawa, umiyak, magalit ng walang sino mang manghuhusga. Sa loob ng kwartong to, nabubuhay ang mga pangarap na hindi ko kayang gawin sa labas. Dito ako ang bida. Ako ang center of attraction. Ako ang pinakamaaasahan. Saksi ang kwarto ko sa lahat ng saya, sakit, luha at kung ano ano pang pakiramdam na maaari kong maramdaman. Mabuti pa ang kwartong to. Alam nya lahat tungkol sa kin. Alam nya kung gano kahirap ang pinagdadaanan ko.

Pero ok na rin yun. Wala naman din akong magagawa. Andito na tayo e. Ganito na siguro ang guhit ng palad ko. Masaya na kong nakakapagsulat ulit. Masaya na ko na kahit papano naman, meron din pala akong ibang alam gawin bukod sa kumain at matulog. Siguro ilang panahon pa kelangan ko para ganap kong matanggap na isa lang akong hangin na hindi na dapat pinapansin. Kelangan kong tanggapin na ako si Malungkutin - sa isip, sa salita, at sa gawa

9 comments

Monday, May 2, 2011

Breakups part 2

Monday, May 2, 2011
Gaano ba kasakit ang breakups? Katulad din ba to ng mga pagkabasted na parang dinadaanan ng pison ang puso mo? Eto ba ung point ng relasyon nyo na pilit kang naghahanap ng kanta na babagay sa pakikipag break sabay iiyak habang kinakanta ito? Buti nga di pa applicable dito yung karaniwang sinasabi ng matatanda na di ito tulad ng mainit na kanin na pag sinubo at napaso e pede mo isuka. Isuka talaga ang term. Hehehe.

Ang paghihiwalay ay karaniwang desisyon ng parehong kampo. Kumbaga sa gera e sabay nagtaas ng puting bandera habang sinasabing "Tama na! Suko na ako!" Karaniwan kasing hindi magkasundo sa maraming bagay kaya nauuwi sa hiwalayan. Di mo naman masisisi ang dalawa kasi nga masaya naman ang umpisa. Kaya lang nga, habang tumatagal, mas lalo nyo nakikilala ang isa't isa at dito na mararamdaman ang pagkayamot sa kapartner nyo. Dito na lalabas yung mga natatagong baho at kung ano ano pang skin diseases at mag eend up nga ng hiwalayan. Hindi compatible e, di rin naman pedeng ipilit.

Meron din namang one-sided ang break ups. Ito yung mga tipong katulad ng nasulat ko sa unang Breakups na kwento na nagsasabing "it's not you. It's me." Ano nga ba magagawa mo kung talagang ayaw na nung isa sa yo. Buti kung katulad ko kayong lahat - tanga, bobo, uto uto. Pero hindi. Hindi naman lahat malungkutin na tulad ko. Mapapakanta ka na lang ng Hurting Inside ng FOJ dahil nga, syempre, masakit. Mas doble ang sakit nito sa isa kasi ayaw mo pa e. Gusto mo pa magwork out yung relasyon pero wala. Para ka lang tanga na pilit ng pilit sa isang bagay na wala nang saysay.

Naisip ko nga bigla, kaya siguro naimbento ang mga monthsaries kasi sa panahong ito, bihira na lang talaga ang nakakaabot at nakakapagcelebrate ng anniversaries. Para kasing ang hirap na maghanap ng talagang kamatch mo. Buti sana kung lahat e parang yung sa commercial nung Nestle 100 years na simula pagkabata hanggang pagtanda e magkasama sila. Minsan nga naiisip ko pang kwentong barbero na lang yun. Minsan nga mas ok pang mahalin mo na lang barbero mo kasi makikinig un sa lahat ng sasabihin mo. Hindi yan kokontra sa yo basta lagi ka lang magpapagupit sa kanya.

Minsan may nakilala akong lalake. Lagi silang magkaaway ng jowa nya. Pero lamang itong si lalake. Alam nya kasing di sya kayang iwan nung babae. Kaya malakas loob nito maghamon ng hiwalayan kasi alam nyang di kaya nung babae. Nagulat na lang ako isang araw nabalitaan ko na lang na patay na pala yung lalake. Rason? Nagbigti kasi di kinaya nung nakipagbreak na sa kanya ng tuluyan yung babae. Ironic? Very very ironic.

Masakit talaga ang breakup. Ilan lang talaga ang matibay ang dibdib o makapal ang mukha na hindi tinatablan. Biruin mo, magpupuhunan ka ng sangkaterbang emosyon at pagmamahal pero sa huli malulugi ka lang at mapipilitan kang magsara... magsara ng puso. Hindi ko alam kung pano nakakamove on pero sabi nga nila, time heals all wounds. ang problema lang dito hindi mo masasabi kung kelan dadating yung time na yun. Minsan ilang araw lang. Minsan ilang linggo. Minsan buwan... taon.... siglo. Hindi mo malalaman kung kelan mo masasabi na "Ok na ko." Hindi mo malalaman na handa ka na palang umabante sa buhay at kalimutan na kung ano mang sakit ang naranasan mo sa nakaraan. Time heals all wounds daw... pero Time din ang nakakasira ng bait ng isang tao.

Buti na lang si Malungkutin ay isang matatag na tao. E pano ba, wala namang makikipagbreak sa kin kasi nga wala pa namang sumasagot sa kin.

Eto ang pinakaironic na bagay. Eto rin ang pinakamasakit. Huhuhu sad.

2 comments

Monday, April 11, 2011

Breakups

Monday, April 11, 2011
"It's not you, it's me"

Yeah, yeah. Common line ng mga nakikipagbreak. Hindi ko nga ba alam bakit eto ang common gamitin ng mga taong magdaling magsawa. Wala na bang maisip na irarason at yan ang favorite nyong line? Hindi mo ba masabing "E ang takaw takaw mo kasi." O kaya "konti na lang kasi kahawig mo na yung suwelas ng paborito kong chucks." O di kaya "Parang machine gun kasi bunganga mo."

Masakit nga naman kung yun ang sasabihin. Para lang kasing nakakaloko. Pag sinabihan kayong ganyan, tanungin nyo na kung ano ba ang mali sa kanya. Tingnan mo kung makakasagot yan. 9 out of 10 matatagalan sumagot at mag iisip pa yan. (Gumawa pa nga ako ng sarili kong survey haha)

Bakit nga ba nauuwi sa break up ang isang relasyon? Hindi magkasundo ng ugali? Nakakasakal? May mga bwisit na magulang na hinahamak ang pagkatao? Weh?

E kung di ka ba naman isa't kalahati... Kaya nga nagkakaroon ng ligawan diba? Kaya nga may salitang ligawan para makilala nyo ang isa't isa. Kaya nga nagkakaroon ng mga date para maintindihan mo kung bilmoko at bilmokonyan yung nililigawan mo. Kaya nga merong pasundo sundo sa skul para malaman mo kung handa magsakripisyo ang mga lalake. Kaya nga merong madalas nababasted tulad ko dahil sa lintek na ligawan na yan. But that's another issue :)

Kung iisipin mo naman e talagang yan ang mga dahilan kung bakit ka nanliligaw. Ang nakakainis lang kasi e karaniwan din ang pagiging plastik pag umaakyat ng ligaw. E pano ba naman ganito ang setup ng mga lalake:

1. Suot ang pinakabagong polo na bili sa tyangge.
2. Bagong gupit lagi, bagong paligo at laging nakagel.
3. Laging naka Tommy na pabango, minsan Coolwater pag ubos na pabango ni utol.
4. Galante, laging may dalang hopia.
5. Nag aral ng GMRC, napakagalang at napakabait.
6. Nagmumog ng honey, ang tatamis ng lumalabas sa bibig.
7. In connection to # 4, lagi ring may dalang mga pasalubong para sa mga nakababatang kapatid.

E sino bang di maiinlove sa mga ganyan? Kung yung nakikita mong tao e kala mo santo sa sobrang bait. Di magtatagal at sasagutin na sya ng babae. Habang tumatagal:\

1. Laging nakasando na, minsan lumalabas pa ang utong.
2. Long hair na, sa ulo pati sa ilong. May maaamoy ka na rin na kakaiba na karaniwang masakit sa ilong.
3. Baby cologne ang laging amoy nya.
4. Mas madalas mangutang kesa manlibre (o magbayad).
5. Naninigaw na. Akala mo e nakahire ng katulong kung makautos.
6. Lumalaklak ng sili, mura ng mura at kala mo demonyo sa anghang magsalita.
7. Inuutusan pa ang kapatid para bumili ng yosi nya.

Dyan na magsisimula ang break ups. Dyan na sasabihin nung makikipaghiwalay na "It's not you, it's me." na ang ibig sabihin talaga e "It's not you that I love, It's me na nandidiri na sa yo." Bakit nga ba kasi di na lang ipakita sa nililigawan mo ang totoong ikaw? Hindi naman matatago ng pabango at gel ang sarili mong baho. Hindi naman pwedeng habambuhay kang magiging hunyango at isang araw e lalabas din ang tunay mong kulay. Hindi ba mas ok na makita niya kung anong klase kang halimaw ngayon kesa magulat sya na ang tupa palang inaalagaan nya e isang lobo pala?

Sinubukan kong basahin ang mga sinulat ko sa taas. Napakatalinghanga ko hahaha.

Pero seriously diba? Hindi ko naiisip na pagmamahal ang tawag mo dun kundi panloloko lang. Sabi nga nila, kung gusto ka nung tao, kahit ano pang baho ng alipunga mo, mamahalin at mamahalin ka niya. Mas gusto ko pa yung mga tipong Robin Padilla-style ng panliligaw kesa naman para kang orocan na puro kaplastikan lang. Marami ang nauuwi sa hiwalayan dahil sa mga ganitong rason.

Minsan naman, meron talagang mga tao na masasabing hustler sa mga relasyon. May mga lalake/babae na magaling dumiskarte. Yun bang tipong mabulaklak ang mga dila at lahat e kaya mapasagot. Naiinis ako sa mga taong ito. Naiinis ako kasi bakit hindi ko natutunan tong mga to, naiinis ako kasi nagkaroon tuloy ng Malungkutin kasi laging nababasted.

Ito yung mga taong ginagawang katuwaan lang ang pakikipagrelasyon. Ito yung mga taong pinagkaitan ng laruan nung bata kaya hayan, ngayon naglalaro. Kapag nakuha na nya ang/ang mga gusto nya sa taong yun, itatapon nya na to na parang basahan. Dito na rin magsisimula yung mga lines na "It's not you, it's me." na ang meaning naman e "Sorry, it's not you , It's me na nang uto sa yo." Ingat ingat lang kung ganito kayo. Ang karma andyan lang yan. Pinsan nga daw yan ni Kamatayan e. Pareho rin silang biglaan kung dumating. Awuuuu~~~~~

Meron din namang totoo ang naging relasyon. Yung tipo bang talagang nagkainlaban ang dalawa. Yun bang hindi nagpakaplastik, pareho nila tinanggap ang pagkukulang ng isa't isa. Typical love story diba? Pero hindi. Masyado sila nagiging busy sa mga sarili nilang buhay. Unti unti na nawawala yung tamis nila. Nawawala na yung bonding na kelangan para maging pundasyon ng isang relasyon. Dito na papasok ang break up dahil nagfall-out na sila. Ang relasyon na ganito ay parang kandila na dumating na sa dulo at naubos na. Ito yung mga nakakalungkot kasi sayang. Nakakalungkot din kasi sana kahit man lang ganito e nakaranas ako. Sad lang.

Ito ang nakakainis (O nakakatuwa?) na rason ng break ups - Pagiging machine gun.

Sino nga ba ang matutuwa kung ang karelasyon mo e sanay sa pakikibakbakan? Yun bang tipong mga Last Action Hero na hindi nauubusan ng bala at tuloy tuloy lang ang baril? Ang pinagkaiba lang nila e si Schawsde.....neger e sa baril pumuputok. Ito naman ay sa bibig.

Ito yung mga tipong sobrang seloso/selosa. Hindi ko naman sinasabing masama ang magselos. Sabi nga ng mga matatanda, Isa daw itong sign ng pagmamahal sa yo ng isang tao. Pero what the hell man! Kung ito ang iuulam mo sa umaga, tanghali at gabi, never mind na lang pre. Nakakainis ba minsan e makita ka lang na may kausap na babae e raratratin ka na at walang tigil ang putak. Hindi mo lang matext minsan e tatawagan ka pa at saka pagbababarilin ang tenga mo. Yun bang minsan e kabisad mo na lahat ng sasabihin nya - kung gano katgal bubuka ang bibig nya, kung ano lalabas sa bibig nya, ilang exclamation point, ilang period... - Yan. Yan ang authentic na "It's you, yes, IT'S YOU!!!" na rasonn kung bakit nagkakahiwalay. Minsan lang di ko masisi yung mga ganung tao. Siguro lang e sobra lang magmahal yun kaya walang ibang ginagawa kundi pumutak ng pumutak. Makabasag na eardrums na pagmamahal.

Basta ako, ang masasabi ko lang, wala akong pakialam sa mga breakups na yan. Paki ko ba, e hindi pa nga nagiging kami ng nililigawan ko e break na agad kami. Kaya wala talaga ako pakialam.

OO na... BITTER na kung BITTER. >;(


0 comments

Monday, April 4, 2011

Kahirapan

Monday, April 4, 2011
Bakit nga ba merong nuknukan ng yaman at merong sobrang hirap? Lagi ko yan natatanong tuwing mapapadaan ako jan sa may Pasay. Ang daming squatter, ang daming mga pulubi. Ang daming kakalbit sa yo at mag pa-puppy eyes at magsasabing "Kuya kahit konting barya lang." Hindi ka pa makakalayo e may makikita kang sobrang laking bahay. Akala mo e presidente ang nakatira. Hindi kaya sukatin ng 50 tao sa haba ng lote at sa laki ng bahay na nakatirik sa lupang yon. Para ngang sobrang ironic nung lugar. Isang larawan ng marangyang buhay sa gitna ng kahirapan.

Minsan may nakausap ako tungkol sa kahirapan ng buhay. Aktibo sya masyado. Sa sobrang aktibo e para na lang akong nanonood ng tv na hindi pede sumagot sa kanya. (Sige try mo kausapin ang TV mo, now na.) Mahirap daw makapag aral dahil nga kapos sa pera. Minsan pa nga raw kelangan nyang umabsent dahil kahit pamasahe e wala sya. Pero bilib ako sa taong to. Makikita mo ang determinasyon na makapagtapos. Makikita mo sa mga mata nya ang kagustuhang makaahon sa kahirapan.

Yan ang nakakainis na realidad sa ating mga Pilipino. Kung sino pa ang may kagustuhan na umunlad ay sya pa tong nasisilat sa gulong ng buhay. At kung sino pa ang may limpak limpak na salapi, sila pa ung nagkakalat. Totoo diba?

Marami akong kakilala na hindi nakapagtapos na ang common denominator nila ay mapera sila or pamilya nila. Marami akong kakilala na nalulong sa droga na common denominator ulit ay mapera sila. Marami akong kakilala na paeasy easy lang sa buhay dahil.... alam mo na... may common denominator sila.

Siguro dahil kahit kelan ay di nila naranasan ang hirap ng buhay. Wala silang drive or reason kung bakit kelangan nilang makatapos at magkapera dahil nga.. um... Mapera na sila. Kahit ano mabibili mo, kahit pa kaluluwa ng ibang tao. Ganyan ang karaniwang mindset ng mga mayayaman.

Hindi ko naman ginegeneralize pero un ang common. Dapat sisihin nila ang mga pelikula. Kung mapapansin mo, sino ba ang karaniwang kalaban sa mga pelikula? Sino ba ang karaniwang mga pushers, kidnappers at mga big bosses? Di ba ang mga MAYAYAMAN? Kasalanan nila to kung bakit ganito ako mag isip. Namulat ako na may takot kay Paquito (R.I.P) at kung sino sino pang mayayamang kontrabida.

Ang point ko lang, mas nagiging determinado lang ang mga mahihirap na makapagtapos dahil nga sa nararanasan nilang hirap ng buhay. Alam kong may pagkakataon na nagkakabaliktad ang mga situasyon. Alam ko rin na pede nyong sabihin sa kin na kaya nga sila mahihirap dahil kulang sila sa lakas ng loob.

Bakit ba?

E blog ko to at ang laman nito e mga naiisip ko. Kung gusto nyong ibalanse ang mga bagay bagay tulad nito post na to.

Gumawa rin kayo ng sarili nyong blog.

0 comments

Sunday, January 30, 2011

Stress

Sunday, January 30, 2011
Natry nyo na bang mastress ng sobra sobra sa buhay? Yung tipong mitsa na lang ang kulang e pede ka nang gamitin bilang paputok sa bagong taon? Yung tipong pinagsakluban ka ng langit at lupa.

I did. Naks.

Hindi ko nga maintindihan kung bakit ako naiistress. Happy-go-lucky naman ako. Wala akong pakialam sa ibang tao basta wag lang din akong pakikialaman. Minsan nga, tinawag akong kabayo kasi nga naman daw, pag naglalakad ako e diretso lang ang tingin na parang may takip ang mga gilid ng mga mata. Op kors nasisira lang ang concentration pag may bebot nang nakasalubong. Para akong sa exorcist na umiikot ang ulo kakahabol ng tingin.

Eniweys, nakakainis mastress. Papasok ka sa umaga, di ka pa man nakakaupo e katakot takot nang sakit ng ulo ang makukuha mo. May mga katrabahong maiingay... may mga katrabahong kalikot ng kalikot.. meron ding ikot ng ikot. Ang nakakainis pa e yung mga tipong napakakukulit na kala mo e mga grade 1 lang at tuwang tuwa sa paglalaro. Nak ng teteng, alas 7 pa lang ng umaga, nasisira na agad ang araw mo. Minsan nga e gusto ko hagisin ng mug sa bunganga. Naisip ko lang e sa hirap ng buhay ngayon, dadagdag pa sa gastusin ang pagpapabunot sa mga nasirang ngipin dahil sa binato kong mug.

Isang araw naisipan kong magdala ng ipod. Sosyal. Pag upo ko pa lang ay nakasalpak na sa mga tenga ko ang mamahaling headset ko. Olrayt, may padrums drums pa ko sa hangin habang pinapakinggan ang Awit ng Kabataan with matching papikit pikit pa. Pagmulat ng mata ko napansin ko na parang lahat sila e tahimik at nakatingin lahat sa kin. Bakit wala na kayong maburyong na tao kaya lahat kayo natahimik? Naisip ko na tagumpay ito para laban sa mga kampon ni shalala. Napatingin ako sa isa kong katrabaho. Ngumunguso sya sa likod ko. Pagtingin ko sa likod e bigla akong napatalon sa upuan ko. Ampota may dragoooooonnnn!!!!! Mga 10 segundo ko narealize na boss ko pala ang nakita ko at galit na galit na dahil kanina pa pala nya ko tinatawag. Katakot takot na mura ang inabot ko. Akala ko pa naman e makakatanggal stress ang pakikinig ng music habang nagtatrabaho. Yun pala, mas madodoble lang ang stress na mararanasan ko. Simula nun, pinagbawal na ang pagsusuot ng headset sa trabaho.

Sa hapon, jan mo mararanasan ang tugatog ng stress. Sa mga ganitong oras kasi papasok ang mga deadlines, last minute meetings, revisions... lahat ng pedeng gumulo sa magulo mo nang utak, anjan lahat. Ang sakit sa ulo na nagkukumahog kang matapos ang isang bagay e itatapon lang sa mukha mo at sisigaw na "DO IT AGAIN!!!!". Dito lumakas pa lalo ang paninigarilyo ko. Maya't maya ako nagyoyosi. Nakakatanggal daw kasi ng stress yun pero bakit parang masakit na ata ang baga ko e lalo pa ata ako nasstress???

Sa wakas tapos na ang araw mo. Sa wakas, makakapagpahinga ka na at matatanggal ang stress sa araw na ito. Pero pag akyat ko ng MRT... lintik na iyan. Daig pa ang Ligo sardines sa dami ng tao. Grabe. Yung ugat ko noo e naglalabasan dahil sa pagkayamot. Ok lang sana na siksikan e. Ang di kasi maganda sa ganyan e ang halo halong amoy na malalanghap mo pag nakipagsiksikan ka. Minsan matatyambahan ka pa ng mga ulupong na mandurukot at yung payslip na pambigay sana ke misis e matatangay pa. Masisigawan ka pa at iisiping may kulasisi ka dahil wala kang maiabot na pera. Lintik na buhay to. Stresssssss.....

Pagktpos ng mga halos 3 oras na pagbabyahe, makakarating na ko sa bahay. Diretso kama ako at excited na nagtanggal ng mga sapatos. Hayy.... ang sarap mahiga ng kama. Hindi pa ko nakakalimang minutong nakahiga e biglang magdadatingan ang barkada. Dahil pinanganak ata ako na may sumpang hindi pedeng tumanggi, ayun napainom na nga. Inabot na ng madaling araw bago natapos ang inuman. Ok na rin kasi kahit kaunti e natuwa naman ako kakapanood ng mga katropa kong mayayabang sa inuman e puro naman sukahan. Tawa ako ng tawa ng tumingin ako sa relo. Omaygas, alas 5 na ng madaling araw!!!!

Para akong nahulasan bigla at dali dali akong tumakbo ng CR. Parang limang minuto lang ako naligo dahil malalate na ko. Hindi na ko pede malate kasi at magkakamemo na dahil sa dami na ng late. Takbo ako. Nagulat ako ng di gaano madaming tao ang MRT. Akala ko pa nung una e meron na namang bomb scare kaya takot ang mga tao sumakay. Natuwa naman ako kahit pano e di ko na kelangang makipagsikiskan.

Ang aga ko dumating. 6:30 pa lang. Dali dali akong pumasok ng opisina. Kahit may hang over e pinagdasal ko na lang na sana e di ako gano mastress. Pagpasok ko e parang gulat na gulat ang gwardiya. "Ser bat andito kayo?" ang gulat na tanong nya. Ngumiti lang ako at nagdirediretso. Nang nakakasampung tapak pa lang ako mula sa gwardiya, biglang umakyat ang dugo sa ulo ko. Para akong hihimatayin.....

..... Sabado na pala. Walang pasok.

Muntik na kong mag breakdown sa sobrang stress.

22 comments