Monday, May 16, 2011

Ako na ang bitter

Monday, May 16, 2011
Heto na naman ako. Nakatunganga sa maliit na monitor. Nag iisip ng masusulat. May naisip ako isulat kagabi tungkol sa boxing, pero dahil kahit ako e inaantok sa sinusulat ko, hindi ko na tinuloy. Erase. Erase. Erase.

Minsan nga naiisip ko kung bakit ba ako naging ganito katamad. May mga bagay akong nagagawa, pero hindi to the point na halos lahat e maiimpress ko. Hindi kasi ako yung tipo na mabait. Hindi ako yung tipong masipag. Hindi ako yung tipo na laging nagtataas ng kamay tuwing recitation. In short isa akong pako. Isang malaking pako.

Minsan nga naiisip kong wag na lang umuwi sa bahay. Kapag kasi nasa bahay ako, feeling ko wala akong kwenta. Sabi nga daw, border lang ako. Isipin mo yun? Sa mismong sarili bahay, sariling pamilya, ang tingin sa yo e border lang? Hindi ko naman sila masisi kasi nga lagi lang akong nakatapat sa monitor. Kapag mejo tinatamad na ay matutulog. Pagdating ng hapon pag nagbabalak nang magtago si araw, lalabas na ko. Yan ang daily routine ko. Gumising - Kumain - Magcomputer - Matulog - Gumising - Kumain - Matulog - Gumising - Labas - Inom - Matulog - Gumising. Parang napakabusy ng araw ko no?

Kasi nga naman, isa akong pako. Sana man lang e pukpukin ako ng magkasilbi naman. Pano ba ko kikilos kung natutulog pa ko? Pano ko ba malalaman kung anong gagawin kung walang magsasabi. Hindi ba border nga lang ako? Sana man lang e sabihan ako na " Hoy, gising na. Baka gusto mo itry mag gupit ng damo. Masaya daw yun." Hindi naman lahat e katulad nyo na masipag. Kapag hindi ka nakagawa ng kahit ano sa maghapon, magiging invisible man ka na parang wala silang nakikita. Sa huli, ako pa ang lalabas na nagmamataas at nagmamatigas. Ako pa ang masama at walang kwentang tao. Yan ang natatak sa isip ko simula bata pa ko.

Yeah. Yeah. Bago pa kayo magreact, alam kong walang tama sa mga sinabi ko sa taas. Random hinagpis lang yan. Nakakalungkot lang kasi isipin na para nga lang akong border. Kelan ko nga ba huling naramdaman na naging proud sa kin ang mga tao sa paligid ko? Kelan ko nga ba huling naramdaman na sinusuportahan ako sa mga desisyon ko? Alam kong may mga times na oo pero mas lamang kasi ang hindi kaya wala ako maalala. Masusunod ang mga desisyon ko pero alam kong puro nakakunot ang noo at naglalabasan ang mga varicose veins sa binti. Ni hindi nga nila alam ang gusto ko, ang hilig ko, ang kagustuhan kong magsulat. Ni hindi nga nila alam na ako pala si Malungkutin.

Hindi ako matalino. Hindi ako gwapo. Lalong hindi rin malakas karisma ko. Pinagsakluban nga ata talaga ako ng langit at lupa. Hindi ako yung tipong magiging paborito lalo na kung may choice. Kahit nga siguro ako na lang ang option, mag ka-call a friend pa sila. Siguro nga kaya sila ganun ay dahil nadisappoint ko sila ng maraming maraming beses. Kaya ayan, kahit siguro manghingi lang ng pamasahe e pag iisipan pa ng masama.

Akala ko, pag paulit ulit mong mararanasan ang isang bagay, masasanay ka at magiging immune. Bakit naman ang lintik na ako e hindi pa rin makamove on? Katakot takot na hiya at pagdodown sa sarili ang nararanasan ko araw araw. Minsan nga gusto ko laging may mga pagtitipon, outing reunions... kasi parang nagbabalik lahat sa dati na parang importante ka. Pero makaraan lang ang ilang araw, balik na naman sa dati. Kalorkey haha.

Kapag gumagawa ako ng paraan para magkalapit lapit, hindi ko ba alam bakit laging hindi natutuloy. Mag iipon ako para mailabas sila pero pagdating ng mismong araw, aba may lakad. Nakakalungkot isipin na bakit nga ba mag eeffort pa ko e wala rin namang silbi. Bakit kelangan mong subukan na magbago e simula pa lang wala na silang tiwala sa yo. Kesa naman nga makipagaway pa ko, mas pinipili kong magkulong na lang sa kwarto. Atlis kahit pano, sa loob ng apat na sulok ng kwarto na to, nagagawa kong maging boss ng sarili kong lugar. Nagagawa kong magsulat. Nagagawa kong tumawa, umiyak, magalit ng walang sino mang manghuhusga. Sa loob ng kwartong to, nabubuhay ang mga pangarap na hindi ko kayang gawin sa labas. Dito ako ang bida. Ako ang center of attraction. Ako ang pinakamaaasahan. Saksi ang kwarto ko sa lahat ng saya, sakit, luha at kung ano ano pang pakiramdam na maaari kong maramdaman. Mabuti pa ang kwartong to. Alam nya lahat tungkol sa kin. Alam nya kung gano kahirap ang pinagdadaanan ko.

Pero ok na rin yun. Wala naman din akong magagawa. Andito na tayo e. Ganito na siguro ang guhit ng palad ko. Masaya na kong nakakapagsulat ulit. Masaya na ko na kahit papano naman, meron din pala akong ibang alam gawin bukod sa kumain at matulog. Siguro ilang panahon pa kelangan ko para ganap kong matanggap na isa lang akong hangin na hindi na dapat pinapansin. Kelangan kong tanggapin na ako si Malungkutin - sa isip, sa salita, at sa gawa

9 comments:

Anonymous said...

hi malungkutin....ng mabasa q ang blog u mlaman q n d pala aq ng-iisa

Malungkutin said...

Marami tayo. :)

Nansheeca said...

ito ba ay nakasanayan na? o naisip mo na ding ibreak ang ice??? kung hindi man sila?
pero in fairness ha, magaling kang magdala hahaha..at least may blog ka..nakakabawas ng dalahin ;)at malay mo...nababasa nila ito ;)

Malungkutin said...

Naku pag nabasa nila to at nalaman na ako, baka lalo lang magalit hahaha. Wag na langh aha

Josh Sanz said...

hi mga pinoy visit http://warm-heaven.blogspot.com for some wonderful stories. Thank you! Or click here!

Nansheeca said...

Kung willing naman sila na marinig ung side mo bakit naman magagalit? Alam mo ganyan din ako dati eh, may sarili akong dalahin pero nung iopen up ko sa family ko, nagulat ako kase pinakinggan nila ako at pinilit nilang intindihin ang pinagdadaanan ko...never ipinush ng nanay ko at mga kapatid ko na mali ako at sila ang tama..at never ko din sinabing nagkamali sila at ako ang tama..nun namin naunawaan ang isat isa...keep up this blog..never lose your identity! Naiintindihan kita...dahil minsan din akong naging ganyan!!! :)

Great Filipino Recipes said...

This is great stuff.
Nice blog

Aaron said...

ang sakit sa dibdib kpag ganyan lng lagi ang nangyayari sayo araw araw, buti nlng nahanap ko tong blog na to kea kahit papano gumaan loob ko. di lang pala ako nakakaranas ng ganito.

Anonymous said...

jmtgjpgatdt,