Thursday, August 13, 2009

Wait lang daw

Thursday, August 13, 2009
Hay pag ibig...

Sabi nila pag tinamaan ka nito, hahamakin mo ang lahat masunod ka lang. Handa kang magsakripisyo para sa taong iyon. Magagawa mo ang mga bagay na di mo nagagawa. Ang bawat pag gising mo eh parang commercial ni Marian at sasabihing "beautiful". Yung tipong kung normal lang sa taong abutin ang mga bituin sa langit eh susungkutin mo... Ganyan daw ang pag ibig.

Nagtataka naman ako bakit hindi applicable sa ken yan.

Sabi naman ng iba, mas masaya maging single. Magagawa mo lahat ng gusto mo. Makakapunta ka sa Sogo ng walang iniisip na may makakahuli sa yo bukod s ermats mo. Makakakain ka pa ng walang kahati. Ang motto nga nila eh "Single by choice" pero meron din namang "single by destiny". Tinadhana raw na maging single kahit pa gusto magkasyota.

Kung hindi dahil kay Bangs Garcia, di ka na magpapantasya.. este... mangangarap na magkaroon ng gelpren. Maiinis ka lang. Maghihintay ka. Walang dadating. Hindi mo hintayin. Talagang hindi dadating. No choice diba? Minsan talaga eh kalupit ng tadhana. Nang nagsabog ng kamalasan eh sinalo mo lahat.

Hindi naman natin kailangang hanapin talaga ang pag - ibig. Kusa sya dumarating. Kung hindi sya dumating, malas lang. Isa ka sa mga sinumpang tao na tatanda at mamamatay na binata. Ganyan lang naman talaga ang buhay, may malas may swerte. Syempre meron ding mga tanga at bobo.

Ako aminado ako na naging tanga at aso ako dati. Kala ko kasi madadaan sa paghahanap ang pag ibig eh. Kelangan ko pa ng 3 kabanata sa buhay ko para maisip ko yun. Pero naiintindihan ko kayo. Alam ko ang feeling ng nahuhumaling ng bulag. Ramdam ko kayo. Di ko kayo pababayaan. Lalaban tayo.... (eto nakukuha ko kakapanood ng tv)

Kaya sa mga naghahanap pa rin ng pag ibig jan, wag mangharas at antayin ang tamang panahon. Wag mangrape, wag maninilip. Ang pag-ibig hindi yan parang santol na basta mo na sinusungkit sa kapitbahay nyo. Magtutbras at maligo ka rin kung pwede, makakadagdag pogi points yun. At higit sa lahat....




.....wag pagpantasyahan si Bangs.
......

0 comments

Wednesday, August 5, 2009

Ang buod

Wednesday, August 5, 2009
Pagkalakas lakas ng ulan naman. Yung mamahalin kong payong ayun nilipad at nabaliktad. Grabe naman kasi. Parang hanggang ngayon eh nakikiramay pa ke Pres Cory ang panahon. Ayaw ko talaga ng ulan. Pramis. Naaalala ko lang ang kilikili kong namamasa pag umuulan

Eniweys, eto na ako. May panibagong trabaho. Panibagong pakikisama. Halos maluko ako dun sa mga koreanong bano. Mabuti naman dito e natututo ako mag ingles ng maayos. Kano eh. Ngayon ko nga lang nalalaman na.. Pota ansama pala ng accent ko. Talagang hanggang ngaun eh sinusumpa ko pa rin ang mga koreano. Kung pede nga lang ako magtayo ng org na mala - "Ako Mismo" gagawin ko. Ako mismo... Ako mismo magtatapon sa mga koreano sa Ilog Pasig.

Ano na nga ba ang nangyari sa kin sa nakalipas ng ilang buwan o taon? Si Czarina ayun loka loka pa rin. Ndi pa rin makamub on dun sa pinagpalit sa ken. Bah, yan ang napapala ng mga manhid at walang pakiramdam. Nakakausap ko pa sha paminsan minsan, pero ndi na tulad ng dati. Nawalan na ko ng amor sa kanya. Parang, ewan ko, siguro eh lumipas na lang talaga ang kung ano man naramdaman ko sa kanya. Last ko narinig eh ibebenta na raw bahay nila.

Si Jamie, ayun matagal ko nang di nakkausap. Nagkaroon kami ng di pagkakaunawaan nung huli kaming mag usap. Di ko na nga maaalala kung ano napag awayan namin eh. Basta ayun mapride ako, mapride sya. Nawala na lang bigla. Pinipm ko sya minsan kaso mukang binlock na nya ako. Sabi ba naman dati, pinagsisishan daw nya na nakilala nya ako. Ksakit sa kasin kasin nun diba? hehe. Pero kasalanan ko naman eh. Gus2 ko lang siguro madrama, ayun nasobrahan ata.

Si Jane, yun from time to time nakakausap ko pa. Oo sila pa rin nung boylet nyang taga Saudi. Tanggap ko nang ang magkaapelyido e kelanman ndi pedeng magkatuluyan. Ang huli kong balita eh nag exam ulet sya pero nung tiningnan ko ung result wala ulet pangalan nya. Kakalungkot. Nakikita ko sya online, pero di ko magawang kausapin kasi di ko alam kung pano ko sisimulan.

Suma tutal, nakamove on na ko. Ndi pala pedeng habambuhay kang magiging malungkutin. Akala ko dati, sa tuwing magiging shock absorber, bulak, aso, alila e makakahanap ako ng pag ibig. Malaking pagkakamali. Akala ko kelangan ko lang magpursige. Minsan pala kelangan mo lang maghintay, kelangan mo lang pakiramdaman na eto na, eto na yung tinadhana sa yo. Nasobrahan kasi ako sa panonood ng komersial nina Mar at Villar. Akala ko kasi e kelangan "Lalalaban tayo" at kelangan lang ng "Sipag at Tiyaga". Ndi na pala kailangan ng mundo ng mga martir, at mga martir e binabaril lang sa Luneta.

Ndi ko masisisi ang mga katulad kong malungkutin. Alam ko ang pakiramdam ng gagawin mo ang lahat para lang sa isang tao eh wala pa rin. Yung tipong kung kaya lang abutin ang buwan at araw eh ibibigay nya sa taong yun. Yung tipong kung kaya mo lang maging si Superman at gawin ang lahat lahat eh. Pero hindi. Hindi ito panaginip. Isa itong realidad na kailangan nating tanggapin. Masyado na rin akong maraming luha (oh ha), pagod, pawis, baby fats na sinayang sa loob ng maraming taon.

Alam nyo, minsan dumadating ang mga taon iyon sa mga di mo inaasahang panahon. Yung mga tipong tatalon ka na lang sa tulay eh bigla mo makikita sya. Ako nga eh handa na sanang lumaklak ng baygon nung bigla syang dumating sa buhay ko eh. Kung sino sya, sa susunod na lang na kabanata.

0 comments

Monday, July 13, 2009

Pagbabalik ni Malungkutin

Monday, July 13, 2009
Akalain nyong buhay pa pala tong blog na to? Pasensha na at matagal nawala. Halos isang taon din yun no? Yung ending nga nung huli kong kabastedan eh nalimutan ko na sa tagal. Nawalan kasi ako ng interes sa internet at sa pagbablog. Nagsasayang ako ng kuryente at utak para lamang magsulat ng mga bagay na pinagtatawanan lang sa tunay na buhay. Mga bagay na di naman kelangang mangyari e nangyayari kasi duwag lang o kaya literal na para lang may maisulat

Siguro ganun ako nung sinimulan ko magsulat neto.

Para kasing ang sarap maglabas ng sama ng loob dito sa sayber ispeys. Pati kabastedan, ang sarap isulat diba? Buti nga at nauso ang Anonymous at pen names kaya kahit papano, ndi ka mababaon ng buhay sa kahihiyan sakaling mabasa ito ng mga kakilala ko.

In peyrnes naman sa mga kakilala kong pinabasa ko neto, natuwa naman. Imbes na pagtawanan ako eh natuwa lang. Marunong daw pala ako magsulat. Haller, 7 yrs old pa lang ako, marunong na kaya ako?

So eto ang recap ng mga nangyari sa blog ko.
1. Binasted ni girl #1
2. Binasted ni girl # 2
3. Binasted ni girl #3

Di ko na nalagyan ng proper ending yung 2 huli, pasensha na. Kasi akalain nyo, sumaya na rin ako! Naisip ko nga kung tutuloy ko pa to kasi meron nang nagmahal sa ken. Ndi na ko emo. Ndi na ko naglalaslas ng pulso. Ndi na ko nagbibigti.

Gus2 ko sana baguhin ang tema neto, pero ndi ko alam kung pano. Siguro ako lang yung taong nakakapagsulat lang base sa nararamdaman. Siguro sisimulan ko sa totoong recap ng bawat isa sa kanila. Aftermath ika nga. Tapos ikwento ko na rin ung ups and downs namin ng pinakamamahal ko... kung pano ko sya nakilala at pano nya pinatulan ang bulak na katulad ko. Wag rin kalimutan ang mga sariling saloobin tungkol sa mga isyu ngaun. hehe. Amp, parang napakaseryoso ko na ngayon.

Welcome me back, sa mga dumadaan daan pa, sa mga dadaan pa at sa mga mapipilitang dumaan ulit. Cheers!

0 comments

Friday, September 5, 2008

Ang mga di alam ng mga babae sa mga lalake

Friday, September 5, 2008
1) Siguro ang mga lalake di mabubuhay yan ng walang pakikipaglandian sa ibang babae, pero bago sila matulog, siguradong ang laman ng utak nya ay ang babaeng pinakaimportante sa kanya.

2) Kaming mga lalake, mas emo pa kesa sa inaakala nyo (example - me! haha), pero kung sa isang punto eh minahal nmin ang isang babae, mas matatagalan kami maka move on kasi ang bawat segundong subukan naming lumimot ay nagbibigay lamang ng mas malaking sakit (Naubos tagalog ko dun ah)

3) Madali kaming mabaliw pag nginitian kami ng mga babae (depende sa ngingiti)

4) Minsan, gus2 naming mga lalake na kami lang ang kachikahan ng mga babaeng gus2 namin

5) Pag binigyan nyo kami ng mga pambiting mga salita tulad ng "Alam mo...hmm.. wag na lang.." siguradong mamatay kami kaiisip kung ano nga ba nagawa namin. Minsan ang konklusyong maiisip namin e mas malala pa kesa sa iniisip nyo. Makikita mo na lang na tumatawa sa isang sulok kakaisip kung ano nga ba gusto nyong sabihin.

6) Pag nagbuhos ng problema sa yo ang mga lalake, kelangan lang namin may makikinig sa min. Di nyo na kelangan pa bigyan ng mga advice chuva. Kasiraan kasi un sa pride ng mga lalake.

7) Isang hint: Kapag ang lalake ay madalas o lagi kang inaasar, isang indikasyon un na type ka nung lalakeng un.

8) MAS MALAKI ANG PAGMAMAHAL NAMIN KESA SA PAGMAMAHAL NYO!!!

9) Mahilig gumamit ng mga salitang "sexy", "chix", "witwoot" para i describe ang mga babae. Minsan lang kami gumamit ng "Ang gandah (parang si ricky reyes)" o di kaya "gorgeous". Kapag ginamit ito ng mga lalake, ibig sabhin nun eh mahal ka nun ng sobra sobra

10) Kapag may ginawang katangahan ang mga lalake sa harap ng babae, dehins nya malilimutan un ng mga 3 o 4 na araw hanggang sa muli sila magkita nung babaeng un.

11) Kapag ang lalake ay di karaniwang kalmado at tinatamad, malamang pinepeke nya lang un dahil siguradong may iniisip lang syang iba.

12) Kapag ginamit na ng lalake ang pamatay na banat na "I'm crazy for you", totoo yun. Minsan lang bumanat ng ganyan mga lalake.

13) Kapag ang isang lalake e nagsabing gus2 lang nya mapag isa, ang totoong ibig nya sabhin ay " Wag mo ako iiwan..."

14) Kapag ang lalake ay nakipag usap ng seryoso, pakinggan nyong mga babae. Minsan lang yun mangyari, at kung mangyari man, ibig sabhin, may problema talaga. (daming comma nun ah)

15) Kapag ang lalake ay tumingin sa yo ng lagpas ng isang segundo, may pagnanasa na yun sa yo hehehe.

16) Talagang iniisip ng mga lalake na ang mga babae ay "weird", "unpredictable" at talagang di mo mainitindhan ang iniisip. Pero ang mga rason na yun ang mismong nagpapalapit ng loob namin sa mga babae.

17) Ang isang lalake ay handang ibigay ang lahat lahat, mabasa lamang ang iniisip ng babae sa isang araw.

18) Walang lalakeng kayang lusutan ang lahat ng kanyang problema ng nag iisa. Mapride lang ang mga lalake at ayaw lang umamin na di nya talaga kaya.

19) NDE LAHAT NG LALAKE AY BASTOS!!
Nde porke may ISANG BASTOS, nde ibig sabhin nun eh LAHAT kami ay ganun

20) KAPAG ANG LALAKE E SINASAKRIPISYO NA ANG TULOG AT ANG LAHAT PARA LANG MAKAUSAP KA, TALAGANG TL SA YO ITO AT GUSTO KANG MAKASAMA NG MAS MADALAS

21) Kahit na ibreak mo ang isang lalake kahit ilang buwan na ang nakakalipas, at given na minahal ka nya talaga, malamang sa malamang, mahal ka pa rin nun. Kung meron mang gus2 iwish ito, yun eh ang bumalik ka sa buhay nya...

5 comments

Saturday, August 16, 2008

Ang resulta ng exam ni Jane

Saturday, August 16, 2008
Mabilis na dumaan ang araw, halos 2 buwan na rin pala ang lumipas. Pagkatapos ng mangyari ang mga bagay sa pagitan namin ni Jane, unti unti na kong nawawalan ng amor sa kanya. Tanggap ko na mas gus2 nya ung ofw nyang mejo ex at "pinsan" lamang ang lagay ko sa kanya. Baket ko naman ipipilit ulit ang di pede diba? pang ilang episode na ba to sa lablayp ko? Napansin nyo ba na halos parepareho ang tema? Kasi tanga ako... capital T A N G A... tanga...

Isang araw nagmsg si Jane sa kin sa ym.

Jane: Kamusta na pare?

Wow Pare na tawag nya sa ken. Indi na pinsan -.-

Ako: Ayus lang naman, eto ganun pa rin busy busy pa rin. Kaw kamusta na?

Jane: Ok lang din!

Humaba ang usapan namin. Parang updating ng mga nangyari sa min makalipas ang dalawang buwan. Sumbatan dito, sumbatan dun... Naisip ko nga kung ano pa sense ng pag uusap na yun. "Whatever" na lang ako.

Jane: Uu nga pala... lumabas na daw ung result nung exam namin... pede mo bang icheck para sa kin?

Syempre, makakatanggi ba ako? Isa ako sa mga excited sa resulta.

Ako: Sige sige, pm ko sa yo mamaya ang resulta

So punta agad ako dun sa tinginan ng resulta sa net. Pumunta ako dun sa mga top notcher. Bah malay mo, mataba utak ni Jane, baka nasa top notcher. Searching... Searching.... Searching.... Siguro nakatatlong balik balik ako, wala ako nakita. Siguro andun sya sa ibang mga nakapasa. Click ko ung link. Searching... searching... searching... searching... sear... nak ng teteng! Di ko mahanap ang pangalan nya! Mga 10 times ko nirefresh refresh baka kako late lang nalagay name nya. Kahit ung apelyido ko, hinanap ko na dun kasi baka un ung spelling na nailagay nya... pero wala talaga...

Eto ngaun ang problema ko... Pano ko sasabhin??? Kung ano ano inisip ko pero di ko alam sasabhin. Di ko alam kung pano ku sisimulan.... Maya maya nagpm na ulit sya

Jane: Bat ang tagal mo naman maghanap. Ano resulta?

Gumana ang aking super fast thinking!

Ako: Ah... sensya di ko pa natitingnan, dami kasi ginagawa d2 eh. Teka mag meeting lang kami ha? tingnan ko mamaya.. (sabay pindot ng away status)

Jane: Ok...

Isip ako ng isip kung pano ko sasabhin. Magsinungaling ba ako? Mag offline na lang ako? waaaa.... after 1 hr, saka ko lang napagdesisyunan na sabhin na lang na bagsak sya.

Ako: Jane...

Jane: Ow? Tapos na meeting nyo? nakita mo na?

Ako: Uu eh, nakita ko na ung resulta?

Jane: Ano resulta?

Siguro mga 5 minutes din akong di nakapagtype. Pede rin palang maging speechless sa chat! Nung napansin nya akong di nagtatype..

Jane: Bagsak ako no?...

Ako: Uu... di ko makita pangalan mo

Parang biglang naramdaman ko ung sakit nung pagkasabi ko nun..

Jane: Ganun ba? salamat ha....

Pagkatype nya nun bigla syang nag offline. Anak ng tipaklong... ang hirap naman ng lagay ko. Napagpasyahan kong puntahan sya para makausap. Hinintay ko ang 6pm at nagmadali na ko pumunta sa kanila. Pagkarating ko sa kanila, nakita ko si Jane nakaupo sa sulok... kita mo lungkot sa mata nya.

Ako: Jane... ok ka lang ba?

Parang di sya nagulat sa pagdating ko. Parang wala lang. Parang utot lang na dumaan.

Jane: Nung pagkasabi ko sa yo na icheck ung site... nakita mo na agad no? Di mo lang alam kung pano sasabhin kasi ayaw mo ko masaktan, tama ba?

Tumango lang ako, speechless na naman ako..

Jane: Alam mo pare... ang sakit sakit sa dibdib. Alam mo, nung nalaman ko na wala pangalan ko dun.. parang sasabog ang dibdib ko. Ang sakit

Ako: Ok lang un, may next time pa naman eh

Mejo tinaasan ako ng kilay ni Jane

Jane: Ayoko na... tanggap ko na nde ako matalino... na bobo ako..

Mejo nabadtrip ako sa sinabi nya. Haler! walang taong bobo! kung meron man ako yun!

Ako: Ano ka ba? bat ganyan sinasabi mo! Minalas ka lang siguro kasi ung mga inaral mo eh di lumabas. Yun lang un.. malas.

Jane: Malas ba ung 3 times sunod sunod kang bumagsak? Sabhin mo nga sa kin kung kamalasan ba tawag dun?

Nagulat ako dun. Parang bigla kong natitigan si Valentina at naging bato ako.

Ako: Pero di naman ibig sabhin nun eh bobo ka na...

Tumahimik na lang sya. Habang nakatingin sa malayo.

Jane: Nde ko na alam ang gagawin ko. Sabhin mo sa kin.. anong gagawin ko?

Bigla na lang isa isang tumulo ung mga luha nya. Nakupo... mas di ko alam ang gagawin ko waaaa. Di ko alam gagawin sa mga babaeng umiiyak. Sinubukan ko syang akapin. Bahala na kung magagalit sya o nde. Nung pagkasandal ng mukha nya sa balikat ko... Nagtuloy tuloy na ung iyak nya. Nararamdaman kong nababasa ang balikat ko sa pinaghalong luha, laway at sipon. Parang tumigil ang paligid sa ming dalawa. Parang lahat ng dumadaan eh slow motion... slow motion na lahat eh nakatitig sa min. Naisip ko nga na nde slow motion un eh. Napapatigil lang sila kasi baka kala nila pinapaiyak ko si Jane. So ayun, maya maya ay natigil na ang pag iyak nya.

Jane: Huwag mo ko iiwan ha? Salamat at and2 ka...

Ting ting ting! Mali nga pero, biglang taba puso ko.

Ako: Nde ako ang pinakamagaling mag advice. Di rin ako pinakamagaling magpaayus ng pakiramdam. Mas lalong wala akong kwentang magpasaya ng taong nalulungkot ngaun... Pero lagi ako andito. Kahit anong mangyari and2 ako.

Oh diba? parang si Piolo Pascual at Sam Milby... este Angel Locsin lang no?

Jane: No.. no.. Ang laki ng natulong mo sa kin pare. Yung and2 ka lang para maiyakan ko... malaking bagay na yun. Maraming maraming salamat talaga.

Bigla akong nakaisip ng idea.

Ako: Alam ko na, treat kita bukas! Punta tayong Trinoma. Di pa tayo nakakapunta dun diba?

Napangiti si Jane.

Jane: Ay, totoo yan? Sige punta tayo bukas dun. Maraming maraming salamat talaga pare.

Tumambay pa ko ng ilang minuto at nagpasya na ko umalis. Nagpaalam na ko at umuwi na sa min. Habang nasa byahe kinikilig pa rin ako. Parang natutuwa pa ko sa nangyayari. Pero isang bagay lang ang nasisiguro ko, kelangan ko sya mapasaya bukas para mawala na ung problema nya

1 comments

Saturday, August 9, 2008

Exam day

Saturday, August 9, 2008
Magandang alon!

Dapat last week pa ko magsusulat, pero akalain mo tinatablan pala ako ulit ng sakit. Kasi naman hiling pa ko ng hiling na magkasakit ako, ayun tinrankaso ako. Di bale, ang sexy ko ngaun, pumayat ako dahil sa sakit haha.

2 days bago mag exam si Jane, nagtext sya sa kin

Jane: Jan na nga lang ako makikitulog. Ang layo ng bahay ko sa pag eexaman ko. hehehe. Joke lang.

Sus, If I know gus2 mo lng talaga na ialok ko na sa min sya matulog. Style nya mejo bulok na

Ako: Sige ok lang dito ka na lang matulog. Mahihirapan ka pa gumising

Jane: Ok lang ba? Ok lang ba kay Alvin? Baka naman makaabala ako dun sa boarding house nyo?

Si Alvin nga pala ung kasama ko sa kwarto. Di ko pa nakakausap si Alvin, pero oo agad ako. E syempre makikitulog daw sa min eh hehehe.

Ako: Ok na un. Basta bukas, sunduin na kita jan senyo. D2 ka na matulog.

Jane: Yehey! sige salamat! salamat ng marami!

Kung di ba ako sang kalahati... si Alvin kasi mejo masungit. Pag nasa bahay un, gus2 nya sya lang kasi matutulog daw sya. Ayaw nya ng maingay o may ibang tao. Katakot takot na panunulsol ang ginawa ko mapapayag ko lang sya. Grabe daig pa namin ang mmda at motorista sa kotongan at suhulan...

Kinabukasan, sinundo ko na sya. Mga 7 na kami nakarating sa min. Nagreview sya ng mga isang oras habang ako nakahiga lang sa kama ko at nakikinig ng music. Maya maya bigla nya ko pinitik sa tenga

Jane: Tara kwentuhan muna tayo. Ngaun lang ulit tayo nagkasolo eh.

Ngumiti ako. Pero ung tenga ko... ung tenga ko... UNG TENGA KO ANG SAKIT WAAAAAA

Naupo kami sa lamesa habang nagkukuwentuhan kami. Tawa kami dito tawa dun. Ang saya saya ko nung araw na yun. Tinutulungan ko rin sya magreview review. Maya maya..

Ako: CR lang muna ako ha, wait lang ha?

Nagwiwi lang ako at nagyosi ng mga 5 mins bago pumasok. Pagpasok ko ng kwarto, ang damuha, tulog na agad. halos 5 mins lang ako nawala, tulog na agad. Grabe pala to hehe.

Habang natutulog sya, pinagmasdan ko ang mukha nya. Ang tgal kong nakatingin lang sa mukha nya. Parang anghel lang sya pag natutulog. Di mo akalaing may sungay at buntot din. Maya maya, nagpasya na rin ako matulog. Sana ngaung gabi, mapanaginipan ko sya (hahaha sumosobra na ata emo mga sinusulat ko lolz).

Kinabukasan, exam day. Hinatid ko si Jane sa sakayan ng taxi. Ayaw nya magpahatid dun sa pag eexaman nya, ayaw daw nya ng may iniisip pang ibang tao. Bweno sige. Bahala sya. Pagkaalis nya ay naligo na ko, at natulog na lang ulit. Pagkarating nya ng gabi, ayun todo kwento na naman. Kala mo di nag exam. Ok lang naman daw ung exam, di pa gano kahirap. Biniro ko pa nga na kakasabi nya ng madali, babagsak sya. Tinaasan nya ko ng kilay. Omaygulay, daig pa nya acido sa pagtunaw. Niyaya ko na lang sya kumain sa jolibee para di magalit. Ngaun ko lang sya nakasama ng mahaba haba simula ng nakilala ko sya. Ang iniisip ko lang e para sa kinabukasan. May pasok na ko bukas....

Kinabukasn part two, last day ng exam nya. Nag good bye kami at ginoodluck ko sya. Ako naman dumiretso na ko ng trabaho. Sabi ko sa kanya na hintayin nya ko makauwi para ako na maghatid sa kanya pabalik sa kanila. Pagdating ng tanghali, nagtext sya sa kin..

Jane: Uy... salamat sa pag ampon mo sa kin ha? Nagkita nga pala kami ni Tommy dito sa robinsons. Sa kanya na lang ako papahatid. Salamat ng marami!

Bigla kumulo ung giniginaw sa aircon kong dugo. Matapos ng lahat ng sakripisyong ginawa ko sa kanya, ung isang request ko lang hintayin ako para ihatid sya, binalewala lang nya. Ang sakit kaya sa bunbunan isipin non? Di ko sya nireplayan sa inis... pero sya na rin ang nagtext ulit.

Jane: bat di ka na nagreply? Galit ka ba?

Bat kaya mga babae di nag iisip? Dapat ba ako matuwa sa sinabi nya?

Ako: Kasi naman feeling ko binabalewala mo ako eh... ung mga ginagawa ko ngaun para sa yo. Sabi ko namang hintayin mo na ko at ako na maghahatid. Isang text lang sa yo nyang ex mo..

Ex nya nga pala ung Tommy. How sweet.

Mejo matagal sya sumagot, malamang nag iisip pa ng dahilan.

Jane: E kasi ang sama na rin ng pakiramdam ko, kaya nung nag alok sya umok na ko. Wag mo namang isipin na wala kang halaga sa kin... mali ung iniisip mo. Saka papahatid lang ako... Sa lahat ng dapat ko pahalagahan.. ikaw po un. Sorry kung un ung iniisip mo..

Ok. Apologies accepted. Ganun lang un. Nabola na agad ako.. Di lang ako isat kalahati..... samput kalahating one fourth.... ganun ako katanga hehe. Pero atlis naman nakauwi sya ng maayus, di nga lang sa paraan na gusto ko. Napatingin na lang ako sa langit at nagwikang "Not again" hehe

0 comments

Sunday, July 13, 2008

Ang simbahan ng Quiapo

Sunday, July 13, 2008
Weh... kamusta sa inyong lahat! hehe. Mejo matagal na naman akong di nakapagsulat... as usual, same reasons ulet. Sarap siguro maging tambay ulet... ung tipong patabaing baboy - kain, tulog, kain, tulog.... tuloy ko na lang ulet ang kwento.

Nagulat ako isang araw ng magtext sa ken si Jane.

Jane: Kinakabahan na ko... ilang days na lang at mag eexam na ko... :(

Nakasched nga pala si Jane kumuha ng nursing board exam nung June 1. Di na sya nagreview center kasi daw mahal at dati kasi kumuha na sya nun... di nga lang pinalad pumasa. E di nagreply ako...

Ako: Sus, sipag sipag mo mag aral, sure papasa ka na nyan. Saka may background ka na dun sa exam na un diba? sure na pasado ka na.

Nag antay ako ng 5 oras, pero di na sya nagreply... ang galing no?

Makalipas ang ilang oras pa ulit, mejo nakalimutan ko na sya, bigla ulit sya nag text.

Jane: Samahan mo naman ako hanapin ung pag eexaman ko sa friday...

Napa "huwaaat?" ako. Miyerkules na nung araw na yun, wala na ko oras magleave waaa...

Ako: Titingnan ko ha? baka di na ko payagang magliv eh. Bakit kasi ngaun mo lang sinabi tsk.

Jane: Ay ganun? Sige ok lang, kahit ako na lang...

E ano pa nga ba magagawa ko? Nagdrama na sya, alangan namang mag inarte rin ako. Bat ba kasi andali ko mabola.

Agad ako nagpaalam sa bossing ko para magliv. Sinabi ko na may aatendan akong kasal, abay ako. Gus2 ko na nga lang sanang sabhing ako ikakasal... ikakasal kay Jane hehehe. Pagkabasa ng bossing ko, mejo sumimangot. Di raw pede kasi wala raw akong kapalit. Kelangan daw may sumalo sa sched ko. Napa shit na lang ako... pinilit ko isa isa para saluhin ako, kaso wala talaga. Buti na lang, ung off sa friday, pumayag. Nagtatalon ang puso ko (astig no?) Agad agad ko tinext si Jane...

Ako: Ok na. Kita tayo friday samahan kita.

Wala pang 5 secs...

Jane: Ayus! Yehey!!!!

Pag ok sa kanya... ambilis magreply. Bakit kaya? (Kunot noo)

After ilang days, nagkita na kami. Dun kami nagtagpo sa taft station ng mrt. Kelangan pa namin kasi pumunta sa PRC para makita ung room nya. Napagpasyahan naming mag lrt na lang. Buti sakto, ung dumaang lrt bus eh ung bago, so malamig. So ayun, sumakay na kami at bababa kami ng carriedo. So ayun, kwentuhan kami. Malapit kami sa pinto at magkaharap kami. Tawa lang kami ng tawa. Prang ung eksena ba nung sumakay kami sa bus na walang pakialam sa mga tao. Maya maya, ayan na nagsisimula na magsikisikan. Pagdaan namin sa isang station (limots ko kung saan T_T), biglang pasok ang maraming pasahero. E ako ung malapit sa pinto sa natulak ako papunta kay Jane. Magkadikit ang katawan namin at halos magdikit na rin mukha namin. Nagkatinginan lang kami ni Jane... ung tipong biglang naparalyze kami at walang kumikilos. Tumagal un ng mga 10 secs (Badtrip... 10 seconds ng kaligayahan) at sabay lang kaming umiwas ng tingin. Nakikita ko na mejo naka letter U ung bibig nya, so siguro smile ata tawag dun? Iniisip ko ng mga oras na yun na sana tumirik ung bus para mapatagal ako sa ganung position... Teka pala, nde malaswa ang iniisip ko ha? badtrip kayo.

So ayun nakarating na kami ng Cariedo. Natapos na ang little fantasy ko. Pagbaba namin dun, nagtanungan lang kami ng "Oh san pagkatapos dito?".

Napanyay lang ako. Sige isip ako ng isip. Naalala ko sabi sa ken na kelangan ko pumunta dun sa underpass papuntang quiapo church at sumakay na lang ng jeep. Nagmagaling pa ko eh. Kumanan kami. Pagpunta namin dun aba... bat parang wala akong nakikitang quiapo church? Tinaasan ako ng kilay ni Jane.

Jane: Alam mo pala ha!

Napapunas na lang ako ng pawis. Tanghaling tapat un. Sobrang init.. huhu

So inikot namin hanggang makarating kami ulit sa ilalim ng lrt station. Hehe. Niyaya ko naman sya dun sa kabilang side. Siguro andun ung quiapo church. So lakad na kami. Napansin ko pabagal ng pabagal ang lakad namin at parami ng parami ang tao.

Ako: Ayun na ung simbahan tara!

Sinubukan ko magmadali maglakad pero ang daming tao. Dun lang ako nakakita ng literal na nagtrapik ang mga tao. Wala man lang lilom na madaanan. Si Jane pawis na pawis na rin... Siguro alam nyo na rin na mas lalo na ko. Naalala ko, friday ngaun, quiapo church day. Napa aw na lang ako. Sinuong ko na lang ang kalsada na puno ng mga nagkalat na tao. Nakahawak na sa balikat ko si Jane. Nung nasa gitna na kami ng paglalakad, hinawakan ko ang kamay nya ang dirediretso na ko ng lakad. Masagasaan na ang masasagasaan. Di ko na matiis. Parang literal na piniprito ako. Ngaun ko hinahanap ung malamig na tubig. Parang gus2 ko ng coke. Tapos kakanta ako ng "Ang sarap dito..."

Makalipas ang mga 10 mins siguro, ayun sa awa ng Diyos, nakarating na kami ng underpass... kabadtrip... Si Jane punas na ng punas ng pawis at nakuha pang ipabitbit sa kin ung dala nyan bag. Ako na raw magdala. Kasuya...

So ayun narating na rin namin ung PRC. After ko magpawis ng mga 5 timba, narating na rin. Pinapanood ko sya habang kinukuha ung room nya. Kahit sobrang pawis kami, di sya nakakasawang tingnan. Tumitingin tingin sya at nag ssmile. Lahat ng pagod ko nawawala kapag ginagawa nya yun. So after nya makuha ung room assignment at kung sang skul. Nagdecide kaming umuwi na. Pagdating namin dun sa isang parang mall na maliit na malapit sa PRC, tahimmik kaming umupo lang. Walang kibuan. Bumili lang ako ng 2 mineral water at naupo ulit.

Jane: Pagod ka?

Ano bang klaseng tanong yan? Gusto ko kutusan si Jane kaso wala na kong lakas hay....

Jane: Maraming salamat talaga sa pagsama mo sa kin dito ha? Kahit pano nakakawala ng kaba pag kasama kita.

Di ko na makuhang matuwa kasi nga pagod na ko. Bigla nya ko kinurot

Jane: Kainis naman to. Nilalambing ka na nga jan ayaw pa. Bahala ka jan.

Akmang tatayo na sana sya ng bigla kong hinawakan kamay nya.

Ako: Ok lang ako. Salamat po. Napagod lang ako kasi sobrang init kanina.

Ngumiti lang sya.

Jane: Sabi na eh. Kelangan pa kasi artehan para lang magsalita ka jan. Tara uwi na tayo, mejo gabi na rin eh.

Gus2 ko pa sana sya makasama pero tama sya, gabi na at pareho kaming pagod. May ibang araw pa naman eh. So after that tiring day, ayun hinatid ko na sya sa kanila. Nagkwentuhan pa kami ng kaunti at nagdecide na rin akong umuwi.

Ako: Sige ingats ka lagi dito ha? Gudlak din sa exam mo.

Jane: Opo! Salamat din po sa pagsama sa ken ha? Sobrang appreciated ko po. Dalaw ka ulit bukas ha?

Ngumiti lang ako. Ang pogi ko no? hahaha. Sobrang sulit ang leave ko... kahit na sobrang pagod, kahit papano nagawa kong pangitiin at patawanin si Jane.

2 comments