Friday, January 11, 2008

Christmas kasama si Czarina

Friday, January 11, 2008
abat lumipas ang pasko at bagong taon, di ako nakapagsulat. Pano ba naman ang sarap sarap kumain! Kain lng ng kain! Ang diet ko nasira lol. Delay na delay na tong isusulat ko pero ayus lang... kahit pano dumami pera ko dahil sa 13th month pay ko. Salamat sa inyo mga sinumpang koreano kahit pano natuwa ako sa inyo! hehehehe



Naalala ko tuloy nung pauwi na ko sa province namin last dec 23. Sasama daw kasi sa kin si Czarina para daw makapag unwind sya. Sa min sya magpapasko. Nagdadalawang isip ako kasi kelan lang, nagwala ung erpats nya at may dalang baril kasi inagrabyado ung pinsan ni Czarina. Pinawisan ako ng malagkit nung nagpupumilit sya sumama sa probinsya. Bata pa ko ayaw ko pa mamatayy!!! waaaaaaaa. So dumating na ung 23. Kahit pano, aminin ko man sa nde, natuwa ako kasi gus2 nya pumunta sa min. Yun nga lang may kaba kasi baka malaman ng tatay nya na sa min sya pumunta. Pasko pa naman un. Family day. Ayoko namang mamatay sa araw ng pasko. Neweyz, so ayun tinawagan ko sya.



Ako: anjan po ba si Czarina?



Ate: ah tulog pa eh



So binababa ko muna ung fone. Sabagay 9 am pa lang nun, baka tulog pa nga. Makalipas ang isang oras...



Ako: Gising na po ba si Czarina?



Ate: Ah tulog pa eh



Aba... nde ba answering machine tong sumasagot? Nde na ko nagtanong at sinabi ko na sabhin kay Czarina na tumawag ako. Makalipas ang isang oras pa ulit



Ako: Gising na po ba si Czarina?



Ate: Natutulog pa eh



Ako: Natutulog na naman???



Grabe parang commercial ng shampoo ung dialogue namin lol. Ung sa vaseline ba un? Mejo nasigawan pa ko nung ate nya kasi parang ayaw ko daw maniwala. Ok fine.



Alas dos na ng hapon ng sinubukan ko ulit tawagan si Czarina pero as usual, tulog pa rin daw. Sabi ko na nga ba nde na naman matutuloy eh. Basta nagsabi sya ng mga ganitong bagay, karaniwan nde natutuloy. Ok payn, aalis na ko. Mag eenjoy na lang ako sa province ko.



Dumating ang araw ng 24 at parang nakalimutan ko saglit si Czarina. Nung gabi, nagsimba kami kasama family ko para salubungin ung pasko. Nung matatapos na ung misa biglang may nagtext sa kin.



Czarina: Asan ka na? You left without me? T_T



Napa WTF ako. Sinabi ko na ilang ulit ako tumawag pero parang recorded voicemail ng ate nya ang sumasagot. Muntik na ko mahulog sa kinauupuan ko. The hell....



Maya maya nagtext ulit sya sa kin



Czarina: Dude, I need to get away talaga d2. Galing ako sa mga cousins ko para ayusin ung reunion namin. How do i get there?



Biglang umikot ang paningin ko. Its almost 11 pm. Ang probinsya ko, bagamat malapit, wala ka na masasakyang diretso papunta sa min. Nde 24 hours ang byahe sa min. Anak ng teteng. Bibigyan pa ko ng sakit ng ulo neto. So ayun, natuloy syang magbyahe. Paputol putol ang byahe nya. Mayat maya nagtetext ako to give her direction at kung saan sasakay. After 2 agonizing hours, dumating na sya sa tagaytay at sinundo namin ng utol ko. Asar na asar ako kasi sobrang nagwoworry ako. Pano kung may nangyari sa kanya? Cargo de conciencia ko pa? Pero nung dumating at nagkita na kami... nawala lahat ng inis ko sa kanya. Masaya ako kasi nakarating sya ng safe



Czarina: Congratulate me! nakarating ako d2 sa inyo mag isa.



Natuwa pa ang bruha. tsk



Pagdating sa bahay, aba kala mo artista kami. Lapitan agad mga magulang ako at chinika si Czarina. Kaibigan ko lang sya inay! kaibigan ko lang sya!!!!



Tatay: Kelan pa kayo?



Tinamaan naman ng magaling. nakisali pa tatay ko. Tiningnan ko si Czarina. Baka kasi nahihiya na sya. Ngumingiti lang sya pero alam ko nahihiya na sya. Nung lumayo na ung mga magulang ko, bigla nya ko tinanong



Czarina: Ngayon ka lang nakapagdala ng babae d2 sa inyo no?



Abat ang bruha.... balak pa yata tapakan na naman pagkalalake ko



Ako: E paki mo ba?



Ngumiti lang ng malaki si Czarina. Ung mga dimples nya lumalabas ang cute!!! este... tse! wag mo ko daanin sa dimple mo!



Czarina: Gosh... noche buena pala nakalimutan ko. kaya pala may mga handa kayo dito.



Ako: Kaya nga ayaw kita papuntahin d2 eh. Kasi noche buena. Di ba kayo nagkakasama sama ng family mo?



Tumahimik lang sya. Biglang nawala ung mga cute nyang dimples. Alam ko! Wrong timing tanong ko pero kasi naman eh...



Natapos na kami kumain at natulog na rin mga magulang ko. Nagdecide kami na manood muna ng dvd sa sala namin. So ayun, humiga sya sa sofa namin tapos ako nasa sahig. Pinipilit kong pigilin kung ano man ung nararamdamn ko sa kanya nung gabing yun. Pinasya ko na lang na tingnan ang mukha nya habang seryosong sersyoso sa panonood. Pagkalipas ng ilang oras, nagdecide na kami matulog.



Ako:Matulog ka ng mahimbing!



Czarina: I will thank you very much....



zzzzzzzzzzzzz....



Dece 25, Pasko. Wow ang daming pagkain. Ang dami ring inaanak T_T. Ung dala kong pera naubos dahil sa mga makukulit na mga batang ito. Si Czarina tulog na tulog pa rin. Ayun maghapon ako nagasikaso ng mga bisita, pati bisita ng kapatid ko. Para nga kong GRO, palipat lipat ng table lol. Maya maya pinagising na sa kin si Czarina. Tanghali na daw at pakainin na siya. Umakyat ako sa kwarto para gisingin sya. Nung akmang gigisingin ko na sya napatingin ako sa mukha nya... parang napakapeaceful ng mukha nya. Para syang anghel na natutulog. Kala mo wala syang problema... parang ayaw ko na syang gisingin. Parang gus2 ko na lang tingnan ung mukha nya....



Bigla kong kinalog ung kama lol! Bigla sya napatayo at parang manununtok pa



Czarina: NammmmaaaannnnnN!!!!!!



Ung angelic looks nya naging devilish look lol



Ako: Pinapagising ka na kasi tanghali na no. Kumain ka na dun.



Umupo si Czarina sa upuan at tumingin sa bintana



Czarina: Alam mo ang ganda dito. Bukod sa malamig, parang ang peaceful masyado. I want to live here



Nabilaukan ako sa sinabi nya. Parang ang dating sa kin eh gus2 nyang tumira sa min lol



Ako: Uu naman. Ang saya saya d2 talaga.



Czarina: Di ko alam bat mo pinagpalit ung buhay mo dito sa buhay mo sa manila



E sira pala to eh. Kung di ako nagmanila, di ko sya nakilala, di sya nakarating sa min. Di nya malalaman na nag eexist pala ung lugar namin.



Maya maya pa bumaba na kami para kumain. Ang sarap kumain. Yun kasi uso sa probinsya ko. Pag pasko, dapat lagi kang may handa para sa mga mamaamsko at makikikain. May kare kare (paborito namin ni Czarina), chicken afritada, lasagna weeee at kung ano ano pa. Pagkatapos namin kumain, biglang nagyaya si Czarina para gumla sa lugar namin. Nagpaalam na kami at nagsimula nang maglakad.



Ang lakas ng hangin. Grabe ang lamig. Parang gusto ko syang yakapin lol. Habang naglalakad kami, marami akong nakakasalubong na mga kakilala. Lagi nila tanong "GF mo?". Waaaaa friend ko lang to! friend lang! lol pero kilig daw ako hahahaha. Habang naglalakad kami, napansin ko ung parang bundok na lagi naming pinaglalaruan namin nung bata ako



Ako: jan kami naglalaro dati nung bata ako. Aakyat kami jan tapos sa taas nyan, may mga tanim na mga pinya at kung ano anong prutas. Ninanakaw namin dati ung mga pinya, makopa jan hehehe.



Czarina: hmm.... tara taas tayo.



Nde ko na sya napigilan at tumaas nga kami. Mula dun kita mo ung ibang mga bahay sa baba. Ang sarap ng pakiramdam bumalik ulit dun.



Czarina: Baba ka muna... please....



Napa what? ako.



Ako: Ano naman gagawin mo dito???



Czarina: Basta... please...



Wala na ko nagawa. bumaba ako mula dun at tiningnan kung ano gagawin nya. Parang may sinasabi sya na di ko maintindihan. Maya't maya nya pinupunasan ung mata nya... pero di ko marinig o mabasa ung mga sinasabi nya. Umupo sya saglit at tumingin sa langit. Napansin ko na nakatingin na sya sa akin at nagsimula ulit magsalita. Kainis..... Pagkatapos ng ilang minuto bumaba na rin sya. Nakasmile na sya at parang nde umiyak



Ako: ano ung mga sinasabi mo dun kanina sa taas?



Czarina: Sus wala un. Tara na balik na tayo sa inyo.



Nde ko na nakuhang pilitin pa kung ano man un. Atleast umayos ung hitsura nya pagkatapos nun. Nakasalubong ko bigla ung mga kababata ko dun.



Chris: Oi! kelan ka pa umuwi???? inom tayo!!!!



Grabe. Ngaun lang kami nagkita kita, inuman agad ang sabi. Di man lang mangamusta lol. In short... ayun nagsimula na ko mag inom. imagine, 2pm pa lang, mag iinom na kami lol.....



10 pm nung nagtext pinsan ko. Syet, nakalimutan ko nga pala.... Kasi tuwing christmas gumagala gala kaming lahat magpipinsan sa tagaytay. E ngaun kasi lahat kami taghirap kaya napagpasyahan naming mag inom na lang sa bahay nung isa kong pinsan. Kakatapos ko lang mag inom waaaaa..... Naligo lang ako at niyaya si Czarina papunta dun sa mga pinsan ko. Ay nasabi ko na ba na halos magkakapit bahay lang kami magpipinsan?



Pagkarating namin dun... aba nagsigawan pa. Para akong artista grabe. Ung isa kong pinsan naka mic pa at kumakanta ng pang kasal. Kaibigan ko lang sya waaaaaa



So ayun.. inuman to the max na naman. Kumanta ako ng "Ill be there for you" at inalay pa kay Czarina un lol. Lasing ako e baket ba? Dumating pa ung kaaway ko dun. Kala ko mapapaaway pa ko pero nakipag ayos lang naman pala. Pero di ako naniwala kasi usapang lasing eh. Baka mamaya nyan pag daan ko sa kanila, bigla na lang ako saksakin lol.



So ayun 3am na... Umuwi na kami ni Czarina. Lasing na rin si Czarina lol kasi di nakatanggi sa shot ng pinsan ko. Ay nasabi ko ba na may work ako ng 9am? lol From 2pm - 3am umiinom then gumising ako ng 5am para lumuwas ng manila.... Ang sarap ng feeling lol. Nung pabalik na kami ng manila, parang di kami magkakilala ni Czarina. Kanyahang tulog lol. Ung ulo ko umiikot kasi aircon sinakyan namin waaaaaa.... Hinatid ko muna si Czarina sa kanila. Panay ang pasalamat nya sa kin kasi kahit pano sumaya daw sya. Tiningnan ko ang CP ko. Almost 9 na pala kaya nagmadali ako papasok. Kahit hilong hilo pa ko dumiretso ako sa office. Pagpunta ko dumiretso naman ako sa CR para maghilamos. Ung paningin ko umiikot.... pano kaya ako makakapagtrabaho neto? Makalipas ang ilang minuto... alam nyo ang nangyari????





Bigla akong sumuka XD

0 comments

Thursday, December 20, 2007

Ang "EB" ni Malungkutin

Thursday, December 20, 2007
Magpapasko na pero bat nde ko pa rin feel? kahit d2 sa office, parang nde pasko. Ni walang dekorasyon, kahit yung maliit na parol man lang wala. Buti na lang ung desktop ko eh si santa ang nakalagay. Atleast feel ko na christmas kahit sa upuan ko man lang. Mga lecheng pagano tong mga koreano kaya walang x-mas dito. Di bale nagbigay naman sila ng 13th month so ok na yun hehehe.

So ayun medyo nakakarecover na ko pagkatapos nung pag uusap namin ni Jamie sa library. Tanggap ko na wala na talaga. Mas masaya nga kami ngaun, mejo nabalik na ung dating naming kwentuhan asaran... kaya ayun balik malungkutin ako hahaha. Si Czarina naman, mas lalo kami naging close ngayon. Madalas nga sya umiiyak sa ken pag problemado sya dun sa la wenta nyang bi ep. Ganito naman ako lagi eh. The invisible absorbing man lol

Pero matanong nyo, anong connect? Kaninong story ba to? kay Jamie o kay Czarina? Bakit bilog ang mundo? Ganito at pilitin kong pagkonektahin.

Galing nanaman sa iyak tong si Czarina. E ano pa nga bang gagawin ko diba? Absorb lang. Ayoko naman iwan sya ng ganun. Kung san san ko sya sinama. Punta dito punta dun... para lang kahit pano makalimot naman sya. Nung minsan nga sinama ko sya sa Coffee Bean, aba'y humagulgol ng iyak at sabay yakap sa ken. Nyak! Ang daming nakatingin sa kin. Pati ung gwardya nakatingin. Mejo hawak na nya ung batuta nya kaya bigla akong natakot.

Ako: Ui timigil ka nga jan. waaaa baka magulpi ako d2.

Tumigil naman sya so ayun... hay lalo ko tuloy nde sya mawan

Isang araw naglakad lakad ako sa may park at naupo dun sa swing na lagi kong pinupuntahan. Papalipas ako ng oras kasi magkikita kami mamaya ni Czarina. Maya maya ng biglang may tumapik sa likod ko.

Jamie: YO! kamusta ka na? Tagal nating di nagkita ah?

Mejo tinaasan ko sya ng kilay. Sasabhin ko sana "E pano binasted mo ko" hahaha. Pero di na...

Ako: yo! musta? uu nga eh tagal tagal na rin.

Umupo sya sa swing at usap usap kami konti. Catch lang ba. Yung lablayp nya daw may regalo sa kaniya. Wow naman hehehe.

Jamie: Ay gus2 mo tagpuin natin si Mylene mamaya? punta tayo megamall mamaya?

Biglang nag "toinks" ako sa utak ko. Hmm... kita kita ba? parang eb? Bigla kong naalala magkiktia nga pala kami ni Czarina mamaya kaya bigla akong napaisip...

Jamie: Oi nakatulog ka na ata jan

Ako:*Mejo punas laway* Nde ah. Di ko sure. Pero basta punta nalang siguro ako dun.

Jamie: Naman. Ang arte arte mo pa naman. Tara naaaa

Nagsawa sa kakakulit sa kin si Jamie kaya umalis na lang. Para tuloy akong naipit sa gitna neto. Baka pag sumama ako kay Czarina, magalit naman sina Jamie sa ken. Pag sumama ako kina Jamie, baka naman magalit si Cza. Ang pogi ko no? hahahaha. sus.....

Maya maya dumating na si Czarina. Gloomy na naman. Para sya ung mga bata na nakikita ko na may bangs bangs tapos sadsad ung buhok sa likod. Mga emo kids tawag sa kanila. Mga konting drama lang eh maglalaslas na agad. Ganun hitsura nya hay...

Ako: wag ka nga gloomy jan. Nakakainis mukha mo eh.

Ngumiti lang si Cza, tapos umupo sa swing.

Czarina: Samahan mo na lang ako kumuha ng sweldo ko dun sa company ko mamaya ha? tapos punta tayo megamall

Biglang nag "ting ting!" ung nasa utak ko. Tamang tama! Yayain ko sya sumama sa kin dun tapos tagpuin namin sina Jamie at Mylene! tama! olrayt!

Ako: Sige sige tamang tama! Papakilala ko sayo sina Jamie at Mylene. Makukulit ung mga yun sigurado sasaya ka kahit saglit.

Czarina: i'll go anywhere tlaga. Sige lets meet them. Excited na rin ako mameet ung Jamie mo

Ako: Waaaaa.....

Nagwaaa ako pero kinilig naman ako hahaha. Joke lang.

Tinext ko na si jamie at sinabi kong tuloy na kami. Sinabi ko sa kanya na may papakilala ako sa kanya. E ang corny nya, nahulaan nya agad. Si Czarina kasama ko. Ang corny nya kahit kelan. Di man lang nagpanggap na di nya alam grrr...

So ayun, after a few hours, Nagdecide na kami magbus ni Czarina papuntang ortigas, dun sa office nila. Nung nasa bus kami, hiniram nya ung book na dala ko... ung "Bakit baliktad magbasa ang mga Pilipino?" ni Bob Ong (O ayan free plugging yan ah hehehe). Almost the time na nagbyahe kami, basa lang sya ng basa hehehe. Ako natulog lang. parang 4 days na ko di natutulog.

Maya maya dumating na kami dun sa office nila. Sabi sa kin ni Czarina, wait ko lang daw sya. E ako naman masunuring bata, so wait ako sa baba. Umupo ako dun sa may parang upuan pero nde (LOL! di ko alam tawag dun eh) basta umupo ako dun. Naglight ako ng yosi kasi nga mejo matagal na sya. Nakita ko pa ung mga nangangaroling na mga bata dun sa mga gwardya, binigyan ng mga barya nung mga gwardya! kaya dun saludo ako sa kanila hehehe. Maya maya nagyosi ulit ako. Takte naman tong si Cza, bakit kaya ang tagal nya? Nagsindi na naman ako ng yosi. Grabe. Ung mga gwardya kakuwentuhan ko na. Pede na nga ako mag apply dun eh. Maya maya, lumabas na si Czarina. Sorry ng sorry.

Czarina: Naubos mo ung dala mong cigarettes no?

Napangiti na lang ako. lol. Di ko alam kung nang aasar ba sya o concerned.

Czarina: Hinihintay ko pa kasi ung isang boss. Wait me a little longer ha? sorry talaga....

Napa oo na lang ako... yeah right. Kelangan mo ko libre maya hmp!

Maya maya nakareceive ako text galing kay Jamie. Tinatanong nya kung tuloy pa ba daw?

Ako: *textingt* Uu 3..backspace...2lox...backspace...2loy tat...erase...tau! papunta na jame....erase... kame! May dinaanan lang kami ni Byrina... ERASE!!!!.... Czarina

Bigla akong nainis sa cp ko. Ano bat pamali mali text ko. Sinabayan pa ng pag tunog ng toot toot na nagsasabing lowbat na ko.

Jamie: *reply* Sige. andun na daw si Mylene. Kita kits na lang daw sa french baker.

Di ko na nakuhang magreply kasi namatay na phone ko. ke malas malas naman.

So ayun, Bigla akong napabili ng yosi pa. Grabe ang lakas ko na ulit manigarilyo lol. Ayaw ko kasi ng naghihintay ng walang kasama. WAla akong mapaglibangan. After siguro mga 15 minutes, ayun lumabas na sya.

Czarina: Grrr.... wala akong nakuha ngaun di pa raw mabibigay! damn! im soo poor ryt now

Well alam ko namang poor sya ngaun lol. Ako rin malapit na maging poor pag nagkataon lol.

Czarina: Your going to meet your friends right? tara na lets go.

Ako: abay kanina pa nga dapat eh. nagihihntay na sila dun.

Sumakay kami ng fx papuntang megamall. Grabe, biglang emoticons na naman si Czarina. Hinawakan ko kamay nya sabay sabing "akoy nandirito lang para sa yo" TOINKS! joke lang.

Ako: Wag ka na nga jan pagloomy effect magsasaya tayo mamaya

Ngumiti lang sya. Ngiting orocan. Grabe ang bata bata pa kung ano ano na iniiisp. Kala mo pasan nya daigidig

Pagkatapos ng ilang minuto pa, dumating na kami sa megamall. Nagkamali pa nga ako ng punta kasi 2 ung french baker dun. As usual, para na namang akong fountain sa pawis hihihihi. Maya maya bigla kong napansin si Mylene... si MYLENE!!!!

Ako: OI! Kamusta! pasensya ang tagal namin. Eto kasi pumunta pa sa office. Kanina ka pa?

Mylene: OO kanina pa! ang tagal nyo kaya? Ay sino sya?

Ako: Ay, sya nga pala si Czarina. Czarina si Mylene

Mylene: Czarina as in Czarina???

Czarina: Bakit po? grrr kinukuwento mo ko sa kanila??? waaaaaaa

Napakamot ako bigla sa ulo. Lol. E alam na ni Mylene ang karamihan sa emoticons ko, so malamang alam rin nya ung tungkol kay Czarina

Ako: er.... tara na, san mo gus2 kumain?

Si Czarina parang bata lang at naglalaro laro pa dun lol. Tinuturo nya sa kin ung may carousel na pambata. Gus2 daw nya sumakay dun. Lol. Napakamot ulo na lang ako.

Mylene: Hintayin na natin si Leah at si John.

Ako: Talaga? Kasama sila? ayus!

Sila Leah at John nga pala e mga naging friends ko sa swing sa may park.

After a few kulitan namin ni Mylene dumating na sila.

Leah: Ui and2 ka pala! parang naging eb na talaga to!

Si John tahimik lang. kumamay lang hehehe.

Kwentuhan kami saglit at nakalimutan ko na si Czarina lol

Mylene: hay naku nde mo man lang pinakilala kasama mo!

Bigla akong napahiya dun lol. Si Czarina tinaasan pa ko ng kilay hehehe. So ayun nagpakilala sila at nagdesisyon na kami kumain. nagtuturuan pa kami kung san kakain bigla kong sinabi "KFC na lang", bigla silang nagsi oo. Natawa nga si Czarina

Czarina: Kanina lang ayaw mamili, pro isang word lang uu na gad hehe.

Ako: Anong oras pala dadating sina Jamie? Sya tong yaya ng yaya pero sya wala.

mylene: Hay naku, nandun pa daw sila sa lola nya sa paranaque.

Ako: Mabuti pa kumain na lng tayo hintayin na lang naten.

So ayun, nagdecide na kaming kumain. ang haba ng pila sa KFC at ang init pa. Buti na lang ung nakuha namin mejo malamig. umorder na sina Leah, Mylene at John samantalang kami e umupo na sa lamesa. Si Czarina, nagbasa ulit nung libro na "Bakit baliktad magbasa ang mga Pilipino" (Second plugging na to ha lol). Lagi nya pinapabasa sa kin ung mga nakakatawang lines dun. empre kahit di ko magets ung iba, tawa na lang kesa magalet pa sa ken hehe.

After a few more minutes, ayan pede na kumain. Kain d2 kain dun. picture dito picture dun. wento dito wento dun. Catch things up. Si Leah kinain ung free na dessert dun. Nde ko maintindihan bat nasarapan sila dun. E ako di nasarapan talaga dun. Nasuka pa nga ako. Si John naman tahimik lang na kumakain dun. Si Mylene, ayun wento ever lol. Ako, pampam lang ako talaga. hehehehe. Si Czarina naman iniinterview si Leah lol.

Leah: Para naman ako netong mag aaply sa work hahahaha!

Ang cute tuawa ni Leah. parang bata lang hehehe. Mejo naiinip na kami sa tagal ni Jamie tsk.

Mylene: Ang tagal naman ni Jamie. anong oras na? magsasara na tong mall.

Leah: Natraffic lang un

John: UU nga

nagulat ako at nag uu nga si John ehehe. Peace bro

Panay ang tingin ko kay Czarina para icheck kung ok lang sya. Baka kasi na oout of place na sya kasi nga naman, di naman nya kilala ung mga kasama ko.

Ako: Ok ka lang ba?

Czarina: Yah, Im fine *sabay smile ng plastik hehe*

Afte 1 hour ata, ayun dumating na rin si Jamie, kasama si May.

Mylene: Jamie!!!!!! May!!!!!!!

Napatingin ako kay Jamie. Wala nang bitterness sa min. Pareho kami nag smile. Saglit kong iniwan si Czarina para sabayan bumili ng pagkain si Jamie.

Ako: Kamusta naman byahe nyo?

Jamie: Ayus lang naman. Eto mejo pagod. ang layo ng byahe namin.

Ako: Ganun ba... ako na sasagot ng akakainin nyo ha?

Jamie: Ay naku nagjojoke lang ako no! Wag na

E mapilit ako, ayun napilitan syang kunin ung pera ko. Tinanong nya kung may no 2 pa. Sabi nung crew wala na raw rice. Lol ang malas naman nya hahaha. E pano almost 10 na nun, So napilitan syang ibili na lang ng spag si May.

Jamie: Sorry daw, wala silang barya sa 500 mo.

Ako naman, si tanga tinanggap ko. maya maya parang biglang nag kick in sa utak ko. Kelan nawalan ng barya ang mga fast food chain???? omaygas

Ako: naisahan mo ko dun ha!

Tumawa lang ng tumawa si Jamie. So ayun, umupo na kami sa lamesa. Kwentuhan ulit. Si May ang kulit, ang daming wento. Nde ko lang masulat dito kasi english. lol.

Maya maya nagdecide kami na magstay na lang muna kina Mylene para mag inom. So ayun lumabas na kami. Si Czarina napakagloomy.... naiinis na ko lol.

Ako: Ui... umayos ka naman. Wag ka ganyan

Czarina: Im smiling naman po ha?

Ako: E plastik ngitimo eh

Ngumiti lang ulit sya sabay lakad. Para syang wala sa sarili. Nakakahiya nga sa mga un, isipin nila KJ kasama ko hehehe. Mejo malayo ang nilakad namin. Para na naman akong fountain. kakainis nga tong sweat glands na to. Abnormal talaga ako. Maya maya, sumakay na kami papunta kina Mylene. Mga 3 trycle kami kasi di kasya sa isa. Pagbaba namin sa tapat ng bahay nina Mylene, nakatingin sa min ung mga tambay dun na nag aala- blackdyak at salbakuta dun. Mga pinoy rap ba? hehehe. Ayoko na titigan sila, sumasakit lang mata ko kakatingin sa kanila hehehe. Naupo na kami isa isa sa bahay nina Mylene. Andun din ung bi ep ni Mylene na si Albert kaya mas dumami kami.

As olweys, kwento kami ng kwento. Sina Jamie, pinakain muna ni Mylene kasi di pa sya kumain eh. Bumili ng manok si Mylene para ulam at pulutan na rin. Si May bibang biba habang umiinom kami. Inglesera pa. Dumudugo ilong namin habang nagsasalita sya hehehe. Nagkaroon din ng joke time moments! Ang daming jokes ni May! Sa dinami daming jokes na un, wala kami naintindihan hahahaha.

Leah: anong connect? anong connect? hahahahaha

John: uu nga

Nagsalita ulit si John habang nag aaasemble ng pc. Nagulat ulit ako hehehe. Pis bro

Sinubukan kong magjoke. Kaso wala akong maisip na english joke. Sinabi ko na, dapat tinatabi ko ung mga emails na sinesend sa kin dati eh. hehehe. Bigla akong may naisip na english na joke.

Ako: What do call a fish that bounces? e di fishball

Nagtawanan sila lahat. Pero ung tawa nila nakakainis lol. Si Czarina napilitan na rin tumawa sa sobrang kakornihan. Si Jamie naman nagtakip lang ng mukha. lol. Salamat ha? mga tse kayo.

May: I have a joke, but only 1 joke. My joke meter is really low right now...

Nde ko na naintindinhan ang joke kasi dumudugo na ilong ko. At wala talagang kakonek konek lol. Pero aliw talaga si May

Albert: Sisikat yang bata na yan paglaki

Ako: Uu nga

John: uu nga

Nagsalita ulit si john habang nagkukumpune ng pc. joke lang talaga bro lol

Tumingin ako kay Czarina. Mejo lumulungkot na naman. Napansin siguro ni Mylene un kaya...

Mylene: Czarina ui baka naboboring ka na ha? inom ka lang jan weeeee

Czarina: Ok lang ako ^_^. Malungkot lang dahil sa lablayp

Tumabi sa kin si Czarina. Tapos ayun niwento ung lablayp nya. katabi nya si Jamie habang nagwewento. Nagpasya akong lumabas muna para magyosi para naman mapayuhan si Czarina. Girl talk ika nga. Sina may, Mylene, Leah at John umakyat muna sa taas kasi tetestingin nila ung pc. So naiwan si Czarina at si jamie sa baba at nagusap. Nde ko na narinig ung pinag usapan nila pero mukhang seryoso naman. Napagdaanan na ni Jamie un so sana naman pumasok kahit konti sa utak ni Czarina un. Di ko na rin tinanong kung ano napag usapan nila. Di naman ako girl lol.

Maya maya nagyaya na si Mylene umakyat. Di na namin naubos ung iniinom namin. almost 4 days din ako walang tulog kaya siguro umepekto agad. Nagkwekwentuhan pa kami sa taas. Si May ang kulit pa rin. Si Jamie oo lang ng oo kay May. Si Czarina ayun tulog na tulog na. Si Albert tulog na rin, kasi may work pa ata. Si Mylene mejo tulog na rin. Si John natulog na rin kasi may work sya ng 6 am. Si Leah naman ayun, tinetesting ung pc. Humiga ako sa gitna ni Czarina at ni May at Jamie. Biruin mo, dalawa sa pinaka importanteng tao sa buhay ko katabi ko matulog hehehe. Nagkwentuhan pa kami ni Jamie at May ng mayamaya biglang nagtatawanan na sila. Nawalan na pala ako ng malay

May: He's snoring ma! hahaha

Jamie: hahahahaha

Takte. Eto na nga ba ayaw ko kaya ayaw ko matulog eh. waaaa. Tinatapakan na naman nila pagkatao ko lol. Tumawa lang ako at nilaro si May na kunwari nananakot gamit ang hilik.

Jamie: Nakakatakot naman talaga hilik mo eh

OO na. Tse. Nakakatakot na. E ano magagawa ko? nde ako makagalit kasi totoo. Alam ko tumatawa rin ung iba, nahihiya na lang siguro. Pero talagang nakakahiya hahahaha

So ayun nagwentuhan na lang kami ni Jamie, sinubukan ko talagang magising para di mag ingay pero guess what.... bigla akong nagising sa alarm clock. Syet nakatulog ako. Pagtingin ko kay Jamie, Nakatingin pa rin sa kin at tumatawa.

Jamie: DI kami nakatulog sa lakas mo maghilik!

ow siyett. Ang pride ko naubos na talaga hahahaha. Si Czarina nasa bandang baba ko na, nde ko malaman kung dahil ba nabingi sya sa hilik ko o dahil nadaganan ko ba sya? dali dali ko ginising si Czarina dahil kelangan na naming umuwi. May pasok pa ko ng 9.... 7 naaaa waaaaaaaaaa.

So ayun nagpaalam na ko kay Mylene na uuwi na kami. Umakyat muna ako sa taas para magpaalam kay Jamie. Si Leah at Albert tulog pa, at si Jhon naman nakaalis na. So ayun sakay na kami ni Czarina pauwi.

Habang nasa byahe naaalala ko pa rin ung panlalait na ginawa sa ken hehehe. Pero ayus lang. Isa un sa pinakamasayang araw sa buhay ko. Laitin na nila ako hanggat gus2 nila, pero atleast naging masaya naman kami lahat. Hopefully, maraming natutunan si Czarina nun kasi gus2 ko na sya umayos. Bigla akong napatingin sa relo ko. Syet lateness na ko. waaaaaaaaa

Kaya ayun....

Napilitan akong pumasok sa office ng nde naliligo lolzzzzz....

0 comments

Friday, November 30, 2007

Ang pagtatapat sa library

Friday, November 30, 2007
Mahigit isang linggo na ng huli kong nakita si Jamie. Siguro nga ganun na lang talaga un. Kiningailangan nya ng comfort, so binigay ko naman un sa kanya. Nde na rin ako nagagawi sa park... sa swing. Simula nung matapos ung bakasyon ko, tambak ang mga trabaho. Balik alila na naman ako sa mga koreano. Malapit ko na talaga iboycott ang jamppong.

Walang araw na nde ko sya inisip. Kainis naman. Mejo apektado ako pero di ko alam kung bakit. Acquintance lang kami. Siguro pareho lang kami natuwa sa paglalaro ng larong yon kaya nagkasundo kami. Mejo tumigil na ko sa pagbili ng crossword. Wala na yatang silbi pa. Araw araw akong dumadaan sa park na yon at umuupo sa swing. Nagbabakasakali ako na makita ko sya at magtapat na rin. Pero sa loob ng isang lingo, ni bakas nya di ko makita. Yung school ni May nde ko na naaabutang bukas kasi nga nasa trabaho ako. Kainis talaga...

Isang araw nagpasya akong maglakad na lang pauwi. Mejo nawala na sa isip ko si Jamie dahil mejo natanggap ko na. Sakto napadaan ako sa isang library malapit sa min. Kahit ganito hitsura ko, mahilig din naman ako magbasa. Nagtataka lang ako, bigla kong nagustuhan magpunta sa library. E ang binabasa ko lang naman eh FHM at Maxim. Habang naghhanap ako ng magandang fiction books, parang may napansin akong babae na nagbabasa sa isa sa mga tables dun. Napa "shit" ako. Si Jamie! Tumayo ako sa likod nya.

Ako: Bakit bigla kang nawala? bakit ni nde mo man sinabi sa kin na wala ka nang balak makipagkita?

Mejo nagulat si Jamie. Napahagis ung crossword na sinasagutan nya. Grabe naglalaro pa rin pala sya nun?

Jamie: Pasensya na... kasi meron akong mga problema ngaun. Nahihirapan ako ngaun. Ayaw ko naman mag alala ka at ayaw ko na rin na pati ikaw e mamoblema sa problema ko.

Ako: E handa naman ako makinig sus. Alam mo namang and2 lang ako para sa yo eh. E ano ba problema mo?

Jamie: Alam ko alam mo na yung tungkol kay William. Kasi nakita ko ung reaksyon mo nung nasulat ko ung name na yun. Nabanggit din sa kin ni Mylene nung pagkatapos nyo mag usap. Andun ako... kaya lang nde na ko lumapit. Balak ko na rin sabhin sa yo.

Sumisikip dibdib ko lol. Nde pa nga ko nagtatapat basted na hehehe T_T

Jamie: Si William kasi... siya ang nagpasaya ulit sa kin dati nung nalulungkot ako. Naging masaya ung mga time na kasama ko sya. Alam mo kung ano rin ang libangan namin nun? Ang paglalaro nitong... crossword puzzle...

Unti unti ko nang naiintindihan... kung bakit naging malapit s ya sa kin...

Jamie: Dati bibili pa kami ng dyaryo ni Will tapos sasagutan namin pareho. Sa mga simpleng bagay, napapasaya nya ko. Basta kumpleto araw ko pag nakakasama ko sya. Pero isang araw, bigla sya nagpaalam sa kin na pupunta sya ng ibang bansa. Kelangan nya daw muna ayusin ang buhay nya... kung sakali daw magkakatuluyan kami, wala daw mangyayari.

Nde ako makapgsalita. Yung mga words parang naipon lahat sa lalamunan ko.

Jamie: Sinubukan kong pigilan sya pero nung nagsimula na sya magsalita, nde ko na nagawa pang kumontra. Ayaw ko kasi ng diskusyon. Basta naisip ko na lang na makuntento na lang kung anong patutunguhan ng relasyon namin. Alam mo sabi nya sa kin "Mag ingat ka d2. Ingat ka sa mga manloloko d2 ha? Basta ikaw lang ang nandito *turo sa dibdib*".

Nde ko alam kung matatawa ako o maiiyak ako. Ang gandang coincidence neto....

Jamie: Nung nakilala kita, kala ko magiging ayos na ang lahat. Kasi nagagawa mo kong pasayahin. Mejo nakakalimutan ko na nga sya eh. Pero isang araw bigla syang tumawag sa kin. Biglang bumalik ang lahat ng nararamdaman ko sa kanya. Dun ko naisip na umiwas sa yo. Kasi nagiging malapit ka na sa kin, ayaw ko namang lokohin ka at paasahin... don't get me wrong pero i really like you a lot. Siguro nga may feelings ako sa yo, pero nde ko talaga alam. Mahal ko pa rin talaga si Will

Tsuk! Tsuk! tsuk! alam ko na kung bakit. Nabanggit siguro ni Mylene na balak ko sya ligawan. wow. Sarap pakinggan ng mga bagay na to. hahaha. nababaliw na ata ako

Jamie: Ngaun kuntento na kami sa ganitong setup. Long Distance love affair nga daw tawag nila. Naalala mo nung sinabi ko sa yo na lalapitan kita dati pero kausap mo si Mylene?

Ako: yep

Jamie: Kasi balak ko sabhin ito agad lahat sa yo. Ayaw ko rin kasi mawala ka. Parte ka na ng buhay ko. Sabhin na nating napakaselfish ko, pero ganun talaga... sorry talaga

Bumuntung hininga ako. Kainis. Buti na lang, manhid na ako ng kaunti kaya konting kirot na lang. Mga 200 saksak ng icepick lang ung katumbas na sakit.

Ako: Basted na pala agad talaga ako hahaha. Oh well...

Jamie: Nabanggit kasi sa kin ni Mylene na... un nga...

Ako: Bweno sanay naman ako maging shock absorber eh. Alam mo naman ung kwento ko kay Czarina diba? Siguro magiging shock absorber mo na lang ako.

Jamie: Naman eh. Wag ka namang ganyan

Ako: Sus ayus lang ako. Nde naman ako mawawala and2 lang naman ako naghihintay sa yo eh. Oh pano, kelangan ko na umalis maaga pa ung pasok ko bukas eh. Usap na lang tayo bukas

Jamie: Ok. Ingats pauwi

Lumabas na ko mula sa library. At nagsimula maglakad pauwi. Napadaan ako sa may park. Nagpasya akong umupo muna sa swing. Nde ko mapaliwanag ang nararamdaman ko. Parang pinipiga ang puso ko. Kasabay ng kalugmukan ko ang paglakas ng hangin. Ung mga basura nagliliparan sa mukha ko kaya nagpasya na ko tumayo at umuwi na lang. Nag napadaan ako sa mga puno ng mangga, sunod sunod na pagbagsak ng mga dahon nito. Ang drama ng setting no? Bigla kong natanong sa sarili ko, bakit nga ba kung sino pa ung nagmamahal, sya pa ang nde makuhang mahalin? Bakit kung sino pa ung handang tumayo sa tabi mo, sya pang binabale wala? Nde ko talaga makuha ung logic ng ganun. Kibit balikat na lang akong naglakad pauwi. Nadaanan ko rin ung shop na nilalaruan ko pero wala na kong gana maglaro. Gus2 ko na lang umuwi. Sigurado namang bukas, ok na ulit ako. Sigurado naman akong mabubuhay pa rin ako bukas...

0 comments

Wednesday, November 28, 2007

Ang usapan ni Malungkutin at Mylene

Wednesday, November 28, 2007
Pumunta ako sa may swing kinabukasan. Hinanap ko si Jamie pero nde ko sya nakita. Tiningnan ko sa ilalim ng mga mesa dun pero di ko makita. Tiningnan ko rin ung cr dun baka nagtatago lang. Muntik na ko masuka pagbukas ko ng cr. May unidentified floating object sa bowl yuck. Inikot ko ung park pero wala sya. Naupo ako sa swing para magpahinga. Bakit ngaun pa sya nawala kung kelan last day na ng bakasyon ko. Gusto ko pa naman sana maglaro ng crossword kasama sya. Bweno parang ako na lang magsasagot mag isa ngaun, so naupo ako sa isa sa mga mesa dun

Ako: Hmmm... ano nga ba ito? eto na eto na, di pa makita....

Kumamot ako ng ulo. 6 letters pero four letters lang naiisip ko. Sinulat ko na lang

Ako: U-T-O-T-S-S... hmmm

Napakamot ako sa ibang mga tanong. Bat parang wala ako sa focus maglaro. Sabagay pag kasama ko si Jamie naiinis ako kasi di ko matalo. Pero ngaun naman di ko sya kasama, parang may kulang lagi

Naghintay ako hanggang sa inabot na ko ng 6 pm. Nde na sya dumating... Siguro marami syang ginagawa sa bahay nila. Pero come to think about it, bakit nde ko alam kung san sya nakatira? waaaaaaa

Naglkad na lang ako pauwi. Hawak ko sa isang kamay ung nilukot kong crossword puzzle. Naiinis ako kasi nde pala utots ang sagot dun kundi hangin. Pero nalulungkot ako kasi wala si Jamie ngaun sa swing.... parang kulang ang araw ko... parang nde ako sanay ng wala akong kabiruan sa may park... Hay napakagloomy ko. Nakasalubong ko pa ung isang kabarkada ko. Umiwas na lang ako ng daan kasi baka masuntok ko pa mukha nun hay...

Napadaan ako sa may tindahan ni aling rufina. Bumili ako ng sakto at isang chippy. Napamura ako ng di inaasahan. Takte, ang kunat nung chippy. Napagalitan pa ko ni aling Rufina kasi bat daw ako nagmumura. Di ko naman masabi na makunat ung binili kong chippy sa kanya. Hahampasin pa ko nun ng walis tingting nya...

Pagtingin ko dun banda sa may park parang may nakita akong babae na papunta dun na kahawig ni Jamie. Tinapon ko na ung makunat na chippy at inubos ung sakto sa isang lagok at nagmadali ako pumunta sa park. Nung paghawak ko sa likod at pagharap nya, napa "shit" ako sa loob loob ko... omg anak ni janice! este... basta... nde si Jamie ung babae. Badtrip... bakit ako napaparanoid ng ganito? Galit kaya sya sa kin? ano kaya ginawa ko? Nagalit ba sya dahil nde ko binawi ung siningahan nyang panyo ko? Isip ako ng isip ng dahilan kung bakit di ko sya nakita ngaun ng biglang may bumatok sa kin..

Mylene: Oi! ano ginagawa mo d2? gabi na ha?

Ako: Aray ko namaN! pati ba ikaw....

Mylene: anong pati ako?

Kasi lahat ng babae niruruyakan ang pagkalalake... pati ba naman sya waaaa

Ako: wala

Puwesto sya sa harap ko at nagpatawa.

Mylene: Di mo siguro nakasama si Jamie no kaya ganyan ka?

Hmm... transparent pa rin ako hanggang ngaun. Madali pa rin malaman kung ano iniisip ko.

Ako: Kasi di ko sya nakita maghapon eh parang may kulang pag di ko sya nakakausap. iniisip ko tuloy kung galit sya sa kin...

Mylene: hahaha ayan ka na naman sa mga emoticons mo. Sus, baka naman busy lang un. Ang alam ko exams week ngaun ni May, so baka tinututukan lang nya yung kapatid nya.

Ako: Nyak! alam mong kapatid nya si May?

Napakamot ng ulo si Mylene

Mylene: Syempre naman. Mas nauna ko ata sya nakilala kesa sa yo no! Pero konti lang sinasabihan nya ng sikreto nya. Pasalamat ka at nishare nya un sa yo. Atleast may tiwala na sya sa yo.

Ok. That makes sense...

Ako: Sabagay...

Mylene: Tapatin mo nga ko... naiinlab ka na sa kaibigan ko no??? Aminin!!!!!!

Bigla akong napatayo. Waaa parang senyales tuloy ng pag amin

Ako: nde ah! almost 1 week pa lang kami nag uusap. Nde totoo ang lab at pers sayt no! love in first week pala sa case namin

Binatukan ulit ako ni Mylene.

Mylene: Sus, lagi kayong nakikita no! Di ko na lang kayo tinatawag kasi masyado kayong bc sa paglalaro ng puzzle nyo. Lagi ka rin nakatitig. Sus sa kin ka pa magtatago eh malakas radar ko.

Naupo ako sa swing at nag swing dahan dahan

Ako: Mali ba ung nararamdaman ko?

Mylene: Sus. Kung mahal mo naman talaga ung isang tao, bat mo pipigilan sarili mo? Go ka lang. Di bale, boto naman ako sa yo eh. Saka may plus ka na, kasi ikaw ang visible ngaun sa lahat ng manliligaw nya. ikaw lagi nya nakakasama

Napa Awww ako... nde ko rin napansin. Masyado syang maganda para walang manligaw... mahihirapan pala ako neto T___T. Mangyayari na naman ata ung nangyari kay Czarina... Bigla akong may naalala nung nagsasagot kami ng crossword ni Jamie.

Mylene: O bat ka nalungkot jan?

Tumigil ako sa pag sswing...

Ako: Kasi nung isang araw nung nagsasagot kami ng crossword puzzle, napansin kong may sinusulat syang pangalan dun sa puzzle... William ata

Biglang natahimik ng saglit si Mylene. Maya maya, biglang tumawa si Mylene

Mylene: Sus, wag mo sabhing sumusuko ka kagad nyan? sabi ko nga diba, may plus ka na! Saka sabi ko nga sa yo, ipaglaban mo diba? Nde yung nagmumukmok ka jan sa tabi

Ngumiti ako sa mga sinabi nya. Abah ang maingay na babaeng tulad nya, may mga emo moments din pala to.

Mylene: Oh bat ka nangingiti jan?

Ako: E kasi malay ko ba ikaw ang magpapagaan ng loob ko? Sa dinami daming taong magbibigay lakas loob sa ken, kaw pa tong nagbigay ng advice sa ken lololol. Di bagay sa yo.

Mylene: Tse!!!!!!! Bhala ka jan, bastedin ka sana. Ayaw ko na sa yo bahala ka jan

Abat nagwalk out ang bruha hahaha.

Nde nawala sa isip ko ung pangalan na sinulat ni Jamie. William... Ngaun lang nagsink in sa kin un pagkatapos banggitin ni Mylene na maraming nanliligaw sa kanya. Kelangan ko malaman ung tungkol kay William. Ayaw ko mapraning kakaisip d2.

0 comments

Monday, November 26, 2007

Ang swing

Monday, November 26, 2007
Naulit ng naulit ang pag uusap namin ni Jamie. Para
ngang tuwing magkikita kami, parang ung mga ginawa
namin, pareho pa rin. Parang ung mga pelikula tuwing
tanghali na paulit ulit mo na lng napapanood. Pero e
sino ba naman ako para magreklamo? Masaya ako sa ganun
bakit ba. Saka mahilig ako manood nung mga pelikula
tuwing tanghali bakit ba?

Jamie: Laro tayo crossword!

Sumimangot lang ako. OO na talo na ko. Taas na nga
dalawa kong kamay eh. Mas magaling ka na. Bat di ka na
lang kaya maglason?

Ako: Sige tara laro tayo

hehehe... Oo na. Isa akong engot. As usual, talo na
naman ako. Pinanganak na talaga akong maging alipin ng
mga babae, so ano magagawa ko? Tiningnan ako ni Jamie.
Ako naman nashy type bigla, lumingon sa kabila. Maya
maya tumawa na naman sya

Jamie: Talo ka na naman hahahahaha

Sabi ko na nga ba eh.... tsk.

Ako: Uu na. sus. magdodota na nga lang ako dun sa shop

Akmang aalis na ko ng bigla nya ko pinigil.

Jamie: Eto naman di mabiro. Kita ko ung sagot mo oh,
sinadya mong palitan hehe.

Sumimangot lang ako.

Jamie: Kwentuhan na lang tayo. Kahit ano basta
magandang pag usapan

Nagpasya kaming umupo dun sa may swing. Ung isang bata
gus2 yata magswing, pinaalis ko. E bakit ba? Yun lang
kaya kong i bully eh hehehe.

Ako: Alam mo bang kakatapos ko lang sa isang heart
ache?

Biglang napatigil sa pag ugoy ng duyan si inay.. ay si
Jamie at biglang napatitig sa kin. Bigla akong
pinawisan ng malagkit hehe.

Jamie: What happened?

So ayun kinuwento ko ang lahat lahat sa kanya. Dapat
nga papabasa ko na lang sa kanya tong blog na to para
di ko na kelangang magkwento. Natutuyo lalamunan ko sa
haba ng kinuwento ko sa kanya. Kasabay nun eh ang mejo
pag wetlook ng aking tear ducts. Kasalanan ni Czarina
to, nabuksan tuloy. Nakwento ko rin sa kanya ung mga
hang ups ko sa buhay. Sa family, sa work, pati ung mga
frustrations ko nakwento ko sa kanya. Yung kapit ko sa
swing mejo napahigpit masyado, kumapit ung mga
kalawang sa kamay ko waaaa..

Jamie: Ganun pala nangyari sa yo.... Im sorry to hear
that ha?

Ako: Hay naku, ok na un. mapakinggan mo lang ako
masaya na ko nun. Atleast nalabas ko lahat. Kasi ung
mga tropa ko, walang alam gawin kundi magdota at
magdota lang. La ako masasabhan sa kanila hehehe.

Muling umugoy sa duyan ni nanay, ay sa swing pala , si
Jamie. Seryoso mukha nya ngaun. Para syang
pinagsakluban ng langit at lupa.

Ako: O bakit naman ganyan mukha mo. Wag mo sabhing
naapektuhan ka sa mga sinasabi ko?

Jamie: Naman... nde may naisip lang ako. Things from
my past...

Ako naman ang tumitig sa kanya. Wow, ang daya di sya
pinagpapawisan lol. Wa epek hehe.

Jamie: May gus2 kasi ako sabhin sa yo about sa kin eh.
Tungkol sa buhay ko...

Tumigil sya sa pagduyan. Mukhang seryoso nga to ah.

Jamie: Kasi alam mo di ko tunay na anak si May. Ang totoo nyan, kapatid ko sya. Ulila na kasi kaming dalawa kaya ayun...

Ako: E bakit nung isang araw mommy tawag nya sayo?

Jamie: Kasi nga ako lang ang nakasama nya since bata sya. Ayun ang tawag na tuloy nya sa kin eh mommy. I was just makin stories tungkol sa tatay nya. Mabait tatay namin, kaya lang… talagang ang hirap tanggapin nung mga nangyari

Nikwento nya sa kin ung nangyari sa kanilang pamilya. Nung una mejo matampuhin pa daw sya. Kasi nga daw, balat sibuyas sya. Ung balat nya kulay sibuyas ^_^. Naging rebelde sya, dahil nga ang feeling daw nya eh parang nde sya minamahal ng mga magulang nya.

Jamie: Bago kami mapadpad d2, galing akong Davao. Sumakay kaming barko nun papuntang manila. Baby pa si May nun kaya walang alam sa mga nangyari. Nung natutulog na kami, bigla na lang ang daming nagsisigawan at nagtatakbuhan…

Tumayo si Jamie at sumandal sa pader malapit sa swing.

Jamie: Nagkakagulo mga tao. Unti unti na palang lumulubog ung barko. Takot na takot kami ng nanay ko. Pero si Tatay, calmado lang sya. Tahimik lang sya habang nakayakap sa ming tatlo ni nanay at ni May. Hinila kami ni Tatay at pinagsuot nung life vest. Isa na lng available nung time na yun, kaya binigay na lang nila sa kin. Iyak na ko ng iyak nun

Pinupunasan na ni Jamie ung mata nya. Bat parang naiiyak din ako waaaaaaa. Nag abot ulit ako ng panyo kay Jamie. Siningahan nya ulit un. Namaaannn…. Peborit kong panyo un T_T

Jamie: Pinasakay na ko ng tatay at nanay ko dun sa bangka na maliit. Inabot din ni nanay sa kin si May nun. Niyakap nila ako ng mahigpit. Gus2 ko sanang tumalon pabalik ng barko pero pinipigilan ako ng mga tao. Sigaw ako ng sigaw “Nanay! Tatay!”. Sinabi sa kin ni Tatay “Ingatan mo si May. Mahal na mahal ko kayo…” Dun ko narealize ang mga mali ko dati. Bakit ba kelangan may mangyari bago mo marealize ang mali mo?

Umupo na naman sya sa swing, iyak na sya ng iyak. Ang likot nya ha? Napaupo tuloy ulit ako sa swing.

Jamie: Pinanood kong lumubog ung barko kasama ung mga magulang ko… Halos mabaliw ako kakaiyak nun. Pero nung tiningnan ko si May, dun ko narealize din ung responsibilidad na kelangan kong gawin para sa kapatid ko. Hanggang ngaun namimiss ko mga magulang ko…

Umugoy ugoy na sya ng swing.

Jamie: Buti nalang at kinupkop kami ng tita ko. Kinupkop kami hanggang sa magkatrabaho ako, at ayun nga hanggang mapadpad kami d2 sa lugar nyo.

Ako: Teka pala, alam ba ni May na kapatid mo sya?

Jamie: Sus oo naman. Nasabi ko na sa kanya dati ung story na to. Un nga lang nasanay syang tawagin akong mommy, so ok lang siguro un.

Napatingin ako sa panyo. Tsk…

Ako: Hmm…. Wag mong sabhing sasauli mo ulit sa kin yang panyong yan ha? Mejo kadiri kasi ngaun, parang ang dami mong sininga

Bigla akong binatukan ng malakas ni Jamie. Masama ba magsabi ng katotohanan waaaa

Jamie: Ay ewan ko sayo! Ang seryoso ko d2 tapos ung panyo pala ang concern mo! Bahala ka jan

Anak ng… waaaaa!

Ako: Oi biro lang waaaA! Nakikinig naman ako eh

Jamie: Basta ewan ko sayo!

Here we go again sa sumpang yan. Tsk para akong tuta na habol ng habol sa kanya hehehe. Pero atleast nakita ko na naman syang ngumingiti. Akalain mo bang pang maalalala mo kaya ang kwento ng buhay nya? May bago na namang target si Malungkutin. Eto na naman ang pangako ko na sasamahan sya hanggang sa Makita ko sya uling masaya.

0 comments

Sunday, November 25, 2007

Ang sumpang "EWAN KO SA YO"

Sunday, November 25, 2007
Kinabukasan nagkita kami ulit ni Jamie. Naglaro kami ulit ng crossword puzzle. Ang corny no? Dami dami pagkakaabalahan crossword puzzle pa napagtripan. Tuwing lilingon ako nakikita ko na sobrang lungkot ng mukha nya. Pinipilit nyang maging masaya, atleast siguro pag kasama nya ko.

Jamie: Ayan tapos na! mejo mahirap tong dala mo ngaun ha!

Ako: Empre! di na pede sa yu ung tulad kahapon kasi ang taba ng utak mo

Jamie: EWAN KO SA YO!

Tsk. Mukhang may sumpa ang mga salitang un. Bigla akong nanlalambot at parang gus2 ko laging magsorry lolx

Ako: Meron sana ako gus2 itanong sa yo eh. pede ba?

Jamie: Hmm... sure wag ka lang mangungutang kasi mejo taghirap kami ni May ngaun eh.

Napaisip ako bigla.... sila lang ni May? ibig bang sabhin...

Jamie: Kung di kasi isat kalahati yang tatay ni May... Naduwag kasi ung tatay nya kaya nagpasya na lang akong palakihin si May mag isa.

Tumayo si Jamie. Mejo salubong ang kilay. Nakakatakot naman sya tingnan

Jamie: Sinubukan kong ilapit sya sa tatay nya, pero ung tatay naman ang ayaw. Naaawa ako sa bata pag naaalala ko. Pano pag naghanap sya balang araw? Anong sasabhin ko? sasabhin ko bang ayaw sya tanggapin ng tatay nya?

Umupo sya sa tabi ko at hinawakan ung ballpen... bigla akong kinilabutan kasi parang sasaksakin ako ni Jamie waaaaaaaaa

Jamie: Pag naaalala ko yun parang gus2 ko pumatay ng tao talaga... ay uu nga pala, may itatanong ka diba? ano ung itatanong mo?

Bigla akong napalunok ng laway. Mukhang nde sya sa mental galing, mukhang sa munti. Mukhang kamag anak ni baby ama.

Ako: a.. e... w-wala. Nakalimutan ko na. Haba kasi ng kwento mo eh.

Jamie: Ganun? alam mo mahal na mahal ko si May. Kami na lang magkakampi d2 talaga eh.

Napansin ko na namang mejo nalungkot na naman sya. Hmm... Parang gus2 ko rin mangako sa kanya ha. Ung pangako na binigay ko kay Czarina.

Ako: So kumain ka na ba?

Jamie: EWAN KO SA YO! nag eemote ako d2 sabay ganyan banat mo.

Oh well eto na naman kami. Hinabol ko na naman sya. Pero nakita ko bago sya tumalikod na nakangiti na ulit sya. Para kaming mga bata, naglolokohan habang naglalakad. Natutuwa ako sa kanya :D

Jamie: Know what, Im glad nakilala kita. Akalain mo no? kung di mo ko nioffer ng panyo dati, di ko malalaman na ok ka pala kasama. Kahit pano nakakalimutan ko ung mga problems ko kahit saglit.

Ako: Marami pa ko kayang gawin no. Kaya kong kumain ng buhay na manok. Kaya ko maglakad sa mga nagbabagang uling. Para lang maentertain ka

Jamie: Sus

Ako: Pero seriously, kahit naman ako marami akong hang ups sa buhay. Pero dinadaan ko sa ngiti at tawa lang. Ayokong sirain ang araw ko maghapon dahil lang sa problema.

nakatingin lang sa kin si Jamie

Jamie: Sana ganun nga lang kadali... pero alam mo one of this days, ill be able to share sa yo lahat lahat ng hang ups ko. Kasi feeling ko kakampi kita

Ako: hay naku. syempre naman no! kakampi tayo

Naglakad lakad kami ng konti ng makasalubong ko si Mylene, isang kaibigan ko na mejo kausap ko rin sa mga madadramang usapan

Ako: mylene!
Jamie: mylene!

Nagkatinginan kami ni Jamie.

Mylene: lalalala! hahaha! aba magkakilala na pala kayo. Kamusta kayong dalawa?

Sabay kaming tumawa ni Jamie. Ang liit pala talaga ng mundo no? Akalain mong pareho naming kakilala ang taong yun.

Mylene: So kayo na ba? hahaha

Jamie: Uu kami na nga! hahaha

Ako: Nyak at kelan naman nangyari un?

Si Mylene kasi sobrang ingay nyan. Kwento dito. Kwento dun. Kala mo walang problema, pero alam ko rin maraming tinatago yan, ayaw lang mag share haha

Mylene: Sus kayo! At kelan pa kau nagkakilala? Akalain mong nagkakilala ang dalawa kong kakulitan!

Jamie: uu nga eh. Ang kulit masyado nyang tao na yan. Ayaw ko na nga minsan kausapin kasi sobrang kulit

Bakit kaya ako laging ginaganito ng mga babae no? Mga diyos ng kalalakihan naway bigyan nyo ko ng lakas upang lumuhod sa harap ko ang mga babaeng to... T_T

Ako: soooo.... san punta mo My?

Mylene: ah jan lang sa tabi tabi, maghahanap ng mga boylet hehehe

Jamie: hahaha

Ako: Sus, ung boss among malupit ko ayaw mo?

Mylene: Friends lang kami nun no! hahaha lalaa

Jamie: Hahaha

tawa ng tawa si Jamie. Ganito ba sila pag nagkikita? tawa ng tawa?

Mylene: O pano, maiwan ko na kayo, tuloy nyo lang date nyo! babayuuuuu

Nagwave na kami to say goodbye kay mylene. Atleast nagkaroon ng ice breaker sa usapan namin ni Jamie. nagiging seryoso na masyado hehehe

Jamie: Isa sya sa unang naging mabait nung unang salta ko dito sa lugar na to. Im happy nga kasi isa rin sya sa nagpapasaya sa ken eh.

Ako: Ay uu sobrang kulit nyan. Wala nang ginawa yan kundi tumawa.

Jamie: *Tumingin sa relo* sige susunduin ko na si May ha? Ill see you later ha?

Ako: And2 lang ako lagi. Sige ingats kau ha? kain ng marami pagdating sa inyo!

Jamie: Uu masarap ulam namin ngaun. Porkchop!

Ako: Wow sarap naman

Tiningnan ko sya habang papalayo sa kin. Tama na ba tong ginagawa ko? Ayokong mag isip na gus2 na nya ko, pero hanggang masaya pa kami pag magkasama kami, di ko sya iiwan. Lagi ko syang paliligayahin

0 comments

Ang crossword puzzle

Sumunod na araw, muli kami nagkita ni Jamie. Abahh... mukhang mas maaliwalas ang mukha nya.

Jamie: uiiiii! gandang araw sa yo!!!!

Tsk lakas ng dating ko talaga hahahaha

Ako: Ui!! gandang araw din sa yo! kamusta?

Jamie: eto ayus lang. mejo ok naman na.

Ako: Teka pala kumain ka na?

Mdyo nag pouty lips si Jamie. Ang cute tingnan hahaha

Jamie: Di pa nga eh. maya na lang siguro

Ako: Hala, hapon na di ka pa kumakain? Tara ililibre na lng kita ng kakainin.

Jamie: Sus! nde na no ok lang. Saka kumain ako ng sandwich at juice kanina ok na un.

Matigas din ulo neto. Tsk. Ano ba kelangan kong gawin para umayos ang mga taong ganito tsk.

Jamie: Nga pala ilang taon ka na? Di kasi tayo masyado nakapag kilala kahapon kasi diba nga nag drama ako kahapon?

Ako: 23 pa lang ako. ikaw ilang taon ka na?

Biglang nag pouty lips na naman sya. Ay natutuwa talaga akong makitang naka pouty lips sya

Jamie: Ate mo na pala ako eh. mas matanda ako ng ilang taon sa yo.

Ako: Sus ayaw ko nga ng ate. sa utol ko nga di ko tinatawag na kuya un, kaw pa e di naman kita kaano ano.

Bigla syang tumawa ng malakas. Ang cute ng boses nya. Parang si inday badiday hahaha. Biglang may inabot sya sa bag nya.

Jamie: Eto na ung panyo mo. Nilabahan ko na yan so wala na yang sipon.

Ako: *Kamot ulo* sabi ko sa yo na yan eh. Luma na rin yan kaya sa yo na lang

Jamie : *Lumaki mga mata* Oiiii! nde ako poor para limusan mo ng panyo. Tsaka nagtataka ako, lalake ka ba talaga? bakit kulay pink tong panyo mo?

Abaaaaa..... nantatapak din to ng pagkalalake ko ah? abaaaaa

Ako: E bakit ba sa kapatid ko yan. wala na kasi akong malinis na panyo kaya hiniram ko.

Tumayo sya at naglakad lakad ng konti.

Jamie: Alam mo, nde ko alam pero ang gaan ng loob ko sa yo. Parang ang saya saya mo kasama. Kahit kahapon lang tayo nagkakilala, parang pakiramdam ko, dati pa kita kasama

Wow. madrama pala to. emo sessions ba ulet? Naalala ko may dala pala akong crossword puzzle dito sa bag ko.

Ako: Sus, drama mo jan. Maglaro na lang tayo ng crossword puzzle. Madami kang matututunan d2, parang trivia ba?

Jamie: Mahilig ako jan eh. Pabilisan tayo sumagot?

Kinuha ko ung isang copy sa bag ko at ballpen. Umupo kami sa isang mesa sa park at nagsimulang magbilang. 1...2...3... ayun nagstart na kami.

Jamie: hmm... ahh... *sulat sagot*

Ako: hmm... ahhh... *kamot sa ulo*

Makalipas ang ilang minuto, natapos na sya. Kainis bakit ba lahat na lang ng babae gus2 tapakan ang pagkalalake ko???

Jamie: Bleh, Di mo natapos un sa yo.

Ako: E mahirap ung mga tanong dito sa ken kumpara sa yo no.

Inabot ko ung puzzle nya. Nanlake ung mata ko kasi ung mga salita dun eh parang ngaun ko lang narinig. Nakita ko na kinuha nya ung akin at sinagutan

Jamie: Ganito lang pagsagot neto. Kitams?

Tadhana ko na siguro to no? hehehe. Malay ko bang magaling maglaro ng mga ganito tong si Jamie? Susunod nga sa dota ko sya yayayain lolz

Jamie: Ano nga pala pinagkakaabalahan mo? bat parang ang dami mong oras?

Ako: Ah nag oopisina ako. nakaliv ako ng 1 week eh. Nasstress lang akong makita pagmumukha ng boss ko kaya nag liv ako.

Ngumiti si Jamie. Sana nde na mabura un. Mas ok sya tingnan pag ngumingiti sya.

Ako: E ikaw? ano pinagkakaabalahan mo?

Nagbago hitsura ng mukha ni Jamie. Parang biglang nanlumo ang mukha nya

Ako: A... e. ... kalimutan mo na lang ung tanong ko. Nand2 tayo para magsaya. Kung ano man yang problema mo, tatanggalin ko yan hehehe. Tara sagutan pa natin tong puzzle. Pabilisan ulet.

Mejo nangiti si Jamie at sabay kuha dun sa puzzle. Kung ano man ang problema nya, alam ko di pa sya handang sabhin ito. Hintayin ko na lng siguro dumating ung oras na sya na mismo magsabi sa kin nun. Kung meron man ako natutunan sa naging takbo ng kwento namin ni Czarina, un eh iwasang ipilit ang isang bagay. Hayaan ko na lang na ang panahon mismo ang magpasya para sa kin.

Jamie: Tpos na ko! ano ba yan.... ang simple simple lang di mo pa matapos yan

Ako: Ok payn... magaling ka na. sus kala mo magaling ka na nyan?

Jamie: Syempre naman. Hmp! yabang neto

Ako: kaw nga tong mayabang eh! Kala mo kung sinong....

Di pa ko tapos magsalita ng biglang sabi nya...

Jamie: EWAN KO SA YO! *sabay walk out*

toink! bigla akong nanlambot nung sinabi nya un. Ewan ko ba, pero merong mysterious powers ung mga salitang un kasi bigla akong naghabol at nagsorry ng nagsorry. Makalipas ang ilang minuto ng pandededma, bigla nya syang humarap sa kin.

Jamie: May papakilala ako sa yo.

Sa paglalakad namin, nakaabot na pala kami sa isang elementary school malapit sa min. Sino kaya papakilala nya sa kin? Maya maya may batang nagsisisgaw galing sa likod ko.

Bata: Mommy! mommy! mommy!

Paglingon ko kay Jamie, Biglang yumapos ung bata sa kanya. Napa O M G ako. Anak nya ung bata? waaaaaaa may asawa na pala tong si Jamie..... Bigla naman akong nalungkot.

Jamie: Eto nga pala ung anak ko, si May

Ako: Elow May!

Tinaasan lang ako ng kilay ni May. Abah, manang mana sa mommy.

May: Who is he mommy? your boyfriend?

Jamie: No no no. He's just my friend lang. Sinamahan nya lang ako sunduin ka

May: i see.. I don't like him mommy

Kinurot ni Jamie si May... pero ang sakit ng sinabi nya ha? Bagsak agad ako sa anak nya. First impression lasts pa naman.

Nagwave na si Jamie pauwi.

Jamie: Sige seeyah tomorrow na lang ulit ha?

Ako: Sure sure same place same time ulit

Bigla akong napaisip. Dpat ba talagang makipagkita pa k osa kanya? e pano kung malaman ng asawa nya na nakikipagkita ako sa kanya? baka mapaaaway pa ko. Teka sino nga pala ung asawa nya? waaa. di ko natanong. Siguro bukas tanong ko sa kanya. Mahirap na, baka imbes na malungkutin name ko, maging imbalido.

0 comments