Monday, April 29, 2013

Ang Bagong Simula

Monday, April 29, 2013
Ang init. Sa sobrang init, di pa ko nakakapasok sa trabaho ng tuyo ang buhok ko. Pwede na nga ako i-cast sa isang bomba film; lagi kasi ako wet look. Kung anong init ng sikat ng araw e sya namang lamig ng aking puso.

Kelangan ko isingit e. Kelangan ko maging emo XD.

Pero diba? wala naman kasing pinipiling araw ang pagiging emo mo e. Ako ba ilang taon na kong di nakakapagsulat dito kasi akala ko masaya na ko? Akala ko kasi hindi ko na kelangan sumulat dito kasi akala ko kumpleto na yung buhay ko. Kalokohan na ang saya saya ko pero malungkot pa rin isusulat ko.  Pero isang araw e bigla ko na lang naisip bisitahin ulit to. Ang galing nga, kasi naaalala ko pa yung account na to samantalang nasobrahan ako sa pork, sa beans... Ang laki ng memory gap ko. Natuwa pa nga ako at meron pa ring nag cocoment sa mga luma kong post.  Pero nung pag check ko e puro ads lang pala na kesyo ang cool daw ng sinulat ko. Na kesyo ang saya daw basahin nung sinusulat ko.  Puro nga ka emohan to ano masaya dun? Ayan nalungkot na naman ako

Anyways, minsan kasi talaga dumadating nga yung time na nagiging sobrang happy ka.  Akala ko nga pinagsakluban ako ng langit at lupa. Malay ko bang nabuhusan pa rin ako ng swerte.  E nagsimula lang naman sa isang inuman. Isang inuman na hindi ko sukat akalain na magiging simula ng mahaba habang happiness..

*Ring* *Ring*

Malungkutin: Hello? Pare o kamusta? abot pa ba ako sa birthday mo?

Ronnie: Oo pare abot na abot ka pa. Kasisimula pa lang namin. Asan ka na ba?

Malungkutin:  Malapit na ko. Ilang tumbling na lang andyan na ko.

Ronnie: Sige bilisan mo. Mahirap makipag inuman sa mga lasing na haha

Totoo. Ang hirap nga. Pagdating ko dun, ayun kala mo mga baboy na nakawala sa kural. Ang gagaslaw. Ako ang nalalasing sa kanila.  Pero natuwa naman ako makita sila ulit. Ilang taon din akong di umuuwi sa probinsya namin.  Namiss ko lang ang tropa kaya naisipan kong umuwi.

Ronnie: Pareh!!! Pakiss nga hahahaha. Maupo ka jan. Maraming alak

Tropa:  Aba akalain mo buti di ka naligaw hahahaha.

Yun ang pinaka nakakainis na naririnig ko sa tao.  Bukod kasi akala mo mga miyembre ng Glee dahil sabay sabay magsalita e akala mo naman ang tagal ko nawala.

Malungkutin:  Hahaha (tawang naiirita). Nasa maynila lang naman ako e. Para naman kayong mga tanga.

Nagtuloyan ang inuman. Tawa dito. Tawa doon. Kwentuhan ng mga nakaraan. Si Ronnie sumusuka sa may paso. Nakakatuwa sila panoorin malasing haha.  Akala ko masaya na ko nun, nang biglang may narinig akong kumakatok sa pinto nina Ronnie.

Babae: Ronnie! Abot pa ba kami? Lasingan na ba kayo?

Kahit sumuka na e tumayo pa rin sya at binuksan ang pinto. Pagbukas nya, bigla nagslowmo ang paligid ko at napatingin lang ako dun sa babae.  Parang may narinig pa nga akong tugtog na "tut tut tut tutuut... I know this much is true..." Yung kantang True ng Spandau Ballet. Akala ko sa pelikula lang nangyayari yun... Well, oo di nga totoo yun kasi ringtone pala un nung isa kong tropa na tulog na.  Parang sinakto talaga sa moment

Masayahin yung babae. May kasama itong bakla at pareho silang tawa ng tawa.  Parang napa "Oh no, tumibok na naman ang puso ko." Pinapasok ni Ronnie yung dalawa at umupo sa bakanteng upuan sa tabi ko. Agad ako kinilala nung bakla pagkaupo pa lang. Kaya lang wala akong pakialam sa kanya kasi sa iba nakatuon ang pansin ko, sa kasama nya.

Nang kakausapin ko na sya e biglang bumalik lahat ng sakit at takot  pag nakakakilala ako ng babae. Naisip ko na hindi ko na siguro kelangang i push to kasi baka maulit na naman yung dati. Nang walang ano ano ay bigla syang lumapit.

Babae: Hi ako si Cristina. Pede mo ko tawaging Tina. Magsalita ka naman dyan kanina ka pa walang imik. Hahaha

Parang napanood ko na to ng ilang ulit ha. Tatapakan din ata nito pagkatao ko.

Malungkutin: Haha pasensha na Tina. Kasi mejo kinakapa ko pa ulit tong mga to. Matagal ko nang di nakikita tong mga to.

Tina:  Oo nga daw e. Ikaw kilala na kita dati pa, pero tahimik ka lang kasi. Tara inuman pa haha

Dahil nga bata pa lang e ulyanin na ko, di ko sya matandaan. Pero siguro makikilala ko rin ito pagdating ng araw. Dumami pa ng dumami ininom namin hanggang sa ilan sa kanila e gumagapang na pauwi.  Pinagtatawan ko sila habang umupo ako sa labas ng bahay nila. Agad akong nilapitan nung kasama ni Tina at hinihingi ang number ko. Pero dahil walang fone etong kasama ni Tina, Yung phone nya ang ginamit para isave ang number ko. Nagkuwentuhan kami ng kaunti hanggang sa nagpasya na ko umuwi. Nag insist sila na ihatid ako sa min.  Natatawa ako kasi para akong babae na kelangan ihatid pa.

Tina: Wag ka na magreklamo basta ihahatid ka namin.

Nang nasa malapit na ko ng bahay ay pinauwi ko na sila.  Nag group hug pa nga kami dahil daw new friend nila ako. Nagpaalam na kami sa isa't isa. Tinitingnan ko sila pauwi ng lumingon si Tina. Para akong binaril ng mga mata nya kasi napakaganda ng mga mata nya. Napabulong na lang ako sa sarili ko at nasabing "Patay tayo dyan"

---------------- ITUTULOY-----------------------

2 comments

Saturday, July 21, 2012

Rejection ba kamo?

Saturday, July 21, 2012

Oh eto mabalik tayo sa ka emohan at makabagbag damdaming usapan. Masyado ata ako natuwa sa buhay ko nakalimutan ko na bawal nga pala ako sumaya. Chos.

Alam mo ba ang feeling na parang ginagawa mo na ang lahat pero kulang pa rin? Yung tipong kulang na lang e sungkitin mo ng literal ang mga bituin sa langit? Di ba parang sampal sa mukha na para bang napaka useless ng effort mo?

Ganun siguro talaga pag wala kang boses sa puso nya. Kahit anong sigaw at tawag ay hindi nya maririnig ang mga sinasabi mo. Kahit ilang beses mo nang nag rereach out, ilang beses kang kumakayod para sa isang tao, hindi nya marerealize yun. Kasi nga sarado ang utak nya sa yo. Wala syang ibang maririnig at makikita kundi ang sarili nya ang mga hinaing nya sa buhay. Kaya ayun. Mananatili kang invisible man.

Sabi nila ang mga babae daw e gusto lang na pinakikinggan sila. E bakit ba minsan itry ko lang nq pakinggan sya e minasama pa at bakit daw ako walang imik. Para daw akong walang pakialam sa kanya. Duh??!!?! Napakamot ulo na lang ako. Mga babae talaga. Sala sa init sala sa lamig.

Nakakalungkot lang kasi isipin na gusto mo lang naman sya pasiyahin. Gusto mo lang na maalis yung sakit na nararadaman nya. Ggawin ang lahat-magadvice, tumulong at makinig lang. Pero isa lang ang resulta; isang masamang tao ang tingin nya sa yo. Ang pangit pa dito may mga linya pang "pare pareho kayo. Hindi nyo ko maintidihan!" kung makahambing naman e wagas. Hindi nya malalaman na nakakasakit na pala sya kasi nga, again, sarado ang puso nya sa yo. Ang mahalaga sa kanya ang problema nya lang. Period.

Pero in fairness naman naiintindihan ko mga ganitong tao. Mga may saltik sa utak na konting problema lang e akala mo ay pinagsakluban na ng langit at lupa. Mahirap din naman sila tlaga kalamayin ang loob kasi, again and again, sarado ang puso nila. Sabihin mo nga lang na "ok lng yan" e magagalit na sila sa yo at ssbhing insensitive ka.  pag nabadtrip naman sila sa dun sa nag emo, magagalit na naman at sasabhing walang nakakaintindi sa kanila. Diba?

Para sabihin ko sa mga emo jan na tao, hindi lang kayo ang may problema. Hindi lang kayo ang hindi natatanggap sa trabaho. Hindi lang kayo ang nauubusan o nawawalan ng pera. Hindi lang kayo qng namatayan. Hindi lang kayo ang sinumpang magpapasan ng lahat ng problema. Mas ok nga sana kung ganun pero hindi. Hindi rason na hindi mo mabago ang pagiging negative mo. Yung iba nga e kaya bakit ikaw hindi? E parepareho lang naman ang kinakain natin. Ok lang naman kasi ang malungkot pag narereject pero hanggang kelan mo ba dadamdamin ang problema? Till the end of time? Everlasting? Habang may buhay? Forevermore? Magpakailanman?

Pero syempre dahil hindi importante ang mga iniisip at sinasabi ko, wala na namang makikinig sa kin. Sabi nga nila it's easier said than done kaya alam ko namang mahirap maging positive sa buhay. Pero ang mag emo sa isang bagay ng mas matagal pa sa 3 araw? Hindi pa ba naubos ang luha mo sa isang araw? Kaya sana kayong mga may mga problema basahin nyo na lang mga sinulat ko dito.

Kasi kung rejection lang din naman ang pag uusapan, hindi ako bago jan. Kaya nga eto ang pen name ko diba?

Hahaha. *sob* :(

Published with Blogger-droid v2.0.6

5 comments

Bagyo na naman

Tag ulan. Baha. Traffic. Basang medyas. Basang damit... Pantalon... Brief....

Nakakainis ang tag ulan pag nasa maynila ka. Nagmimistulang waterworld ang kamaynilaan tuwing uulan ng malakas. Pero kung sa dagat e mga isda makikita mo, dito kakaiba. Mga patay na daga, ipis, basura at minsan may makikita ka pang diaper na bagong tapon. Nice diba?

Ang pinaka masaya kapag bumabagyo e yung pauwi ka na galing trabaho, school o kung saan man kayo pumunta. Isang malaking adventure ang dadaanan mo sigurado. Para ka lang si dora na may mapa ng mga obstacle na dadaanan. Kelangan magaling ka sa mga detour kasi siguradong wala kang diretsong madadaanan. Bakit kasi nagbabaha pa e. Buti sana kung nakapaa lang tyo kaso pano mga nakasapatos? Bawat tapak mo e may tubig na mapipiga. Hassle di ba?

Nakakainis din ang mga sasakyan pag tag ulan. Hindi ka na makasakay dahil sa dami ng tao, dadaan pa ng walang modong driver ang baha at syempre, paliliguan ka ng tubig kanal. Ayos diba?

Ang pinaka nakikinabang lqng naman sa bagyo e yung mga gumagawa ng tulay o kahit anong sasakyan para makatawid ang mga tao. Kung araw araw bumabagyo sigurado mga milyonaryo tong mga to.

At amp. Ang trapik. Jusko haha. Nakakadalawang pelikula nq ang bus e di pa ko nakakauwi. Nkakapanibago tuloy at hindi ka emohan ang nakasulat dito. Parang hindi tuloy ako. Eto epekto ng trapik. Nakakapagsulat ng kaunting reklamo habang stuck sa trapik gamit ang cellphone ko.

Bigtime na ang papa mo. Haha.

Published with Blogger-droid v2.0.6

0 comments

Friday, October 28, 2011

Forbidden Love?

Friday, October 28, 2011
"E ano nga ba ang pakialam ko kung magalit sila? E sa mahal ko e, paki ba nila!"

Yan. Eksakli. Yan ang mga madalas na linya ng mga taong pumapasok sa bawal na pag ibig. E bakit nga ba? E ano nga ba ang alam ng mga impokritong tao tungkol sa pag ibig? Naranasan na ba nilang may kahati sa atensyon? Naranasan na ba nilang umagaw ng mga nakaw na sandali? Naranasan na ba nilang mag date habang katext nung isa ung jowa nya? Wala. Wala silang alam. Ang hirap kaya nun diba? Kung tutuusin, mas bilib pa ko sa kabit, kasi nagagawa nyang isakripsyo lahat para dun sa isang taong yun. Hindi lahat kaya isuko ang pride ang makuntento sa hating pag-ibig. Pede na nga syang barilin sa Luneta. Isa syang bayani.

Ang hindi ko lang maintindihan, sa dinami dami ng tao naman kasi na magugustuhan mo, e yun pang may kadena na sa leeg. Ilang bilyon ba ang mga tao? Anong probability na sa ilang bilyong tao na meron ang planetang ito, sya pa ang napili mo? Ang weird. Destiny? No way. Kahit kelan hindi ko matatanggap na dahil sinabi ng kalangitan, dahil nagtugma ang mga zodiac sign nyo, dahil nagpantay pantay ang mga planeta, dahil may falling star, ibig sabihin ay meant to be kayo. Ano kayo mga hayop? Na kahit sino na lang pwede?

Sabi ng iba, gusto nila ng challenge... ng thrill kaya nila nagagawa yun. Pwde ka namang tumalon sa hinulugang taktak o kaya mag slide mula Tagaytay papuntang Taal. Yun, napakachallenging nun. Anong thrill ang mapapala mo sa pagiging isang kabet? Yung thrill na baka mahuli? Yung challenge na kaya mong agawin ang isang taong taken na?

Ganyan daw kasi tayong mga tao - marupok. Mas inuuna ng tao ang puso kesa sa utak. Bakit nga ba ganun e ang silbi lang naman nga ng puso ay magbomba ng dugo para mabuhay tayo. Bakit pilit nating binibigyan ng ibang trabaho ang puso natin? Huwag na natin antayin na mastress ang puso natin at magpasa ng resignation letter.

Karaniwan, inililink ng mga tao (a.k.a. mga babae ang bawal na pag ibig sa mga lalake. Mga lalake raw ang madalas gumawa ng ganito. Mga lalake raw ang dapat sisihin kung bakit nauso ang salitang "Kabet". Oo normal sa lalake ang magkagusto sa iba. Narinig ko nga dati na ang mga lalake raw ay likas na polygamous. Pero wala namang magiging manyak, ma-EL na lalake kung walang malanding babae, diba? Wala namang mangyayari kung hindi mo titingnan o ieentertain yung thought na "Ui, pwede to ah?". Dito magsisimula ang walang katapusang turuan na wala naman talagang makakapagsabi kung sino ang nauna. Hindi kayo (mga babae) papayag sa sinabi ko diba?

Sa huli wala rin naman ako magagawa. Ano nga naman ba ang karapatan kong magsermon e wala naman akong alam sa mga ganyang bagay. Makukuha ko pa bang mangaliwa, e kahit nga kanan wala ako.....






.... Oo pinilit ko lang ipasok ang bitterness ko.

6 comments

Sunday, October 23, 2011

The Waiting Game

Sunday, October 23, 2011
GIRL: Nakipaghiwalay ako sa kanya ngayon. Sabi ko hindi na ko masaya sa piling nya. Hindi man lang nya tinanong kung bakit... Akala ko pipigilan nya ako... pero hindi. Hinayaan nya lang ako lumayo sa kanya. Nang di ko inaasahan, nawala sa kin ang lalakeng hinintay ko habambuhay...

.
.
.

GUY: Nakipaghiwalay sya sa kin ngayon. Sabi nya, di na sya masaya sa piling ko. Sa sobrang sakit ay hindi ko na natanong kung bakit. Gusto ko sya pigilan, pero kung hindi na sya masaya sa kin, wala nang paraan para pigilan sya. Hinayaan ko na lang na lumayo sya sa kin. Nang hindi ko inaasahan, nawala sa kin ang babaeng pinapangarap ko habambuhay....

.
.
.

Give and take nga daw ang isang relationship. Wag kayong maghintayan kasi baka mag end up kayong single. Wag din kayo masyadong paasa at pakipot. Malapit pa namang magpasko, mahirap matulog ng walang kayakap...

2 comments

Monday, May 16, 2011

Ako na ang bitter

Monday, May 16, 2011
Heto na naman ako. Nakatunganga sa maliit na monitor. Nag iisip ng masusulat. May naisip ako isulat kagabi tungkol sa boxing, pero dahil kahit ako e inaantok sa sinusulat ko, hindi ko na tinuloy. Erase. Erase. Erase.

Minsan nga naiisip ko kung bakit ba ako naging ganito katamad. May mga bagay akong nagagawa, pero hindi to the point na halos lahat e maiimpress ko. Hindi kasi ako yung tipo na mabait. Hindi ako yung tipong masipag. Hindi ako yung tipo na laging nagtataas ng kamay tuwing recitation. In short isa akong pako. Isang malaking pako.

Minsan nga naiisip kong wag na lang umuwi sa bahay. Kapag kasi nasa bahay ako, feeling ko wala akong kwenta. Sabi nga daw, border lang ako. Isipin mo yun? Sa mismong sarili bahay, sariling pamilya, ang tingin sa yo e border lang? Hindi ko naman sila masisi kasi nga lagi lang akong nakatapat sa monitor. Kapag mejo tinatamad na ay matutulog. Pagdating ng hapon pag nagbabalak nang magtago si araw, lalabas na ko. Yan ang daily routine ko. Gumising - Kumain - Magcomputer - Matulog - Gumising - Kumain - Matulog - Gumising - Labas - Inom - Matulog - Gumising. Parang napakabusy ng araw ko no?

Kasi nga naman, isa akong pako. Sana man lang e pukpukin ako ng magkasilbi naman. Pano ba ko kikilos kung natutulog pa ko? Pano ko ba malalaman kung anong gagawin kung walang magsasabi. Hindi ba border nga lang ako? Sana man lang e sabihan ako na " Hoy, gising na. Baka gusto mo itry mag gupit ng damo. Masaya daw yun." Hindi naman lahat e katulad nyo na masipag. Kapag hindi ka nakagawa ng kahit ano sa maghapon, magiging invisible man ka na parang wala silang nakikita. Sa huli, ako pa ang lalabas na nagmamataas at nagmamatigas. Ako pa ang masama at walang kwentang tao. Yan ang natatak sa isip ko simula bata pa ko.

Yeah. Yeah. Bago pa kayo magreact, alam kong walang tama sa mga sinabi ko sa taas. Random hinagpis lang yan. Nakakalungkot lang kasi isipin na para nga lang akong border. Kelan ko nga ba huling naramdaman na naging proud sa kin ang mga tao sa paligid ko? Kelan ko nga ba huling naramdaman na sinusuportahan ako sa mga desisyon ko? Alam kong may mga times na oo pero mas lamang kasi ang hindi kaya wala ako maalala. Masusunod ang mga desisyon ko pero alam kong puro nakakunot ang noo at naglalabasan ang mga varicose veins sa binti. Ni hindi nga nila alam ang gusto ko, ang hilig ko, ang kagustuhan kong magsulat. Ni hindi nga nila alam na ako pala si Malungkutin.

Hindi ako matalino. Hindi ako gwapo. Lalong hindi rin malakas karisma ko. Pinagsakluban nga ata talaga ako ng langit at lupa. Hindi ako yung tipong magiging paborito lalo na kung may choice. Kahit nga siguro ako na lang ang option, mag ka-call a friend pa sila. Siguro nga kaya sila ganun ay dahil nadisappoint ko sila ng maraming maraming beses. Kaya ayan, kahit siguro manghingi lang ng pamasahe e pag iisipan pa ng masama.

Akala ko, pag paulit ulit mong mararanasan ang isang bagay, masasanay ka at magiging immune. Bakit naman ang lintik na ako e hindi pa rin makamove on? Katakot takot na hiya at pagdodown sa sarili ang nararanasan ko araw araw. Minsan nga gusto ko laging may mga pagtitipon, outing reunions... kasi parang nagbabalik lahat sa dati na parang importante ka. Pero makaraan lang ang ilang araw, balik na naman sa dati. Kalorkey haha.

Kapag gumagawa ako ng paraan para magkalapit lapit, hindi ko ba alam bakit laging hindi natutuloy. Mag iipon ako para mailabas sila pero pagdating ng mismong araw, aba may lakad. Nakakalungkot isipin na bakit nga ba mag eeffort pa ko e wala rin namang silbi. Bakit kelangan mong subukan na magbago e simula pa lang wala na silang tiwala sa yo. Kesa naman nga makipagaway pa ko, mas pinipili kong magkulong na lang sa kwarto. Atlis kahit pano, sa loob ng apat na sulok ng kwarto na to, nagagawa kong maging boss ng sarili kong lugar. Nagagawa kong magsulat. Nagagawa kong tumawa, umiyak, magalit ng walang sino mang manghuhusga. Sa loob ng kwartong to, nabubuhay ang mga pangarap na hindi ko kayang gawin sa labas. Dito ako ang bida. Ako ang center of attraction. Ako ang pinakamaaasahan. Saksi ang kwarto ko sa lahat ng saya, sakit, luha at kung ano ano pang pakiramdam na maaari kong maramdaman. Mabuti pa ang kwartong to. Alam nya lahat tungkol sa kin. Alam nya kung gano kahirap ang pinagdadaanan ko.

Pero ok na rin yun. Wala naman din akong magagawa. Andito na tayo e. Ganito na siguro ang guhit ng palad ko. Masaya na kong nakakapagsulat ulit. Masaya na ko na kahit papano naman, meron din pala akong ibang alam gawin bukod sa kumain at matulog. Siguro ilang panahon pa kelangan ko para ganap kong matanggap na isa lang akong hangin na hindi na dapat pinapansin. Kelangan kong tanggapin na ako si Malungkutin - sa isip, sa salita, at sa gawa

9 comments

Monday, May 2, 2011

Breakups part 2

Monday, May 2, 2011
Gaano ba kasakit ang breakups? Katulad din ba to ng mga pagkabasted na parang dinadaanan ng pison ang puso mo? Eto ba ung point ng relasyon nyo na pilit kang naghahanap ng kanta na babagay sa pakikipag break sabay iiyak habang kinakanta ito? Buti nga di pa applicable dito yung karaniwang sinasabi ng matatanda na di ito tulad ng mainit na kanin na pag sinubo at napaso e pede mo isuka. Isuka talaga ang term. Hehehe.

Ang paghihiwalay ay karaniwang desisyon ng parehong kampo. Kumbaga sa gera e sabay nagtaas ng puting bandera habang sinasabing "Tama na! Suko na ako!" Karaniwan kasing hindi magkasundo sa maraming bagay kaya nauuwi sa hiwalayan. Di mo naman masisisi ang dalawa kasi nga masaya naman ang umpisa. Kaya lang nga, habang tumatagal, mas lalo nyo nakikilala ang isa't isa at dito na mararamdaman ang pagkayamot sa kapartner nyo. Dito na lalabas yung mga natatagong baho at kung ano ano pang skin diseases at mag eend up nga ng hiwalayan. Hindi compatible e, di rin naman pedeng ipilit.

Meron din namang one-sided ang break ups. Ito yung mga tipong katulad ng nasulat ko sa unang Breakups na kwento na nagsasabing "it's not you. It's me." Ano nga ba magagawa mo kung talagang ayaw na nung isa sa yo. Buti kung katulad ko kayong lahat - tanga, bobo, uto uto. Pero hindi. Hindi naman lahat malungkutin na tulad ko. Mapapakanta ka na lang ng Hurting Inside ng FOJ dahil nga, syempre, masakit. Mas doble ang sakit nito sa isa kasi ayaw mo pa e. Gusto mo pa magwork out yung relasyon pero wala. Para ka lang tanga na pilit ng pilit sa isang bagay na wala nang saysay.

Naisip ko nga bigla, kaya siguro naimbento ang mga monthsaries kasi sa panahong ito, bihira na lang talaga ang nakakaabot at nakakapagcelebrate ng anniversaries. Para kasing ang hirap na maghanap ng talagang kamatch mo. Buti sana kung lahat e parang yung sa commercial nung Nestle 100 years na simula pagkabata hanggang pagtanda e magkasama sila. Minsan nga naiisip ko pang kwentong barbero na lang yun. Minsan nga mas ok pang mahalin mo na lang barbero mo kasi makikinig un sa lahat ng sasabihin mo. Hindi yan kokontra sa yo basta lagi ka lang magpapagupit sa kanya.

Minsan may nakilala akong lalake. Lagi silang magkaaway ng jowa nya. Pero lamang itong si lalake. Alam nya kasing di sya kayang iwan nung babae. Kaya malakas loob nito maghamon ng hiwalayan kasi alam nyang di kaya nung babae. Nagulat na lang ako isang araw nabalitaan ko na lang na patay na pala yung lalake. Rason? Nagbigti kasi di kinaya nung nakipagbreak na sa kanya ng tuluyan yung babae. Ironic? Very very ironic.

Masakit talaga ang breakup. Ilan lang talaga ang matibay ang dibdib o makapal ang mukha na hindi tinatablan. Biruin mo, magpupuhunan ka ng sangkaterbang emosyon at pagmamahal pero sa huli malulugi ka lang at mapipilitan kang magsara... magsara ng puso. Hindi ko alam kung pano nakakamove on pero sabi nga nila, time heals all wounds. ang problema lang dito hindi mo masasabi kung kelan dadating yung time na yun. Minsan ilang araw lang. Minsan ilang linggo. Minsan buwan... taon.... siglo. Hindi mo malalaman kung kelan mo masasabi na "Ok na ko." Hindi mo malalaman na handa ka na palang umabante sa buhay at kalimutan na kung ano mang sakit ang naranasan mo sa nakaraan. Time heals all wounds daw... pero Time din ang nakakasira ng bait ng isang tao.

Buti na lang si Malungkutin ay isang matatag na tao. E pano ba, wala namang makikipagbreak sa kin kasi nga wala pa namang sumasagot sa kin.

Eto ang pinakaironic na bagay. Eto rin ang pinakamasakit. Huhuhu sad.

2 comments