Friday, November 30, 2007

Ang pagtatapat sa library

Friday, November 30, 2007
Mahigit isang linggo na ng huli kong nakita si Jamie. Siguro nga ganun na lang talaga un. Kiningailangan nya ng comfort, so binigay ko naman un sa kanya. Nde na rin ako nagagawi sa park... sa swing. Simula nung matapos ung bakasyon ko, tambak ang mga trabaho. Balik alila na naman ako sa mga koreano. Malapit ko na talaga iboycott ang jamppong.

Walang araw na nde ko sya inisip. Kainis naman. Mejo apektado ako pero di ko alam kung bakit. Acquintance lang kami. Siguro pareho lang kami natuwa sa paglalaro ng larong yon kaya nagkasundo kami. Mejo tumigil na ko sa pagbili ng crossword. Wala na yatang silbi pa. Araw araw akong dumadaan sa park na yon at umuupo sa swing. Nagbabakasakali ako na makita ko sya at magtapat na rin. Pero sa loob ng isang lingo, ni bakas nya di ko makita. Yung school ni May nde ko na naaabutang bukas kasi nga nasa trabaho ako. Kainis talaga...

Isang araw nagpasya akong maglakad na lang pauwi. Mejo nawala na sa isip ko si Jamie dahil mejo natanggap ko na. Sakto napadaan ako sa isang library malapit sa min. Kahit ganito hitsura ko, mahilig din naman ako magbasa. Nagtataka lang ako, bigla kong nagustuhan magpunta sa library. E ang binabasa ko lang naman eh FHM at Maxim. Habang naghhanap ako ng magandang fiction books, parang may napansin akong babae na nagbabasa sa isa sa mga tables dun. Napa "shit" ako. Si Jamie! Tumayo ako sa likod nya.

Ako: Bakit bigla kang nawala? bakit ni nde mo man sinabi sa kin na wala ka nang balak makipagkita?

Mejo nagulat si Jamie. Napahagis ung crossword na sinasagutan nya. Grabe naglalaro pa rin pala sya nun?

Jamie: Pasensya na... kasi meron akong mga problema ngaun. Nahihirapan ako ngaun. Ayaw ko naman mag alala ka at ayaw ko na rin na pati ikaw e mamoblema sa problema ko.

Ako: E handa naman ako makinig sus. Alam mo namang and2 lang ako para sa yo eh. E ano ba problema mo?

Jamie: Alam ko alam mo na yung tungkol kay William. Kasi nakita ko ung reaksyon mo nung nasulat ko ung name na yun. Nabanggit din sa kin ni Mylene nung pagkatapos nyo mag usap. Andun ako... kaya lang nde na ko lumapit. Balak ko na rin sabhin sa yo.

Sumisikip dibdib ko lol. Nde pa nga ko nagtatapat basted na hehehe T_T

Jamie: Si William kasi... siya ang nagpasaya ulit sa kin dati nung nalulungkot ako. Naging masaya ung mga time na kasama ko sya. Alam mo kung ano rin ang libangan namin nun? Ang paglalaro nitong... crossword puzzle...

Unti unti ko nang naiintindihan... kung bakit naging malapit s ya sa kin...

Jamie: Dati bibili pa kami ng dyaryo ni Will tapos sasagutan namin pareho. Sa mga simpleng bagay, napapasaya nya ko. Basta kumpleto araw ko pag nakakasama ko sya. Pero isang araw, bigla sya nagpaalam sa kin na pupunta sya ng ibang bansa. Kelangan nya daw muna ayusin ang buhay nya... kung sakali daw magkakatuluyan kami, wala daw mangyayari.

Nde ako makapgsalita. Yung mga words parang naipon lahat sa lalamunan ko.

Jamie: Sinubukan kong pigilan sya pero nung nagsimula na sya magsalita, nde ko na nagawa pang kumontra. Ayaw ko kasi ng diskusyon. Basta naisip ko na lang na makuntento na lang kung anong patutunguhan ng relasyon namin. Alam mo sabi nya sa kin "Mag ingat ka d2. Ingat ka sa mga manloloko d2 ha? Basta ikaw lang ang nandito *turo sa dibdib*".

Nde ko alam kung matatawa ako o maiiyak ako. Ang gandang coincidence neto....

Jamie: Nung nakilala kita, kala ko magiging ayos na ang lahat. Kasi nagagawa mo kong pasayahin. Mejo nakakalimutan ko na nga sya eh. Pero isang araw bigla syang tumawag sa kin. Biglang bumalik ang lahat ng nararamdaman ko sa kanya. Dun ko naisip na umiwas sa yo. Kasi nagiging malapit ka na sa kin, ayaw ko namang lokohin ka at paasahin... don't get me wrong pero i really like you a lot. Siguro nga may feelings ako sa yo, pero nde ko talaga alam. Mahal ko pa rin talaga si Will

Tsuk! Tsuk! tsuk! alam ko na kung bakit. Nabanggit siguro ni Mylene na balak ko sya ligawan. wow. Sarap pakinggan ng mga bagay na to. hahaha. nababaliw na ata ako

Jamie: Ngaun kuntento na kami sa ganitong setup. Long Distance love affair nga daw tawag nila. Naalala mo nung sinabi ko sa yo na lalapitan kita dati pero kausap mo si Mylene?

Ako: yep

Jamie: Kasi balak ko sabhin ito agad lahat sa yo. Ayaw ko rin kasi mawala ka. Parte ka na ng buhay ko. Sabhin na nating napakaselfish ko, pero ganun talaga... sorry talaga

Bumuntung hininga ako. Kainis. Buti na lang, manhid na ako ng kaunti kaya konting kirot na lang. Mga 200 saksak ng icepick lang ung katumbas na sakit.

Ako: Basted na pala agad talaga ako hahaha. Oh well...

Jamie: Nabanggit kasi sa kin ni Mylene na... un nga...

Ako: Bweno sanay naman ako maging shock absorber eh. Alam mo naman ung kwento ko kay Czarina diba? Siguro magiging shock absorber mo na lang ako.

Jamie: Naman eh. Wag ka namang ganyan

Ako: Sus ayus lang ako. Nde naman ako mawawala and2 lang naman ako naghihintay sa yo eh. Oh pano, kelangan ko na umalis maaga pa ung pasok ko bukas eh. Usap na lang tayo bukas

Jamie: Ok. Ingats pauwi

Lumabas na ko mula sa library. At nagsimula maglakad pauwi. Napadaan ako sa may park. Nagpasya akong umupo muna sa swing. Nde ko mapaliwanag ang nararamdaman ko. Parang pinipiga ang puso ko. Kasabay ng kalugmukan ko ang paglakas ng hangin. Ung mga basura nagliliparan sa mukha ko kaya nagpasya na ko tumayo at umuwi na lang. Nag napadaan ako sa mga puno ng mangga, sunod sunod na pagbagsak ng mga dahon nito. Ang drama ng setting no? Bigla kong natanong sa sarili ko, bakit nga ba kung sino pa ung nagmamahal, sya pa ang nde makuhang mahalin? Bakit kung sino pa ung handang tumayo sa tabi mo, sya pang binabale wala? Nde ko talaga makuha ung logic ng ganun. Kibit balikat na lang akong naglakad pauwi. Nadaanan ko rin ung shop na nilalaruan ko pero wala na kong gana maglaro. Gus2 ko na lang umuwi. Sigurado namang bukas, ok na ulit ako. Sigurado naman akong mabubuhay pa rin ako bukas...

0 comments

Wednesday, November 28, 2007

Ang usapan ni Malungkutin at Mylene

Wednesday, November 28, 2007
Pumunta ako sa may swing kinabukasan. Hinanap ko si Jamie pero nde ko sya nakita. Tiningnan ko sa ilalim ng mga mesa dun pero di ko makita. Tiningnan ko rin ung cr dun baka nagtatago lang. Muntik na ko masuka pagbukas ko ng cr. May unidentified floating object sa bowl yuck. Inikot ko ung park pero wala sya. Naupo ako sa swing para magpahinga. Bakit ngaun pa sya nawala kung kelan last day na ng bakasyon ko. Gusto ko pa naman sana maglaro ng crossword kasama sya. Bweno parang ako na lang magsasagot mag isa ngaun, so naupo ako sa isa sa mga mesa dun

Ako: Hmmm... ano nga ba ito? eto na eto na, di pa makita....

Kumamot ako ng ulo. 6 letters pero four letters lang naiisip ko. Sinulat ko na lang

Ako: U-T-O-T-S-S... hmmm

Napakamot ako sa ibang mga tanong. Bat parang wala ako sa focus maglaro. Sabagay pag kasama ko si Jamie naiinis ako kasi di ko matalo. Pero ngaun naman di ko sya kasama, parang may kulang lagi

Naghintay ako hanggang sa inabot na ko ng 6 pm. Nde na sya dumating... Siguro marami syang ginagawa sa bahay nila. Pero come to think about it, bakit nde ko alam kung san sya nakatira? waaaaaaa

Naglkad na lang ako pauwi. Hawak ko sa isang kamay ung nilukot kong crossword puzzle. Naiinis ako kasi nde pala utots ang sagot dun kundi hangin. Pero nalulungkot ako kasi wala si Jamie ngaun sa swing.... parang kulang ang araw ko... parang nde ako sanay ng wala akong kabiruan sa may park... Hay napakagloomy ko. Nakasalubong ko pa ung isang kabarkada ko. Umiwas na lang ako ng daan kasi baka masuntok ko pa mukha nun hay...

Napadaan ako sa may tindahan ni aling rufina. Bumili ako ng sakto at isang chippy. Napamura ako ng di inaasahan. Takte, ang kunat nung chippy. Napagalitan pa ko ni aling Rufina kasi bat daw ako nagmumura. Di ko naman masabi na makunat ung binili kong chippy sa kanya. Hahampasin pa ko nun ng walis tingting nya...

Pagtingin ko dun banda sa may park parang may nakita akong babae na papunta dun na kahawig ni Jamie. Tinapon ko na ung makunat na chippy at inubos ung sakto sa isang lagok at nagmadali ako pumunta sa park. Nung paghawak ko sa likod at pagharap nya, napa "shit" ako sa loob loob ko... omg anak ni janice! este... basta... nde si Jamie ung babae. Badtrip... bakit ako napaparanoid ng ganito? Galit kaya sya sa kin? ano kaya ginawa ko? Nagalit ba sya dahil nde ko binawi ung siningahan nyang panyo ko? Isip ako ng isip ng dahilan kung bakit di ko sya nakita ngaun ng biglang may bumatok sa kin..

Mylene: Oi! ano ginagawa mo d2? gabi na ha?

Ako: Aray ko namaN! pati ba ikaw....

Mylene: anong pati ako?

Kasi lahat ng babae niruruyakan ang pagkalalake... pati ba naman sya waaaa

Ako: wala

Puwesto sya sa harap ko at nagpatawa.

Mylene: Di mo siguro nakasama si Jamie no kaya ganyan ka?

Hmm... transparent pa rin ako hanggang ngaun. Madali pa rin malaman kung ano iniisip ko.

Ako: Kasi di ko sya nakita maghapon eh parang may kulang pag di ko sya nakakausap. iniisip ko tuloy kung galit sya sa kin...

Mylene: hahaha ayan ka na naman sa mga emoticons mo. Sus, baka naman busy lang un. Ang alam ko exams week ngaun ni May, so baka tinututukan lang nya yung kapatid nya.

Ako: Nyak! alam mong kapatid nya si May?

Napakamot ng ulo si Mylene

Mylene: Syempre naman. Mas nauna ko ata sya nakilala kesa sa yo no! Pero konti lang sinasabihan nya ng sikreto nya. Pasalamat ka at nishare nya un sa yo. Atleast may tiwala na sya sa yo.

Ok. That makes sense...

Ako: Sabagay...

Mylene: Tapatin mo nga ko... naiinlab ka na sa kaibigan ko no??? Aminin!!!!!!

Bigla akong napatayo. Waaa parang senyales tuloy ng pag amin

Ako: nde ah! almost 1 week pa lang kami nag uusap. Nde totoo ang lab at pers sayt no! love in first week pala sa case namin

Binatukan ulit ako ni Mylene.

Mylene: Sus, lagi kayong nakikita no! Di ko na lang kayo tinatawag kasi masyado kayong bc sa paglalaro ng puzzle nyo. Lagi ka rin nakatitig. Sus sa kin ka pa magtatago eh malakas radar ko.

Naupo ako sa swing at nag swing dahan dahan

Ako: Mali ba ung nararamdaman ko?

Mylene: Sus. Kung mahal mo naman talaga ung isang tao, bat mo pipigilan sarili mo? Go ka lang. Di bale, boto naman ako sa yo eh. Saka may plus ka na, kasi ikaw ang visible ngaun sa lahat ng manliligaw nya. ikaw lagi nya nakakasama

Napa Awww ako... nde ko rin napansin. Masyado syang maganda para walang manligaw... mahihirapan pala ako neto T___T. Mangyayari na naman ata ung nangyari kay Czarina... Bigla akong may naalala nung nagsasagot kami ng crossword ni Jamie.

Mylene: O bat ka nalungkot jan?

Tumigil ako sa pag sswing...

Ako: Kasi nung isang araw nung nagsasagot kami ng crossword puzzle, napansin kong may sinusulat syang pangalan dun sa puzzle... William ata

Biglang natahimik ng saglit si Mylene. Maya maya, biglang tumawa si Mylene

Mylene: Sus, wag mo sabhing sumusuko ka kagad nyan? sabi ko nga diba, may plus ka na! Saka sabi ko nga sa yo, ipaglaban mo diba? Nde yung nagmumukmok ka jan sa tabi

Ngumiti ako sa mga sinabi nya. Abah ang maingay na babaeng tulad nya, may mga emo moments din pala to.

Mylene: Oh bat ka nangingiti jan?

Ako: E kasi malay ko ba ikaw ang magpapagaan ng loob ko? Sa dinami daming taong magbibigay lakas loob sa ken, kaw pa tong nagbigay ng advice sa ken lololol. Di bagay sa yo.

Mylene: Tse!!!!!!! Bhala ka jan, bastedin ka sana. Ayaw ko na sa yo bahala ka jan

Abat nagwalk out ang bruha hahaha.

Nde nawala sa isip ko ung pangalan na sinulat ni Jamie. William... Ngaun lang nagsink in sa kin un pagkatapos banggitin ni Mylene na maraming nanliligaw sa kanya. Kelangan ko malaman ung tungkol kay William. Ayaw ko mapraning kakaisip d2.

0 comments

Monday, November 26, 2007

Ang swing

Monday, November 26, 2007
Naulit ng naulit ang pag uusap namin ni Jamie. Para
ngang tuwing magkikita kami, parang ung mga ginawa
namin, pareho pa rin. Parang ung mga pelikula tuwing
tanghali na paulit ulit mo na lng napapanood. Pero e
sino ba naman ako para magreklamo? Masaya ako sa ganun
bakit ba. Saka mahilig ako manood nung mga pelikula
tuwing tanghali bakit ba?

Jamie: Laro tayo crossword!

Sumimangot lang ako. OO na talo na ko. Taas na nga
dalawa kong kamay eh. Mas magaling ka na. Bat di ka na
lang kaya maglason?

Ako: Sige tara laro tayo

hehehe... Oo na. Isa akong engot. As usual, talo na
naman ako. Pinanganak na talaga akong maging alipin ng
mga babae, so ano magagawa ko? Tiningnan ako ni Jamie.
Ako naman nashy type bigla, lumingon sa kabila. Maya
maya tumawa na naman sya

Jamie: Talo ka na naman hahahahaha

Sabi ko na nga ba eh.... tsk.

Ako: Uu na. sus. magdodota na nga lang ako dun sa shop

Akmang aalis na ko ng bigla nya ko pinigil.

Jamie: Eto naman di mabiro. Kita ko ung sagot mo oh,
sinadya mong palitan hehe.

Sumimangot lang ako.

Jamie: Kwentuhan na lang tayo. Kahit ano basta
magandang pag usapan

Nagpasya kaming umupo dun sa may swing. Ung isang bata
gus2 yata magswing, pinaalis ko. E bakit ba? Yun lang
kaya kong i bully eh hehehe.

Ako: Alam mo bang kakatapos ko lang sa isang heart
ache?

Biglang napatigil sa pag ugoy ng duyan si inay.. ay si
Jamie at biglang napatitig sa kin. Bigla akong
pinawisan ng malagkit hehe.

Jamie: What happened?

So ayun kinuwento ko ang lahat lahat sa kanya. Dapat
nga papabasa ko na lang sa kanya tong blog na to para
di ko na kelangang magkwento. Natutuyo lalamunan ko sa
haba ng kinuwento ko sa kanya. Kasabay nun eh ang mejo
pag wetlook ng aking tear ducts. Kasalanan ni Czarina
to, nabuksan tuloy. Nakwento ko rin sa kanya ung mga
hang ups ko sa buhay. Sa family, sa work, pati ung mga
frustrations ko nakwento ko sa kanya. Yung kapit ko sa
swing mejo napahigpit masyado, kumapit ung mga
kalawang sa kamay ko waaaa..

Jamie: Ganun pala nangyari sa yo.... Im sorry to hear
that ha?

Ako: Hay naku, ok na un. mapakinggan mo lang ako
masaya na ko nun. Atleast nalabas ko lahat. Kasi ung
mga tropa ko, walang alam gawin kundi magdota at
magdota lang. La ako masasabhan sa kanila hehehe.

Muling umugoy sa duyan ni nanay, ay sa swing pala , si
Jamie. Seryoso mukha nya ngaun. Para syang
pinagsakluban ng langit at lupa.

Ako: O bakit naman ganyan mukha mo. Wag mo sabhing
naapektuhan ka sa mga sinasabi ko?

Jamie: Naman... nde may naisip lang ako. Things from
my past...

Ako naman ang tumitig sa kanya. Wow, ang daya di sya
pinagpapawisan lol. Wa epek hehe.

Jamie: May gus2 kasi ako sabhin sa yo about sa kin eh.
Tungkol sa buhay ko...

Tumigil sya sa pagduyan. Mukhang seryoso nga to ah.

Jamie: Kasi alam mo di ko tunay na anak si May. Ang totoo nyan, kapatid ko sya. Ulila na kasi kaming dalawa kaya ayun...

Ako: E bakit nung isang araw mommy tawag nya sayo?

Jamie: Kasi nga ako lang ang nakasama nya since bata sya. Ayun ang tawag na tuloy nya sa kin eh mommy. I was just makin stories tungkol sa tatay nya. Mabait tatay namin, kaya lang… talagang ang hirap tanggapin nung mga nangyari

Nikwento nya sa kin ung nangyari sa kanilang pamilya. Nung una mejo matampuhin pa daw sya. Kasi nga daw, balat sibuyas sya. Ung balat nya kulay sibuyas ^_^. Naging rebelde sya, dahil nga ang feeling daw nya eh parang nde sya minamahal ng mga magulang nya.

Jamie: Bago kami mapadpad d2, galing akong Davao. Sumakay kaming barko nun papuntang manila. Baby pa si May nun kaya walang alam sa mga nangyari. Nung natutulog na kami, bigla na lang ang daming nagsisigawan at nagtatakbuhan…

Tumayo si Jamie at sumandal sa pader malapit sa swing.

Jamie: Nagkakagulo mga tao. Unti unti na palang lumulubog ung barko. Takot na takot kami ng nanay ko. Pero si Tatay, calmado lang sya. Tahimik lang sya habang nakayakap sa ming tatlo ni nanay at ni May. Hinila kami ni Tatay at pinagsuot nung life vest. Isa na lng available nung time na yun, kaya binigay na lang nila sa kin. Iyak na ko ng iyak nun

Pinupunasan na ni Jamie ung mata nya. Bat parang naiiyak din ako waaaaaaa. Nag abot ulit ako ng panyo kay Jamie. Siningahan nya ulit un. Namaaannn…. Peborit kong panyo un T_T

Jamie: Pinasakay na ko ng tatay at nanay ko dun sa bangka na maliit. Inabot din ni nanay sa kin si May nun. Niyakap nila ako ng mahigpit. Gus2 ko sanang tumalon pabalik ng barko pero pinipigilan ako ng mga tao. Sigaw ako ng sigaw “Nanay! Tatay!”. Sinabi sa kin ni Tatay “Ingatan mo si May. Mahal na mahal ko kayo…” Dun ko narealize ang mga mali ko dati. Bakit ba kelangan may mangyari bago mo marealize ang mali mo?

Umupo na naman sya sa swing, iyak na sya ng iyak. Ang likot nya ha? Napaupo tuloy ulit ako sa swing.

Jamie: Pinanood kong lumubog ung barko kasama ung mga magulang ko… Halos mabaliw ako kakaiyak nun. Pero nung tiningnan ko si May, dun ko narealize din ung responsibilidad na kelangan kong gawin para sa kapatid ko. Hanggang ngaun namimiss ko mga magulang ko…

Umugoy ugoy na sya ng swing.

Jamie: Buti nalang at kinupkop kami ng tita ko. Kinupkop kami hanggang sa magkatrabaho ako, at ayun nga hanggang mapadpad kami d2 sa lugar nyo.

Ako: Teka pala, alam ba ni May na kapatid mo sya?

Jamie: Sus oo naman. Nasabi ko na sa kanya dati ung story na to. Un nga lang nasanay syang tawagin akong mommy, so ok lang siguro un.

Napatingin ako sa panyo. Tsk…

Ako: Hmm…. Wag mong sabhing sasauli mo ulit sa kin yang panyong yan ha? Mejo kadiri kasi ngaun, parang ang dami mong sininga

Bigla akong binatukan ng malakas ni Jamie. Masama ba magsabi ng katotohanan waaaa

Jamie: Ay ewan ko sayo! Ang seryoso ko d2 tapos ung panyo pala ang concern mo! Bahala ka jan

Anak ng… waaaaa!

Ako: Oi biro lang waaaA! Nakikinig naman ako eh

Jamie: Basta ewan ko sayo!

Here we go again sa sumpang yan. Tsk para akong tuta na habol ng habol sa kanya hehehe. Pero atleast nakita ko na naman syang ngumingiti. Akalain mo bang pang maalalala mo kaya ang kwento ng buhay nya? May bago na namang target si Malungkutin. Eto na naman ang pangako ko na sasamahan sya hanggang sa Makita ko sya uling masaya.

0 comments

Sunday, November 25, 2007

Ang sumpang "EWAN KO SA YO"

Sunday, November 25, 2007
Kinabukasan nagkita kami ulit ni Jamie. Naglaro kami ulit ng crossword puzzle. Ang corny no? Dami dami pagkakaabalahan crossword puzzle pa napagtripan. Tuwing lilingon ako nakikita ko na sobrang lungkot ng mukha nya. Pinipilit nyang maging masaya, atleast siguro pag kasama nya ko.

Jamie: Ayan tapos na! mejo mahirap tong dala mo ngaun ha!

Ako: Empre! di na pede sa yu ung tulad kahapon kasi ang taba ng utak mo

Jamie: EWAN KO SA YO!

Tsk. Mukhang may sumpa ang mga salitang un. Bigla akong nanlalambot at parang gus2 ko laging magsorry lolx

Ako: Meron sana ako gus2 itanong sa yo eh. pede ba?

Jamie: Hmm... sure wag ka lang mangungutang kasi mejo taghirap kami ni May ngaun eh.

Napaisip ako bigla.... sila lang ni May? ibig bang sabhin...

Jamie: Kung di kasi isat kalahati yang tatay ni May... Naduwag kasi ung tatay nya kaya nagpasya na lang akong palakihin si May mag isa.

Tumayo si Jamie. Mejo salubong ang kilay. Nakakatakot naman sya tingnan

Jamie: Sinubukan kong ilapit sya sa tatay nya, pero ung tatay naman ang ayaw. Naaawa ako sa bata pag naaalala ko. Pano pag naghanap sya balang araw? Anong sasabhin ko? sasabhin ko bang ayaw sya tanggapin ng tatay nya?

Umupo sya sa tabi ko at hinawakan ung ballpen... bigla akong kinilabutan kasi parang sasaksakin ako ni Jamie waaaaaaaaa

Jamie: Pag naaalala ko yun parang gus2 ko pumatay ng tao talaga... ay uu nga pala, may itatanong ka diba? ano ung itatanong mo?

Bigla akong napalunok ng laway. Mukhang nde sya sa mental galing, mukhang sa munti. Mukhang kamag anak ni baby ama.

Ako: a.. e... w-wala. Nakalimutan ko na. Haba kasi ng kwento mo eh.

Jamie: Ganun? alam mo mahal na mahal ko si May. Kami na lang magkakampi d2 talaga eh.

Napansin ko na namang mejo nalungkot na naman sya. Hmm... Parang gus2 ko rin mangako sa kanya ha. Ung pangako na binigay ko kay Czarina.

Ako: So kumain ka na ba?

Jamie: EWAN KO SA YO! nag eemote ako d2 sabay ganyan banat mo.

Oh well eto na naman kami. Hinabol ko na naman sya. Pero nakita ko bago sya tumalikod na nakangiti na ulit sya. Para kaming mga bata, naglolokohan habang naglalakad. Natutuwa ako sa kanya :D

Jamie: Know what, Im glad nakilala kita. Akalain mo no? kung di mo ko nioffer ng panyo dati, di ko malalaman na ok ka pala kasama. Kahit pano nakakalimutan ko ung mga problems ko kahit saglit.

Ako: Marami pa ko kayang gawin no. Kaya kong kumain ng buhay na manok. Kaya ko maglakad sa mga nagbabagang uling. Para lang maentertain ka

Jamie: Sus

Ako: Pero seriously, kahit naman ako marami akong hang ups sa buhay. Pero dinadaan ko sa ngiti at tawa lang. Ayokong sirain ang araw ko maghapon dahil lang sa problema.

nakatingin lang sa kin si Jamie

Jamie: Sana ganun nga lang kadali... pero alam mo one of this days, ill be able to share sa yo lahat lahat ng hang ups ko. Kasi feeling ko kakampi kita

Ako: hay naku. syempre naman no! kakampi tayo

Naglakad lakad kami ng konti ng makasalubong ko si Mylene, isang kaibigan ko na mejo kausap ko rin sa mga madadramang usapan

Ako: mylene!
Jamie: mylene!

Nagkatinginan kami ni Jamie.

Mylene: lalalala! hahaha! aba magkakilala na pala kayo. Kamusta kayong dalawa?

Sabay kaming tumawa ni Jamie. Ang liit pala talaga ng mundo no? Akalain mong pareho naming kakilala ang taong yun.

Mylene: So kayo na ba? hahaha

Jamie: Uu kami na nga! hahaha

Ako: Nyak at kelan naman nangyari un?

Si Mylene kasi sobrang ingay nyan. Kwento dito. Kwento dun. Kala mo walang problema, pero alam ko rin maraming tinatago yan, ayaw lang mag share haha

Mylene: Sus kayo! At kelan pa kau nagkakilala? Akalain mong nagkakilala ang dalawa kong kakulitan!

Jamie: uu nga eh. Ang kulit masyado nyang tao na yan. Ayaw ko na nga minsan kausapin kasi sobrang kulit

Bakit kaya ako laging ginaganito ng mga babae no? Mga diyos ng kalalakihan naway bigyan nyo ko ng lakas upang lumuhod sa harap ko ang mga babaeng to... T_T

Ako: soooo.... san punta mo My?

Mylene: ah jan lang sa tabi tabi, maghahanap ng mga boylet hehehe

Jamie: hahaha

Ako: Sus, ung boss among malupit ko ayaw mo?

Mylene: Friends lang kami nun no! hahaha lalaa

Jamie: Hahaha

tawa ng tawa si Jamie. Ganito ba sila pag nagkikita? tawa ng tawa?

Mylene: O pano, maiwan ko na kayo, tuloy nyo lang date nyo! babayuuuuu

Nagwave na kami to say goodbye kay mylene. Atleast nagkaroon ng ice breaker sa usapan namin ni Jamie. nagiging seryoso na masyado hehehe

Jamie: Isa sya sa unang naging mabait nung unang salta ko dito sa lugar na to. Im happy nga kasi isa rin sya sa nagpapasaya sa ken eh.

Ako: Ay uu sobrang kulit nyan. Wala nang ginawa yan kundi tumawa.

Jamie: *Tumingin sa relo* sige susunduin ko na si May ha? Ill see you later ha?

Ako: And2 lang ako lagi. Sige ingats kau ha? kain ng marami pagdating sa inyo!

Jamie: Uu masarap ulam namin ngaun. Porkchop!

Ako: Wow sarap naman

Tiningnan ko sya habang papalayo sa kin. Tama na ba tong ginagawa ko? Ayokong mag isip na gus2 na nya ko, pero hanggang masaya pa kami pag magkasama kami, di ko sya iiwan. Lagi ko syang paliligayahin

0 comments

Ang crossword puzzle

Sumunod na araw, muli kami nagkita ni Jamie. Abahh... mukhang mas maaliwalas ang mukha nya.

Jamie: uiiiii! gandang araw sa yo!!!!

Tsk lakas ng dating ko talaga hahahaha

Ako: Ui!! gandang araw din sa yo! kamusta?

Jamie: eto ayus lang. mejo ok naman na.

Ako: Teka pala kumain ka na?

Mdyo nag pouty lips si Jamie. Ang cute tingnan hahaha

Jamie: Di pa nga eh. maya na lang siguro

Ako: Hala, hapon na di ka pa kumakain? Tara ililibre na lng kita ng kakainin.

Jamie: Sus! nde na no ok lang. Saka kumain ako ng sandwich at juice kanina ok na un.

Matigas din ulo neto. Tsk. Ano ba kelangan kong gawin para umayos ang mga taong ganito tsk.

Jamie: Nga pala ilang taon ka na? Di kasi tayo masyado nakapag kilala kahapon kasi diba nga nag drama ako kahapon?

Ako: 23 pa lang ako. ikaw ilang taon ka na?

Biglang nag pouty lips na naman sya. Ay natutuwa talaga akong makitang naka pouty lips sya

Jamie: Ate mo na pala ako eh. mas matanda ako ng ilang taon sa yo.

Ako: Sus ayaw ko nga ng ate. sa utol ko nga di ko tinatawag na kuya un, kaw pa e di naman kita kaano ano.

Bigla syang tumawa ng malakas. Ang cute ng boses nya. Parang si inday badiday hahaha. Biglang may inabot sya sa bag nya.

Jamie: Eto na ung panyo mo. Nilabahan ko na yan so wala na yang sipon.

Ako: *Kamot ulo* sabi ko sa yo na yan eh. Luma na rin yan kaya sa yo na lang

Jamie : *Lumaki mga mata* Oiiii! nde ako poor para limusan mo ng panyo. Tsaka nagtataka ako, lalake ka ba talaga? bakit kulay pink tong panyo mo?

Abaaaaa..... nantatapak din to ng pagkalalake ko ah? abaaaaa

Ako: E bakit ba sa kapatid ko yan. wala na kasi akong malinis na panyo kaya hiniram ko.

Tumayo sya at naglakad lakad ng konti.

Jamie: Alam mo, nde ko alam pero ang gaan ng loob ko sa yo. Parang ang saya saya mo kasama. Kahit kahapon lang tayo nagkakilala, parang pakiramdam ko, dati pa kita kasama

Wow. madrama pala to. emo sessions ba ulet? Naalala ko may dala pala akong crossword puzzle dito sa bag ko.

Ako: Sus, drama mo jan. Maglaro na lang tayo ng crossword puzzle. Madami kang matututunan d2, parang trivia ba?

Jamie: Mahilig ako jan eh. Pabilisan tayo sumagot?

Kinuha ko ung isang copy sa bag ko at ballpen. Umupo kami sa isang mesa sa park at nagsimulang magbilang. 1...2...3... ayun nagstart na kami.

Jamie: hmm... ahh... *sulat sagot*

Ako: hmm... ahhh... *kamot sa ulo*

Makalipas ang ilang minuto, natapos na sya. Kainis bakit ba lahat na lang ng babae gus2 tapakan ang pagkalalake ko???

Jamie: Bleh, Di mo natapos un sa yo.

Ako: E mahirap ung mga tanong dito sa ken kumpara sa yo no.

Inabot ko ung puzzle nya. Nanlake ung mata ko kasi ung mga salita dun eh parang ngaun ko lang narinig. Nakita ko na kinuha nya ung akin at sinagutan

Jamie: Ganito lang pagsagot neto. Kitams?

Tadhana ko na siguro to no? hehehe. Malay ko bang magaling maglaro ng mga ganito tong si Jamie? Susunod nga sa dota ko sya yayayain lolz

Jamie: Ano nga pala pinagkakaabalahan mo? bat parang ang dami mong oras?

Ako: Ah nag oopisina ako. nakaliv ako ng 1 week eh. Nasstress lang akong makita pagmumukha ng boss ko kaya nag liv ako.

Ngumiti si Jamie. Sana nde na mabura un. Mas ok sya tingnan pag ngumingiti sya.

Ako: E ikaw? ano pinagkakaabalahan mo?

Nagbago hitsura ng mukha ni Jamie. Parang biglang nanlumo ang mukha nya

Ako: A... e. ... kalimutan mo na lang ung tanong ko. Nand2 tayo para magsaya. Kung ano man yang problema mo, tatanggalin ko yan hehehe. Tara sagutan pa natin tong puzzle. Pabilisan ulet.

Mejo nangiti si Jamie at sabay kuha dun sa puzzle. Kung ano man ang problema nya, alam ko di pa sya handang sabhin ito. Hintayin ko na lng siguro dumating ung oras na sya na mismo magsabi sa kin nun. Kung meron man ako natutunan sa naging takbo ng kwento namin ni Czarina, un eh iwasang ipilit ang isang bagay. Hayaan ko na lang na ang panahon mismo ang magpasya para sa kin.

Jamie: Tpos na ko! ano ba yan.... ang simple simple lang di mo pa matapos yan

Ako: Ok payn... magaling ka na. sus kala mo magaling ka na nyan?

Jamie: Syempre naman. Hmp! yabang neto

Ako: kaw nga tong mayabang eh! Kala mo kung sinong....

Di pa ko tapos magsalita ng biglang sabi nya...

Jamie: EWAN KO SA YO! *sabay walk out*

toink! bigla akong nanlambot nung sinabi nya un. Ewan ko ba, pero merong mysterious powers ung mga salitang un kasi bigla akong naghabol at nagsorry ng nagsorry. Makalipas ang ilang minuto ng pandededma, bigla nya syang humarap sa kin.

Jamie: May papakilala ako sa yo.

Sa paglalakad namin, nakaabot na pala kami sa isang elementary school malapit sa min. Sino kaya papakilala nya sa kin? Maya maya may batang nagsisisgaw galing sa likod ko.

Bata: Mommy! mommy! mommy!

Paglingon ko kay Jamie, Biglang yumapos ung bata sa kanya. Napa O M G ako. Anak nya ung bata? waaaaaaa may asawa na pala tong si Jamie..... Bigla naman akong nalungkot.

Jamie: Eto nga pala ung anak ko, si May

Ako: Elow May!

Tinaasan lang ako ng kilay ni May. Abah, manang mana sa mommy.

May: Who is he mommy? your boyfriend?

Jamie: No no no. He's just my friend lang. Sinamahan nya lang ako sunduin ka

May: i see.. I don't like him mommy

Kinurot ni Jamie si May... pero ang sakit ng sinabi nya ha? Bagsak agad ako sa anak nya. First impression lasts pa naman.

Nagwave na si Jamie pauwi.

Jamie: Sige seeyah tomorrow na lang ulit ha?

Ako: Sure sure same place same time ulit

Bigla akong napaisip. Dpat ba talagang makipagkita pa k osa kanya? e pano kung malaman ng asawa nya na nakikipagkita ako sa kanya? baka mapaaaway pa ko. Teka sino nga pala ung asawa nya? waaa. di ko natanong. Siguro bukas tanong ko sa kanya. Mahirap na, baka imbes na malungkutin name ko, maging imbalido.

0 comments

Bagong umaga, bagong istorya

matagal ko ring nde nabisita tong blog ko. Mejo naging bc sa totoong buhay. Malay ko bang magiging bc ako, Kainis tong mga koreanong to dapat dito nilulunod sa ilog pasig eh... tsk

Bago ako naging bc, binalak kong gumawa ng book 2 ng love story ni Malungkutin. Pero sa indi sinasadyang pagkakataon, biglang nawalan ng gana magsulat si malungkutin. Di ko alam pero, ganun talaga siguro.... Kaya ko lang sumulat based sa experience. Sabi nga sa kin ng kaibigan ko, ako ung tipo ng writer na kumukuha lang ng masusulat based sa mga naging experience ko, nde ko kayang magsulat na based lang sa mga ideas. Siguro nga tama sya, kasi lahat ng sinulat ko d2 ay based sa karanasan ko. Meron siguro iilan pero mabibilang mo lang sa isang kamay.

Sinulat ko ang buhay ni Malungkutin para magkaroon ako ng medium para irelease kung ano mang problema, heartache or kung ano pa mang ka ek ekan sa buhay. Sinubukan kong sumulat ng isang blog na nakakaaliw, na kahit seryoso ang sinusulat ko, may sisingit na punchline. Sa totoo lang, ang bawat entry na sinulat ko ay tumatagal lamang ng halos 15-20 mins bago ko matapos. Marami nga itong typo errors kasi nde ko na ineeedit kung ano ang sinulat ko. Pero...

What the hell... wala itong kinalaman sa isusulat ko ngaun

Merong kasi akong nakilala isang babae habang naglalakad lakad ako sa park. Maganda sya. Talagang mapapa "wow" ka sa kanya. Mapapansin mo na lang na parang imbalido ung bibig mo kasi basta na lang tutulo ung laway mo. Napaisip si malungkutin. Nagus2han ko ang babaeng to pero sobrang ganda nya kasi. Nagbago bigla isip ko ng maalala ko ung sabi ni Jay sa kin. "Ang magaganda ay para sa mga panget" Chedeng!!! Nabuhayan ako ng loob. Maganda sya, pangit ako! Opposite attracts nga daw eh. Langit sya, lupa ako. O diba Cholo ikaw ba yan? Sinubukan ko syang kilalanin...

Ako: Hi miss ako si malungkutin. whats yours?
Babae: *taas kilay*

Nyay! ayun.... basted agad hahaha. Mali lang siguro approach ko. Tsk mukha kasing akong manyakis tapos ganun pa approach ko. Siguro bukas kausapin ko sya ng maayos. Simulan ko sa friendship. Yan ang talent ko, makipagkaibigan. Sa totoo lang, lahat ng babae yan lang gus2 sa kin, kaibigan (ang saklap).

Makalipas ang ilang araw, naglakad ulit ako sa may park malapit sa min. Naging gawain ko na un pagkatapos ng mga nangyari sa min ni Czarina. Naglakad lakad pa ko ng biglang poof! biglang umikot ang paningin ko. Takte tong mga naglalaro ng basketball ginawang ring ang ulo! Nagsorry naman sila sa kin kaya ayus na un, pero umiikot paningin ko talaga. Nagpasya akong maupo sa isa sa mga bench dun. Peste namang buhay to... Maya maya napalingon ako sa bandang kaliwa ko. Nakita ko ulit ung babae na nakita ko nung isang araw. Mejo malungkot sya. Nakikita ko pa ngang mejo wet look ung mata nya. Nag isip ulit ako...

Ako: Hmm.... lalapitan ko ba to o nde...

Tsk na buhay to, teka, napapadalas ang pakikipag usap ko sa sarili ngaun ah? waaaaaaa. eneweyz, nagpasya akong lumapit sa kanya. Inabot ko ung panyo ko sa kanya. Tumingin sa kin ung babae. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Natatakot kasi ako baka bigla na naman nya ko taasan ng kilay. Nagulat ako ng bigla nyang inabot ung panyo ko. Huwaw! a miracle! a miracle indeed! Nagulat ako ng bigla syang nagsalita

Babae: Alam mo, ang hirap pala ng sobrang taas ng expectations ng tao sa yo no? Kapag nde mo nagawa ito, magiging frustrations mo ito sa buhay.

Nagpasya akong umupo sa tabi nya. Here we go again, the absorbing man is here!

Babae: Why cant just everyone leave me alone? The more expectations from me, the more na naaawa ako sa sarili ko.... Tao lang ako, di ako isang superhero na kayang gawin ang lahat ng expectations nila sa kin...

Seryoso akong nakikinig sa kanya ng bigla syang tumawa. Anak ng... mukhang nakawalang pasyente to sa mental

Babae: Pasensya ka na ha? Napilitan ka pa tuloy makinig sa kwento ko. And sorry rin kahapon ha? Napagtaasan kita ng kilay mejo wala ako sa mood kahapon kasi depressed ako. Mabilis kasi magbago mood ko

Ako: (mejo tulala pa rin) hmmm... ok lang hehehe. sanay naman akong iniirapan ng mga babae

Babae: Ganun? hahaha

Mas maganda sya tingnan pag tumatawa sya....

Babae: UU nga pala ako si Jamie. Elow *malungkutin*!

Ako: Aba naalala mo pala pangalan ko?

Jamie: Syempre naman, matandain naman ako no. O eto panyo mo, salamat ha?

Ako: Nde, sa yo na yan. May uhog mo na eh, babalik mo pa sa kin.

Tumawa ng malakas si Jamie. Sabay batok sa kin

Jamie: Tingin ko magkakasundo tayo. *Ngiti ng ubod ng laki*

Nakupo.... Czarina 2 ba ito? Oh well, gusto ko rin naman syang maging kaibigan. kaibigan ha? nde ka-ibigan hehehe.

Jamie: So seeyah tomorrow? Same time? same place?

Ako: Ay sure....

Mukhang mabubuhayan na naman ng dugo itong si malungkutin hehehe. Hmm... Sa huli nagdesisyon akong maging Book 2 na itong entry na ito hehehe.

0 comments

Tuesday, November 6, 2007

Dump me fast

Tuesday, November 6, 2007
Many times I wonder
Many times I plunder
What's my worth in this world?
I know what you're thinking.... thats absurd

What else would I say?
I can't even ask you to stay
What else would I do?
I can't even say I love you

Before, I got these reasons
To live my life with expectations
Days past by and i learned to love you
Days past by and i learned to be true

But what are these hesitations?
I can't stand it, too many frustrations
I thought my life will be meaningful
But its the other way around, its too sorrowful

Don't I have the right to be happy?
Why are these things happening to me?
I don't know whats wrong with me
My habits, attitude or maybe the whole me?

Please listen to me, I beg you
Don't do this to me, Please be true
Just tell me the real score
I don't want to cry anymore...

To you this may look stupid
Maybe i do act like a kid
But this I only want you to know
Dump me fast, don't hurt me slow

0 comments

Sunday, November 4, 2007

Ang bakasyon ni Malungkutin

Sunday, November 4, 2007
Umuwi ako last nov.1 sa province namin. At long last nakauwi na rin ako hehehe. oct 31 may pasok pa ko kainis... napilitan ako magpaumaga sa office para makauwi ng madaling araw. Dapat nasa bahay na ko ng umaga, para marami rami naman akong gawin. Habang nasa byahe ako, di ako makatulog nakakainis hehehe. pagdating ko ng bahay, pagsandal ko sa sofa namin, napapikit ako. Pagmulan ng mata ko, 3 na ng hapon lolz. Sana natulog na lang ako sa bahay ko sa manila ganun din pala dapak....

So ayun, pagkagising ko naligo ako, lagay ng wax sa buhok at nag toothbrush. Olrayt! pupunta na ko ng sementeryo. Nang malapit na ko sa sementeryo, nakasalubong ko ung pinsan ko. Nagulat sya na parang nakakita ng mumu. "Buti nde ka naligaw? nakakauwi ka pa pala d2 sa tin". Nak ng tipaklong.... Nde nakakatawa un ah hehehe. Pero sabagay, almost 4 months ata ako di nakatuntong sa probinsya namin, normal lang ang ganun. Pagdating ko sa puntod ng lolo at lola ko, nagtirik ako ng kandila at nagdasal ng konti. Naabutan ko pa ung iba kong pinsan at tito. Alam nyo reaksyon nila? Parehong pareho ng sinabi nung nauna kong pinsan. Natatawa na lang ako sa kanila. Dinalaw ko rin ung kabilang puntod ng mga kamag anak namin. Hulaan nyo rin reaksyon nila? hahaha. tama un nga.

Nakita ko sa sementeryo ung isa kong katropa. Ganun din reaksyon nya hehehe. Naisip ko siguro panahon na para ayusin ko ung mga tampo nila sa kin. Niyaya ko syang mag inom kasama ng ibang tropa namin. Sagot ko lahat. Lahat as in lahat T_T. Ubos ang dinala kong pera hehehe. So ayun nagdesisyon na kaming umuwi ng sabay. Habang naglalakad ako, napaka nostalgic ng dating. Nadaanan namin ung bahay nung ex ko at nakita ko sya. Dedma lang sya hehehe. Marami akong nakasalubong na kakilala. Grabe, kala mo artista o balik bayan ako hehehe. Bati dito, bati dun. Ang sarap pala ng feeling ng umuuwi sa probinsya. So ayun umuwi na ko at hinintay na lang sila dumating sa bahay. Nag online ako saglit para icheck kung online sya. Wala sya so.... oh well....

Maya maya dumating na ung mga katropa ko. Ayun inom kami. 2 case ng red horse at isang generoso. Lahat sila sinasabi na namiss nila ako. Nde ako natouch kasi kadiri sila hahaha. Ang saya ng inuman namin. Sa loob ng mahabang panahon, ngaun lang nagkasama sama ung kumpletong tropa namin. Kahit ung isa na may asawa na, pumunta rin dun. Andami kong catching up na ginawa. Pati ung relasyon ng pinsan ko sa isa naming tropa nde ko nalaman. Andami kong namiss nung umalis ako. Naisip ko bigla na sana, nakasama ko pa sila ng mas matagal. Namiss ko ung samahan namin tulad ng dati.

Nag online na sya at nag pm. Kinuwento ko kung gano ako kasaya kasi nakumpleto na ung tropa namin. Pero parang iba ung pm nya eh... so nagpaalam ako na kausapin ko na lang sya mamaya kasi nga nagkakatuwaan pa kami. Siguro eto ung isang mali na ginawa ko pero ayaw ko mamiss ung chance na makakwentuhan sila lahat....

Nov 2, minulat ko na mata ko. Nagtataka ako bakit ung kanan kong mata nde bumubukas. Kelangan ko pang i buka gamit ng mga daliri ko. Parang ang dami kong muta. Naghilamos na ko at pagtingin ko sa salamin, Napa shet ako. Ang pula ng kanan kong mata waaaaaaaaa.... May sore eyes ako T_T. Bakit kung kelan bakasyon ko saka naman ako nagkaroon neto. Tsk... Maghapon tuloy akong nakulong sa bahay waaaaaaa......

Nung gabi pumunta ako sa tito ko. Bday nya kasi. Pagdating ko dun ang daming tao. Andun lahat ng mga pinsan ko at pati ung ilan kong mga katropa. Lahat sila isa reaksyon hahaha. Ganun ba talaga ako katagal nawala? Maya maya nagpicturan na sila.... nde ako kasama. Andun lang ako sa isang sulok. Nde ko magawang lumapit kasi parang nahihiya ako. Ang saya na ng tropa nila... Naisip ko, un siguro ung price na kelangan kong bayaran para makipagsapalaran sa maynila. Naisip ko rin na kung sana madalas ako umuwi or nde na ko talaga nagtrabaho sa manila, sana isa ako sa nagtatatalon jan sa picturan nila. Niyaya pa ko nung isang pinsan ko na mag inom daw. Sumagot na lang ako ng oo pero dahan dahan akong umalis. Nde na nila ako napansing umalis ehehehe. Parang etchapwera na talaga ako hehehe. Pero ayus lang atlis naging masaya ulit ako kahit saglit lang.

Sabado, parehong mata ko na ang may sore eyes. Kaasar. Bakit ngaun pa... T_T. Andami kong gus2 gawin pero di naman ako makalabas. Hinintay ko na lang sya mag ol pero mukhang di na sya muna mag ool. Nagkasakit sya, kaya naiintindhan ko. Bigla ko syang namiss ng sobra... pero ayaw ko namang pilitin sya mag ol para lang sa kin. Iniwan kong ol ito para kung mag ol man sya, makita nya na ol ako. Nung gabi, bigla syang nag buzz. Kapatid ko nakasagot e suplado un sabi lumalamon daw ako. Kapatid ko un ah? tsk. Nakausap ko sya. Mejo ok na daw sya. Andami kong nitanong pero mukhang ayaw nya magtype. Anong magagawa ko sira ung sound card nung pc ko. Kahit gus2 ko sya kausapin pero hanggang type lang kaya kong gawin nung time na un. Siguro napansin nya na mejo nalungkot ako kaya aun, nagkwento sya ng marami. Kahit ung tungkol sa kanila, nakwento nya. Parang iba lang pakiramdam ko sa mga sinasabi nya... Parang nanlambot pa nga ako sa iba nyang sinabi. Mga bagay na nde ko nagawa.... mga bagay na siguro nde ko na magagawa. Pero nitry ko pa ring maging masaya para sa kanya. Kelangan nyang maging masaya for her sake. Maya maya nag offline na sya. La ako magawa hehehe. Nanood na lang ako ng 1 vs. 100 at kakasa ka ba sa grade 5. Ang tatalino ng mga bata talaga. Daig pa ung mga totoong contestant hehehe. Nde ko na tinapos ung panonood ng pbb kasi mejo la na ko sa mood. pinilit ko na lng matulog...

Linggo, puro muta pa rin mata ko. bakit kaya nde pa gumaling to? tsk. Nagdesisyon kami ng nanay ko na pumunta ng mall. Ayun nilibre ko sila kumain at manood ng sine. Nanood kami ng "Hide and seek". Nung una mejo nagugulat pa ko. Pero nung bandang gitna na, masyadong naging predictable na. Nde na ko natutuwa. Ni nde nga ko natakot. Pano naging rated B un? tsk. Tiningnan ko ung cell ko at may text nya. Naglaro daw sya kasama ung lovey dovey nya. Congrats sa yo. hehehe. Nung nagtext ako sa kanya, di na sya nagreply hehehe. Parang ayaw na nya ko kausap lolx. So ayun naghiwalay na kami ng ermats at mga kapatid ko. Pabalik na ko ng manila, sila naman pabalik na sa bahay. Natutuwa ako kasi marami akong naayus nung bumalik ako sa province...

Eto ako ngaun sa office, nakikinet ng libre hahaha. Nagtext ako sa kanya, sagot lang nya hehehe at smiley na letter u. oh well... siguro naaayus na nila ung lab story nila. parang nde na nya ko kelangan ngaun. Kung dun naman sya liligaya, ayus lang. Atlis alam ko masaya sya. Alam ko ring speechless na sya at wala nang masabi so ok lang talaga. Siguro kakayanin nya na ung araw nya na wala ako, so its better this way... pahabol pala... ung kaopism8 ko may nakitang umuusok sa isang cubicle sa cr. tapos nakita nyang mejo gumalaw ung pinto neto.... waaaaaaaaa.... may multo sa office namin waaaaaaaaaa.....

0 comments